(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAnggeMatagumpay na napangisi si Princess Kimberly ng marating niya ang finish line kung saan nakipagkarerahan siya sa kanyang ama na si Haring Jamere gamit ang angkin na kakayahang bilis bilang isang lobo. She won again for the nth times!
Napameywang na lang ang hari ng makarating ito sa finish line at ilang segundo lang ang pagitan nila.
Nginisihan niya ang ama.
"Tumatanda na ata ako bumabagal na ko," iiling-iling nitong saad.
Nanatili lang siya nakangisi sa ama. "Premyo ko,mahal kong ama?" nakangisi niyang untag rito. Tinaas-baba ang dalawang kilay.
Napabuga ito ng hangin at sa nakalahad niyang palad ay nilagay nito roon ang isang susi.
Lalo siya napangisi ng sa wakas ay mahawakan na niya ang inaasam na bagay mula sa ama.
"Mangako ka sakin na hindi ka mapapahamak habang gamit mo yan," anang ng Hari. Striktong paalala para sa kanya.
Mabilis na pagtango ang ginawa niya sa ama."Pangako,mahal kong ama..mag-iingat ako para sa inyo ni ina,"saad niya na puno ng pangako.
She keep her promise dahil ayaw rin naman niya mag-alala ang mga ito. Nauunawaan niya ang nararamdaman ng ama ngayon dumating na ang sinasaad ng propesiya na siya kinakailangan na mapalayo siya sa mga ito.
Tumango ito. Matagal na siyang nasabihan ng ama na darating ang panahon na kailangan niyang tumawid sa kabilang mundo. Ang mundo ng mga tao kung saan nakasaad raw sa propesiya na doon niya matatagpuan ang lalaking itinakda sa kanya.
Ang mundo rin na pinagmulan ng kanya mahal na ina.
Ngayon ang takdang panahon para sa pagtawid niya sa mundo ng mga tao.
"Huwag masyadong abusuhin ang kakayahan na meron ka,mahal na prinsesa,"saad ng kanyang ina na agad na yumakap sa kanyang ama. Ang palaging paalala sa kanya ng Reyna.
Agad na tumango siya sa paalala ng ina. " Opo,mahal kong ina.."
"Mamimiss ko ang prinsesa natin,mahal na Hari,"saad ng Reyna sa kanya.
Puno ng pagmamahal na niyakap niya ang Reyna." Mamimiss ko din siya,hay,ang bilis ng paglaki niya parang kahapon lang baby pa lang siya ngayon lumaking napakaganda at matapang..kagaya mo,mahal kong Reyna,"malambing niyang tugon sa Reyna.
Matamis na nginitian siya ng Reyna. "Kaya nga nainlove ka sakin eh,natandaan mo na sinabihan kitang siraulo nun?"paalala nito sa kanya noon unang nagkita sila.
Natawa siya ng maalala yun. "Oo naman,mahal kong Reyna,hindi ko makakalimutan yun,pati na rin na tinawag mo akong asshole!"aniya.
Ang Reyna naman ang natawa at puno ng pagmamahal na pinatakan ng halik ang kanyang mga labi. "Sana lang hindi magamit ng Prinsesa natin ang dalawang salitang iyun sa lalaking itinakda sa kanya," anito na mahihimigan ang pag-aalala para sa kanilang prinsesa.
"Hindi siya uubra sa prinsesa ko," nakangisi niyang saad. May tiwala siya sa kanilang anak na kaya nitong protektahan ang sarili nito mula sa mga tao.
Sa lahat ng minana ng anak niya ay iyun ay ang pagiging matapang nito. Their princess is so tough and so brave!
Kaya alam niyang magiging maayos ang kalagayan nito habang nasa mundo ito ng mga tao.
Sa mundo ng mga tao..
Agad na nilibot ni Kimberly ang mga mata sa paligid pagkaapak niya sa mundo ng mga tao. Iba sa kinagisnan niyang mundo. Ang kulay ng paligid ay hindi kasingtingkad ng paligid sa mundong-Colai.
"Welcome sa bago niyong mundo,mahal na prinsesa!"pukaw ng pagbati iyun sa kanya mula sa boses ng isang lalaki.
Agad na napabaling siya sa nagsalitang iyun.
Si Zei. Ang dating panginoon ng mundong-Colai.
"Mahal na panginoon.."agad na pagpupugay niya rito.
"Zei,mahal na prinsesa..hindi na ko panginoon ng mga lobo," pagtatama nito na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.
Napayukod na lang siya. Oo nga pala!
"Handa ka na ba sa bagong tatahakin mo sa mundong ito?" nakangiti nitong saad pagkaraan. Nag-angat siya ng mukha rito sa sinabi nito.
Tumango siya. "Matagal na po akong pinaghanda ni ama tungkol sa bagay na ito," sagot niya.
Nasisiyahan na tinanguan siya nito.
"Heto..kakailanganin mo yan habang nandito kayo,mahal na prinsesa," anito sabay abot sa kanya ng isang parihabang kahon na kulay pula.
Her color. Red. Kulay na kinabibilangan niya. Ang kulay ng katapangan.
"Salamat,Ma-,Zei," agad na pagtatama niya sa sarili ng muntikan na naman niya itong tawagin na mahal na panginoon at agad na tawagin ito sa pangalan nito.
Nakangiti na tumango ito sa kanya.
"Ihahatid ko na kayo sa dating tirahan ng mahal na Hari," anito.
"Salamat," aniya. Namamangha na nilibot niya muli ang paningin sa buong paligid.
💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
Hello to Kimberly wells!
Hehe it's your turn now..sana magustuhan mo ang series na ito!
You'll find here your beloved mate!😁💓💓💓
Salamat!
BINABASA MO ANG
TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)
WerewolfShe,Kimberly Timotheo Justo,the princess of red wolves district. The daughter of king Jamere Justo and Queen AJ Timotheo-Justo. She love racing like his father,king Jamere. Sa pananatili niya sa Mundo ng mga tao dahil sa propesiya ay nagbibigay sa k...