Chapter 8

3.2K 132 5
                                    

Kanina pa niya tayo tinititigan!

Napabuga ng hangin si Prinsesa Kimberly sa sinabi iyun ng wolf niya. Hindi na nga niya pinapansin ito naman wolf niya talaga naman.

Hayaan mo siya.

Pero hindi naman natin pwedeng balewalain ang epekto niya satin!

Muli siya napabuga ng hangin sa marahas na paraan sabay bagsak ng hawak niya kaya nakagawa iyun ng ingay na kinalingon ng mga naroroon.

Agad na nagtama ang mga mata nila ni Elver na napatingin din sa gawi niya na kanina pa na panay ang sulyap.

Nangunot ang nuo nito.

See? We're feel hot again!

Napatitig siya sa gwapong mukha ni Elver at bumaba iyun sa katawan nito. He's lean and fitted. Pero ang mas nakakakuha ng atensyon niya ang pagiging simpatiko nito.

Agad na iniiwas niya ang mga mata rito bago pa man din mapansin nito na tinititigan rin niya ito gaya ng ginagawa nito sa kanya.

"Kim!"pagtawag ng isang boses ng babae. Napakapamilyar na boses na iyun.

Agad na napalingon siya sa tumawag sa kanya.

"Val.." agad na paglapit niya rito sa anak ng dating panginoon.

"Kamusta,mahal na prinsesa?" saad nito na hindi maririnig ng mga naroroon.

"Okay naman,salamat.."

Nakangiti na napabaling ang mga mata nito sa bandang likuran niya. "Oh,may bago ka palang empleyado?"sabi nito ng makita nito ang lalaki.

Hindi na niya kailangan tanungin kung sino ang tinutukoy nito.

"Mabuti napabisita ka?" hindi pagsagot sa tanong nito.

Napangiti ito. "Oo,mahal na prinsesa..may ihahatid akong balita sayo," anito.

Tanungin natin siya kung anong nangyayari satin?!

"May bumabagabag ba sa inyo,mahal na prinsesa?" pukaw nito sa kanya.

Hindi na siya magugulat kung nararamdaman nito iyun. Gaya nilang mga lobo likas na sa kanila ang matalas na pakiramdam.

She heave a deep sigh.

"Sort of,pwede ba tayong lumipat sa ibang lugar?"

"Oo naman.."maagap nitong sagot sa kanya.

Napangiti si Valerie pagkatapos niyang sabihin rito ang biglaan pagbabago ng pakiramdam niya mula ng dumating ang Elver na yun.

Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa railings at nakaupo naman ito sa harapan niya at hinintay niya ang magiging sagot ng anak ng dating panginoon.

Tumayo ito at paharap na tumabi sa gilid niya at tinanaw ang malawak na race track saka ito humarap sa kanya at pumihit siya paharap rito.

"Siya ang mate niyo,mahal na prinsesa,"umpisa nito.

Sabi na eh!

"So,ano itong nararamdaman ko?"aniya.

Napangisi ito. "You're in heat,mahal na prinsesa. Gaya ng mga naunang prinsesa na natagpuan ang kanilang mga mate ganyan din ang naramdaman nila,"matapat nitong sagot.

Woah!

Napabuntong-hininga siya. " Mga prinsesa? May nakabalik na sa mundong-Colai?"pagtatanong niya.

We're in heat!

Hindi niya pinansin ang wolf niya.

"Yes,Ang Prinsesa ng mga puting lobo at ang Prinsesa ng mga itim na lobo,"pagsagot nito.

Tumango siya. Natutuwa siya na may nakabalik na sa kanilang sampung prinsesa.

"Pero pinili manatili rito sa mundo ng mga tao ang Prinsesa ng mga asul na lobo," pahabol nito na kinamangha niya.

Oo nasa propesiya ang pagpili mo sa kung ano ang tatahakin mo kasama ang mate nila.

"Talaga? Nasaan ang prinsesa ng asul na lobo?"mangha niyang tanong rito.

"Nasa ibang bansa sila nanirahan kasama ang mate niyang si Frances,isang buwan na mula ng ikasal sila at pinayagan ng ilang oras ang mahal na Hari at Reyna na makita ang prinsesa at ang prinsipe," nasisiyahan nitong kwento.

"Masaya ako para sa kanila,pakibatid sa Prinsesa at Prinsipe ang aking pagbati," aniya.

"Masusunod,mahal na Prinsesa!"agad nitong tugon.a

Nginitian niya ito at tinanaw ang malawak na race field.

"Natutuwa ako na natagpuan niyo na rin ang mate niyo,mahal na prinsesa," pukaw nito sa kanya.

Sumulyap siya rito. "Salamat," aniya.

She sighed. "Paano mawawala ang pagiging in heat ko?" biglaan niyang pagtatanong.

Good question!

Napangisi ito. "Gaya ng sagot ko sa mga naunang prinsesa sa ganyan din katanungan ay kung may mangyayari sa inyo.." anito na may kislap na kapilyahan sa pagngisi nito.

Napakunot ang nuo niya. "Anong mangyayari?"

Lalo ito napangisi.

"Ang pag-iinit ng katawan niyo ay ang isang pangagailangan pisikal na tanging ang mate niyo lang ang makakapunan,sa isang intimate na pagsasanib ng katawan niyo," sagot nito sa katanungan niya.

O.M.G!

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ni Valerie. Hindi naman siya inosenteng sa ganun pero...kailangan bang sa ganun paraan pa para lang mawala ang in heat na yun?

Isang mabining tawa ang pumukaw sa kanya. May ngising panunukso ang anak ng dating panginoon.

"Sa ngalan ng pag-ibig magagawa niyo ang bagay na may pagmamahal,mahal na prinsesa,"anito na may ngisi sa mga labi.

Bigla tuloy siya napahiya.

"Hindi iyun isang responsibilidad sa pagitan niyo at ng lalaking itinakda sa inyo,mahal na prinsesa."

Hindi siya umimik.

"Isa iyun sagradong bagay sa pagitan niyo ng lalaking iyun na may pagmamahal,"dugtong nito.

"Kung siya ang itinakda sakin. Bakit...ganito? Naiinis ako sa kanya. Masyadong mayabang at arogante,"aniya.

Tumawa ang babae. "Hmm,mukhang badshot agad si mate ah. First expression niyo lang yan sa kanya,mahal na prinsesa. Kapag nagtagal-tagal na nakakasama niyo sa sigurado naman magbabago yan,"anito.

Agad na naalala niya ang engkwentro nila ng lalaki kaninang umaga.

He's so friendly at masarap itong kausap. Ibang-iba sa mayabang na lalaki na una niya itong nakita.

Pumihit siya paharap at tinanaw ang kabuoan ng lugar.

"Sabagay..tama ka,"pagtango niya ng matanto iyun sa huli.

First expression is never last,ika nga. Makikilala at makikilala mo rin ang isang tao kapag nagtagal at hinayaan mo na makilala ito ng lubusan.

Ito ang lalaking itinakda sa kanya kaya...dapat lang na ayusin na niya ang pakikitungo niya rito.

Oo,mahal na prinsesa..di ba nga. Be fair.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at tumitig sa kawalan habang naglalaro sa likod ng isip niya ang mangyayari kung sakali man na maging magkaibigan sila ng binata.

Kaibigan hanggang sa maging magka-ibigan!

Tss,landi mo,wolf.

Bakit ba...mate naman natin siya eh.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon