CHAPTER12
♥~♥~♥~♥
DAY 34 :
"Hi Baby Reiko." bati niya agad kay Reiko pagkasakay na pagsakay namen sa kotse niya.
Sumakay na ako sa passenger seat at si Reiko naman sa back seat. Nagsimula na siyang magdrive papunta sa Mini Mall ng mga pet.
Isang oras din kameng nagbyahe ng tahimik. Ewan parang nagiiba yung aura habang palapit ng palapit yung ano-- erase na nga!
Pinagbuksan niya na ako ng pinto saka niya pinababa si Reiko. Ako na yung humila kay Reiko saka kame pumasok sa loob ng pet's shop.
"Iwan muna naten si Reiko dito para mapaliguan na siya." sabe ni Drake pagkarating na pagrating namen dito. Tumango na lang ako.
"Miss, balikan na lang namen. Ayusin niyo yung cut niya saka bihisan niyo na din siya ng maganda." utos ni Drake dun sa babaeng kala mo naman maganda kung magpa-cute kay Drake! Tss. Buti na lang lumabas din kame.
Naglakad lakad muna kame dito. Ang daming pets kaya malilibang ka talaga tapos may mga foods tapos dun sa side mini shop na para naman sa tao. Hohoho..
"Gusto mong kumaen muna tayo?" tanong niya.
"Nope. Gusto kong maglakad lakad muna." sabe ko sa kanya. Nakaharap ako sa kanya ngayon.
"Bakit nagugutom kana?" baka kasi kaya siya nagyaya kasi nagugutom na siya. Kawawa naman si Drake kung ganun.
"Hindi pa naman. Tara na nga." tapos ginulo niya yung buhok ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
HHWW nanaman kame. Hihihi..
Hinila hila ko lang siya sa mga botique na makita namen saka pumasok.
"Bagay ba sakin?" tanong ko sa kanya sabay pakita ko nung parang pangswag.
"Ayoko. Masyadong labas yung kasexihan mo eh." kikiligin na ba ako? Yiie. Binalik ko na lang yung damit saka pumili ng iba.
"Ito?" umiling nanaman siya. Ang ganda kaya!
Umalis siya sa harap ko. San kaya pupunta yun? Tss. Bahala nga siya.
"Ito na lang."
Sa gulat ko napapitlag ako. Baliw talaga! Tinignan ko yung kinuha niyang damit. Dress siya na above the knee tapos mahaba yung sa likod tapos maikli yung sa harap. Ang galing pumili huh..
Points din yan, nginitian ko siya saka kinuha yung hawak hawak niya tapos binayadan na yun. Lumabas na kame.
Naglakad lakad na ulit kame ng magkahawak kamay.
May nakita akong korean noodles. Yun yung fried noodles na may mga shomai tapos may sushi.
Hinila ko siya dun.
"Ate, pabili po ng dalawa." sabe ko dun sa ateng nagtitinda.
Agad niya namang sinunod.
"Ito na po." sabi niya. Binayaran ko na yun saka kinuha.
Umupo muna kame ni Drake para kumaen.
"Try mo. Masarap yan." saka ko inabot sa kanya yung cup fried noodles.
Kumaen naman kame ng tahimik tapos nagkwentuhan at tawanan lang. Ilang minuto lang natapos na kame kaya napagdesisyonan nameng bumalik na para kunin si Reiko.
"Grabee, ang pogi ni Kuya.."
"Sino kaya yung kasama niya?"
"Parang artista si Kuya."
"Kapatid niya ba yun?"
"Para silang artista lalo na si kuyang gwapo. Ang gwapo. Kyaaa!"
"Ang angas ng dating."
Napapailing na lang ako sa mga naririnig ko pero si Drake parang walang naririnig kasi dere-deretso lang siya.
Nakarating na kame dito. Nandito nanaman yung babaeng kung makapagpa-cute kay Drake.
Nagbayad na si Drake saka kame lumabas. Ang cute na ng baby namen tapos ang bango bango.
Sumakay na kame sa kotse ni Drake.
Kumaen muna kame ng dinner saka umuwi na.
Time flies nga naman pagmasaya pero sulit na sulit walang mintis.
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionPosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?