[Paul POV]
Anu ba 'tong babae na 'to?hindi manlang sabihin sa mga tsismosa na mga 'to na siya ang babae na tinutukoy ko. gusto pa ata akong pahirapan eh.
Actually matagal ko nag kilala si Jessica sa personal 'yun nga lang parang mailap. Hanggang narinig ko ang pinaguusapan nila mama nung 16 years old pa lang ako. Ako daw ikakasal sa anak na babae ng kaibigan ng mga aking mga magulang. Nung una oo tutol ako pero nung nakita ko na ang mapapangasawa ko hindi na ako tumutol. She has this angelic face na hindi ko makita sa iba. Na-love at first sight naman ako sa kanya. Kaya 'yun. Nung araw din na tumakas kame sa engagement party naming without her knowing na ako ang groom. Sumama siya. She was fun to be with at dahil doon lalo akong nahulog sa kanya. I had also a brouground check about her past boyfriends. Naka-tatlo na siya ang una ay nagbreak sila dahil hindi alam ng parents niya. Sa pangalawa naman nagbreak dahil sa unang boyfriend niya dahil mas mahal daw nito ang una kaysa ito. At ang panghuli napilitan lang ito sagutin noon dahil sa pagpipilit ng mga kaibigan dito kahit na ayaw niya sa lalaki.
Hay babae nga naman. Halos ng babae nakatingin sakin. Ang hindi ko alam bakit ang iba ay nakatingin sakin at nagingislap ang mga mata ah siguro paghangga sakin hindi naman sa pagmamayabang pwede na kasi akong maging modelo 'yun nga lang hindi ako pwede kahit gusto ko. ako kasi ang hahalili sa aking ama na maging CEO ng kompanya naming. Kaya naman business course ang kinuha ko at totoo kaya lang naman ako nag-enrol sa college na 'yon ay dahil kay Jessie. Ang hindi ko nga alam eh parehas pala kame ng course na kinukuha. Hindi ko alam na magiging magkaklase pa kame. Marketing ang major naming dalawa. Narinig ko naman ang katabi ni Jessie na ang pangalan ata ay Ash narinig ko lang na tinawag siya ng Jessie ko ng Ash tingin ko na silang dalawa ang magbestfriend dahil wala nang ibang tumatabi sa dalawa kundi sila lang talaga. Nadinig ko pa ang kanilang usapan.
"Bhezie, okey ka lang ba? Bakit parang tense na tense ka?" sabi sa kanya ni Ash.
Bakit kaya 'yun na-tetense siguro dahil sakin. Hindi naman masama mangarap at libre lang naman bakit hindi diba?
"Ah Bhezie wala lang masama kasi kanina pa ang pakiramdam ko eh. Pero okey naman na ako ngaun." buti naman ang ok na ang pakiramdam ng labs ko.
"ah...bakit mo tinititigan si Jessica? Crush mo ba siya? Or siya yung tinutukoy sa mga tsismis?" sabi naman nung Lorein na bigla na lang nagsalita. Para namang kabute 'tong mga 'to. Nakakagulat p=bigla-bigla na lang siya magtatanung ng kung anu-ano. Hay panu ba 'to. Bahala na kung anung lumabas sa bibig ko nito.
"pwedeng oo, pwede din namang hindi. Pwedeng ikaw din 'yung hinahanap ko." sabi ko na lang sa kausap ko. hindi ko rin naman alam kung bakit ba ako nag-enrol dito basta ang alam ko lang na andito ang mahal ko at kailangan kung nasan siya andun din ako. Maliban na lang ang inutos ng papa niya. Oo inutusan ako ng papa niya sundan siya 'yun nga lang kahit hindi sabihin sa akin 'yun ng papa niya talagang susundan ko siya kasi bigla na lang siyang nawala ng hindi ko alam ang dahilan eh.
"wow kaka-kilig ka naman sana ako na lang 'yung girl hay sana nga. Naringi niyo ba 'yun girls." Parang nagde-day dream naman 'to pero infairness maganda siya 'yun nga lang mas maganda ang labs ko. naku naman tinamaan na yata ako ni kupido.
Napahawak naman ako sa puso ko na parang tinamaan hahaha. Kalakas ng trip ko no.ha-ha-ha!
[Jessica POV]
Kadami na talagang malalanding babae no isa na 'yang babae na 'yan. Nanggigil na sabi niya sa isip niya...hay naku mga babae nga naman. Hindi ba pwedeng magpakipot naman sila. Hindi 'yung biglaan na ganyan agad? Sakto din naman na vacant naming ay lahat kame ay hindi na lumabas dahil my meeting din naman kami maya-maya.
"Bhezie labas lang ako sama ka nagugutom ako eh atsaka baka makita ko din doon si fafa kenji. Alam mo naman na patay na patay ako 'dun eh."
Oo that's the truth. Ashley promises herself na naung college ay magkaka boyfriend na siya pero 'yun pala hindi. Dahil sa Kenji na 'yun. Matagal nang gusto ni Ashley si Kenji hindi na nga pinapansin ni Ash ang mga manliligaw niya dahil mahal daw kasi niya si Kenji. She was faithful to him ang problema nga lang hindi naman sila. Siguro sa isip ko noon na infatuated lang talaga si Ash kay kenji. Kaya hanggang ako dito kay Ash kung bakit tumagal siya na mahal ang lalaki na 'yun. Hindi naman siya pinapansin nito at lalo na pagmalapit na ito ay napaka suplado kala mo naman kung sino umasta.
"Sige ingat ka at pwede ba kahit minsan magpaka babaeng pilipina ka naman pagkaharap mo si Kenji. Naku Ash babae ka pa naman ikaw pa ang nanunuyo sa lalaki na 'yon." Sabi ko naman sa kanya kasi matagal na nung una silang nagkakilala which doon na nagiba ang mahinhin na kaibigan niya. Hay naku naman.
"sige good luck na lang sa'yo."
Huh? Para saan ba 'yun at nag-goodluck siya sa akin? at nung malapit na ang bruha sa pinto ay nagpeace sign naman ito. ^.^V hindi ko na siya maintindahan bakit parang nagiba ang ugali niya ah. Anu kaya 'yun?
--------------------------------
COMMENT FOR ME TO KNOW WHAT CAN YOU SAY ABOUT THE STORY OF MINE :)
THANKS :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1952514-288-k386263.jpg)
BINABASA MO ANG
The Runaway Girl [COMPLETED]
FantasiUn-edited po lahat ng parts soon ma-eedit ko din po. SUMMARIZATION OF THE STORY Pano pagang taong nagpatibok ng puso mo ay fiance mo pala? Pano pag umalis ka din sa inyo ng dahil sa kanya? tapos malalaman mo na lang iisa na ang paaralan niyo? at las...