CHAPTER13
A-N: Short lang po ang gagawin ko para sa day39 dahil day40 na ang kasunod nito.
♥~♥~♥~♥
DAY 39 :
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano bang tama na i-react. Maiiyak ba ako? Masasaktan o magiging masaya kasi matatapos na yung deal namen? Last day na namen bilang pretend girlfriend/boyfriend.
Dapat maging masaya ako kasi naramdaman ko yung feeling ng masaya kasama yung taong mahal mo kahit na sa maiksing panahon lang.
Pero, bat ganto? Bat parang ayokong matapos yung araw na 'to parang ayaw kong pabilisin yung oras. Pagnaiisip kong matatapos na yung deal namen parang dinudurog ako, parang sobra sobra yung sakit kesa nung loner pa ako.
Hindi ko mapigilang maiyak..
Kung alam ko lang na ganto yung magiging kakalabasan na minahal siya na nahulog ako sa kanya sana hindi ko na lang binalak na magoffer sa kanya ng gantong laro.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa wall clock o kahit sa clock ng phone ko.
11:11 PM
Bat pabilis ng pabilis yung oras? Pwede bang magka-time machine na lang? Pwede ba kahit ngayon na lang?
Biglang tumunog yung phone ko. Dali dali ko yung binuksan para makita kung sino yung nagtext.
From: Drake
Walang magbabago, kahit na matapos 'to. Ikaw parin ang kaibigan ko huh? Promise me na walang magbabago...
Masaya ako na nakasama kita kahit sa maiksing panahon. Itatago ko 'tong moment na 'to.
Meet me at the park before 12.
Habang binabasa ko yan, hindi ko na mapigilang hindi humagulgol sa iyak. Sobrang masakit pala talaga na tanggapin na may limitasyon ang pagmamahal mo.
Inayos ko muna yung sarili ko muna yung sarili ko bago umalis. Ayokong makita niya akong ganto ka-fragile dahil lang sa matatapos na yung deal namen.
Kinuha ko na yung susi at phone ko saka bumaba.
11:30 PM
Nagdrive na ako papunta sa park kung saan nabuo ang deal namen na 'to.
Saktong 11:45 PM nakarating na ako. Naglakad lakad ako, hinanap ko kung nasan siya.
11:50 PM
I saw him, I saw him...
Tuloy tuloy na tumulo yung mga luha ko. Ang sakit, sobrang sakit. Nanghihina na ako na anytime pwede akong matumba.
11:55 PM
Tumakbo ako palayo sa lugar na yun. Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Ayokong tumigil kasi sobrang sakit.
Nakita ko siyang nakikipaghalikan. Ang sakit pala makita na ganung posyon mo siya makikita...
Nasilaw ako sa maliwanag na tumama saking mata.
11:59 PM
Parang unti unti akong nawawalan ng malay...
BINABASA MO ANG
Love Game
TeenfikcePosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?