CHAPTER2
A-N: Hindi ko na po isasama yung ibang days. Yung days na lang na magkasama si Jenicca at Drake yung ilalagay ko.
♥~♥~♥~♥
DAY 4 :
Tinext ko na si Drake para sa dinner. Gusto kasi nila Mom and Dad na pumunta siya dito sa bahay, na kwento ko kasi siya sa kanila kaya parang nagkainterest sila Mom sa kanya.
Biglang tumunog yung phone ko kaya dali dali ko iyun kinuha.
Si Drake na pala yung nagtext.
From: Drake
Really? Okay kung ganun. 6sharp ako punta diyan sa inyo. Okay? :)
Oh see? Kahit siya natuwa sa inact ng parents ko sa kanya. Na sabe ko kasi sa kanya na gusto siyang makita nila Mom and Dad. Kaya ayan.
"Mam Ear, nandito na po si Sir Drake."
Ang aga naman ata? Anong oras na ba? Tinignan ko yung wall clock ko. Saktong 6 na pala. Hindi ko namalayan, nalibang kasi ako sa paglalaro sa iPad ko eh.
"Sunod na lang ako." sabe ko dun sa Maid namen saka siya umalis.
Tumayo na ako saka nagayos. Nagpalit ako ng floral dress na above the knee saka nagayos ng konte. Nagtali din ako ng buhok. Brinaid ko yun.
Bumaba na ako at mukang nagkwekwentuhan sila sa living room. Rinig na rinig yung tawa ni Mom eh.
Napatingin silang tatlo sakin.
"Oh, ang dalaga naten andyan na pala." sabe ni Dad.
"Ang ganda naman ng anak ko. 'di ba nga Drake?" saka siya tumingin kay Drake. Mom talaga parang ewan pero love ko yan.
"Yes, Tita." sus, napilitan ka lang ata eh.
Lumapit na ako para makipagbeso sa kanilang tatlo.
Lumapit sakin si Drake saka bumulong.
"Your pretty."
Napatingin naman ako sa kanya saka ngumiti na lang. Wala akong masabe eh, flatter kung baga.
"Let's eat dinner together." yaya samin ni Mom na ngayon ay hila hila na si Dad. Kasunod lang kame ni Drake natatawa na lang kameng dalawa kanila Mom and Dad eh. Para kasing teenager pa.
Katapat namen sila Mom and Dad.
"Try this one Drake, special cooked ko yan." sabe ni Mom saka nilagyan si Drake sa plate niya.
Tinikman naman ni Drake yun.
"Ang sarap Tita."
"See? Kaya nga na-inlove ang Tito mo sakin dahil magaling akong magcook." pagmamayabang ni Mom.
"Sus, dahil lang sa charm ko kaya ka na-inlove sakin eh." si Dad hindi talaga magpapatalo yan.
"Naku! Sebastian. Nagbuhat ka nanaman ng sariling bangko." pangaasar ni Mom sa kanya.
"Ayaw mo pang aminin eh, sa gwapo ko 'to hindi ka ma-iinlove?" tapos nagsmirked si Dad.
Natatawa na lang kame ni Drake sa kanya especially Drake. Tawa siya ng tawa kay Dad at Mom.
"Drake, nasan nga pala ang Mom at Dad mo?" pagiiba ni Mom, nahimasmasan na ata silang dalawa kaya nagchange topic na.
"Nasa company po sila ngayon." sagot naman ni Drake.
"Workaholic talaga yung dalawang yun. Sabihin mo sa kanila dumalaw sila dito."
"Sure po Tita. Sabihin ko po sa kanila."
Nakalimutan ko bang sabihin na magbestfriend ang parents ko at parents niya? Kame lang ata yung hindi. Hahaha, pero kaya nga kame naging friends 'di ba? Dahil dun. Hindi din alam nila Mom yung status namen ngayon ni Drake, hindi naman kasi namen iniisip kung ano kame eh. Basta i-spent lang namen yung mga days together.
Nagkwentuhan at nagtawanan lang kameng tatlo. Ang saya pala ng gantong feeling, sana araw araw ganto.
Natapos na kameng kumaen. Nauna na si Dad at Mom na umakyat kasi pagod daw sila. Natuwa naman sila kay Drake kaya ayos na daw yun.
"Pano? Una na ako?" tanong niya sakin.
Nandito kame sa may labas ng bahay.
"Ingat ka paguwi huh? Drive safely." sabe ko sa kanya.
"Sure." saka siya nagwinked sakin. Baliw talaga 'to.
"Thanks for the dinner, pakisabe na lang kila Tita na thank you at umuwi na ako huh?"
"Yes. I will."
Nagbeso na ako sa kanya saka siya pumasok sa kotse. Nagwave lang ako sa kanya hanggang sa makaalis siya.
Naglakad na ako papasok ng bahay. Ang saya naman..
Parang kaylan lang ang lungkot ng mundo ko tapos ngayon, dahil lang sa isang game naging masaya at worthit ang lahat sakin.
BINABASA MO ANG
Love Game
Novela JuvenilPosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?