Don't be mad to him,okay? Obvious naman na ang babae ang may gusto sa mate natin!
Pinakalma niya ang sarili. Agad na pinaalam sa kanya ng dating panginoon kung saan matatagpuan si Elver. Agad na pinuntahan niya ang bar na kinaroroonan nito at nasaksihan niya ang paglapit ng mga babae rito at talagang hindi niya iyun nagustuhan!
"Kimberly.." paglapit sa kanya ni Elver.
Kalmante na hinarap niya ito.
Ganyan nga..just calm down!
"H-hindi ko inaasahan na makikita kita dito?"may pagkamangha nitong turan na may halong guilt.
Humalukipkip siya.
Hey,princess! Iniintimidate mo na naman siya eh! Don't cross hours arms like that!
Agad na pinaghiwalay niya ang pagpulupot ng mga braso niya sa harapan.
" Ang sabi ni Aries..masama daw ang pakiramdam mo?"
Saglit itong natigilan at agad din nakabawi. "Oo..uh,naisipan ko lang uminom ng kaunti.."
Mataman niya itong tinitigan. "Bakit at paraan saan?"
Hindi ito kaagad nakaimik. Napabuga siya ng hangin.
"I'm sorry.." usal niya na kinagitla nito.
"Alam kong gusto mo akong maging kaibigan. Pasensya na sa inakto ko kanina sayo.."mahina niyang saad. Nanatili pa rin gulat ang binata.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Kung pwede lang sabihin niya rito ang lahat-lahat para isahan bagsakan na pero alam niyang hindi pa ito ang tamang oras.
"Ahm,tapos ka na bang uminom? Hinihintay ka ba nila?" untag niya rito.
Napakurap-kurap ito.
"Ahm,nandito ako para bumawi sayo. Friends?" aniya sabay lahad niya sa palad rito.
Maang na sinulyapan iyun ng binata at muli bumalik sa kanya ang namamangha nitong titig .
Friends lang?
"Friends.." anas nito at tinanggap ang pakikipagkamay niya.
Agad na nagsimula mag-init ang katawan niya.
We're in heat again!
Pasimpleng binawi niya ang palad mula rito.
"So..?"
"Oo,uh,tapos na ko uminom..at hindi ko sila kasama..yung mga babae."agad na paglilinaw nito sa huli.
Tumango siya.
"Kung ganun hatid na kita," aniya.
Namamanghang tumango ang binata.
Wala silang imikan habang sakay sila sa isang kulay itim na kotse na pinahiram sa kanya ni Zei. Ang kotseng pag-aaari ng dating prinsipe na si Haring Brikz.
Hayy,wala bang kikibo sa inyo?
Tumikhim siya. Agad na nagtama ang mga mata nila ng binata ng sabay nila sulyapan ang isa't-isa.
"Ahm,masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Gusto mong bumili tayo ng gamot?" aniya.
"Kaya ko pa naman..uh,saka hindi ako umiinom ng gamot," iling nito sabay ngiwi sa huling sinabi.
Aww,he's so cute!
"Bakit ayaw mong uminom ng gamot?"mangha niyang turan.
Marahas itong napabuga ng hangin. "Pakiramdam ko kasi babara yun sa lalamunan ko," napapahiya nitong sagot.
Hindi niya napigilan mapangiti na kinamaang nito ng makita iyun. Agad na tinuon niya ang atensyon sa unahan.
Tumikhim siya. "Ang laki mong tao..takot sa gamot," pagbibiro na nanatiling nasa unahan ang mga mata.
Pinakiramdaman lang niya ang binata at biglang lumundag ang puso niya ng marinig ang mahina nitong pagtawa.
"That's my secret kaya sana satin lang dalawa yun," natatawa nitong saad.
Nangingiti na sinulyapan niya ito at agad na nagbawi ng paningin ng makitang mataman pala ito nakatitig sa kanya.
Grrr--
"Alright," kalmante niyang saad.
Kahit hindi niya nakita alam niyang napangiti ang binata.
Aww..why is so kilig but awkward!
Love is in the air!
BINABASA MO ANG
TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)
WerewolfShe,Kimberly Timotheo Justo,the princess of red wolves district. The daughter of king Jamere Justo and Queen AJ Timotheo-Justo. She love racing like his father,king Jamere. Sa pananatili niya sa Mundo ng mga tao dahil sa propesiya ay nagbibigay sa k...