Moment Of Truth :"> *27

393 7 0
                                    

(JAI's POV)

"l-lec, anung ginagawa mo dito?"

"ano kasi j-jai ..."

natahimik sya. di ko alam kung matutuwa ba ako dahil nandito sya sa harapan ko at kinakausap ako ngayon, o maiinis dahil naalala ko ung nangyari kanina sa school.

"j-jai. Sorry ..."

nagulat ako sa sinabi nya. Natahimik ako. Di ko alam kung ano irereact ko sa sinabi nya.

"j-jai? .. Magsalita ka naman. narinig mo ba sinabi ko?"

malamang sa malamang. Naririnig ko sya.

"oo. Narinig kita. At di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sayo.

oo. Nagtatampo ako sayo. Mula ng araw ng "date" natin. Ayy. Mali. Parang di naman date un. Bigla-bigla ka na lang di namamansin. Bigla-bigla naging strangers tayo sa isa't isa.

di ko alam kung galit ka dahil may nasabi akong masama. Wala eeh. Wala talaga ako maisip na dahilan para magalit ka.

ano ba nangyari lec? ano ba problema mo sakin?"

okayyy. Nasabi ko na. Kanina nasabi ko, wala akong masabi. Pero andami ko nasabi. Gulo mo jai. Gulo mo. hihi. Wala akong masabi ng lagay na yan ha?

" i know jai. Sorry. K-ksi ..."

natahimik sya.

ano ba to. Buffering ung sinasabi nya. Pa-suspense pa.

 1%

10 %

45%

"ano ba alec? Kasi ano?"

"kasi ... MAHAL KITA at nagseselos ako sa taong gusto mo."

"sows. Un lang pala. Mahal mo pala ako ... "

ano daw? Parang nabingi ako sa narinig ko. Ano ba yan. Ngayon pa umira ang pagkabingi ko.

"waiit? Ano sabi mo ulit?"

"MAHAL KITA Jai. At nasaktan ako ng malamang may gusto ka ng iba."

seryoso ba tong mokong na ito?

Twitter Addicts (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon