Sinubukan niyang mabuo ang pamilya niya at bumalik sila sa dati na masaya at sama-sama pero mukhang hindi na babalik pa sa dati ang lahat.
"But,Mom..bakit agad-agad? Kakagaling lang ni Dad,"saad niya na may hihinaing ng sabihin ng kanyang ina na sasama na ito sa lalaking matagal na pala nitong karelasyon sa ibang bansa kung magmi-migrate ang mga ito. Marahil para na rin makawala sa isyu na nangyari sa kanyang ama at sa nabuntis nito.
May malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng ina. Inabot nito ang nakakuyom niyang mga palad.
" Hindi na maibabalik sa dati ang lahat lalo na kung sa simula pa lang wala naman talagang pagmamahal na namagitan sa amin ng ama mo .Oo,aaminin kong natutunan kong mahalin ang dad mo pero..wala eh,wala talaga hindi ganun kalalim kung gaano kalalim ang pagmamahal ko kay June,"tugon ng ina.
Hindi na nakaimik pa si Elver. Kung ipipilit niya pa wala na rin silbi dahiL nakapagdesisyon na ang ina at nakuha na ang annulment nito na gusto nito mangyari.
Napukaw siya ng halikan ng ina ang kanyang nuo. "Gusto mo bang sumama samin? Okay lang kay June gusto ka din naman niya makasama at makilala,"nakangiti nitong tanong.
Agad na rumihistro sa isip niya ang kasintahan. Dahan-dahan siyang umiling sa ina.
" No,mom..bibisitahin na lang kita,"pagtanggi niya.
Nuunawaan na tumango ang ina. "Agad mo ko sabihan kapag ikakasal na kayo,okay?"
Napangiti siya. "Yes,mom.."
Sa muling pagkakataon naramdaman niyang muli ang init ng yakap ng kanyang ina.
"Salamat sa lahat,mom..kahit naging pasaway ako," aniya.
"Oo naman..para rin naman sayo ang ginawa namin ng dad mo..kitam mo na dahiL dun natagpuan mo si Kimberly," masuyo nitong saad.
He chuckled. "Yeah,kaya salamat,mom."
Pagkaraan ng pag-uusap nila ng ina ang ama naman niya ang hinarap niya.
Tahimik at mailap ang mga mata nito sa kanya. Marahil sa kinasusuungan nitong sitwasyon. Pero sino ba siya para husgahan ang ama? Lahat naman nagkakamali.
"Alam kong hindi tayo naging ganun kalapit sa isa't-isa,Dad..pero gusto kong magpasalamat sa lahat.."
Doon na tumingin sa kanya ang ama.
"Sasama ka sa mama mo?"
Umiling siya. "Hindi,dad.."
Tumango ito at tahimik na muli.
"Alagaan mo sila,Dad..pero sana wag ganun kaistrikto sa magiging anak niyo sa pagiging istrikto niyo sakin," pabiro niyang saad.
Namamanghang napasulyap sa kanya ang ama.
Nginitian niya ang ama at tinapik ito sa balikat nito.
"Maging masaya na lang tayong lahat,Dad..ako masaya ako kay Kimberly,sana ikaw din.." aniya.
Tumango ang ama at pinisil nito ang kamay niya na nasa balikat pa rin nito.
"Salamat..salamat sa pagtanggap sa nagawa kong ito," anito.
"Sino ba ko para husgahan ka Dad..basta maging responsable lang tayo,okay?"
Doon na napangiti ang ama.
Sabik na agad na pinuntahan ni Elver si Kimberly sa JJRC.
Ang gaan ng pakiramdam niya pagkatapos niyang makausap ang kanyang mga magulang.
Ngayon ,ang kasintahan naman ang gusto niya makasama..habam-buhay.
Agad na lumapit siya sa pulang kotse na kakalabas lang ng Race track.
Agad na napatigil siya sa paglapit rito ng bumaba ang sakay niyun.
It's not his princess.
Lalaki ang tindig ng bumaba roon.
Sa liwanag ng mga ilaw sa buong paligid ng gabing iyun. Nang magtanggal ito ng helmet napakurap-kurap siya.
Isang lalaki na nakapusod ang mahaba nitong buhok.
Agad na nagtama ang mga mata nila nito. And damn! Kapareho ng mga mata ni Kimberly!
"Ikaw si Elver..?"
"Y-yes,Sir.."
Lumapit ito sa kanya.
"Hmm..ang lalaking itinakda sa mahal kong prinsesa..ako ang ama niya,Jamere.."pakilala nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya ng magpakilala ito sa kanya.
Oh shit!
Ito na ang pinakagatakutan niya ang makaharap ang magulang ng kasintahan.
Kinakatatakutan talaga,Elver?
Hindi ba..tulad din ito ni Kimberly?
Isa din lobo!
BINABASA MO ANG
TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)
WerewolfShe,Kimberly Timotheo Justo,the princess of red wolves district. The daughter of king Jamere Justo and Queen AJ Timotheo-Justo. She love racing like his father,king Jamere. Sa pananatili niya sa Mundo ng mga tao dahil sa propesiya ay nagbibigay sa k...