Masaya ka ba,prinsesa? Tingnan mo ang ginawa mo? He's hurt!
Naikuyom niya ang mga palad. Oo. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng binata sa inakto niya rito. Kung kagabi lang ang saya-saya nito kausap siya ngayon dahil sa karuwagan niya nasasaktan niya ito.
Hindi talaga maganda sa pakiramdam. She's hurt too!
Mate natin siya! Hindi mo siya dapat saktan!
Napaangil siya sa isip. Sumasakit na din ang ulo niya sa panenermon ng wolf niya.
"Kim? Ayos ka lang ba?" pukaw sa kanya ni Aries.
Marahas siyang bumuga ng hangin bago niya binitawan ang hawak na tools.
"Masama pakiramdam ko,ayos lang ba na bukas ko na ito tapusin?"aniya.
"Oh? May sakit ka din? Si Elver din pinauwi ko din masama din daw pakiramdam niya," anito. Bakas sa mukha nito ang pag-alala para sa kanila ng binata.
See? Pareho niyo lang sinasaktan ang isa't-isa!
"Ganun ba.."aniya.
"Sige. Magpahinga ka na lang muna," pagpayag nito.
Agad na nilisan niya ang lugar na yun.
Puntahan natin siya!
Mabilis niyang nilapitan ang isang scooter na ginagamit niya sa pagpasok bilang disguise na rin at pinaandar yun.
Puntahan natin siya!
Mas pinabilis niya ang pagmamaneho sa scooter.
Huwag masyadong mabilis,prinsesa! Baka mahuli ka ng traffic enforcer!
Kung sa ibang pagkakataon lang baka matawa sya sa sinabi ng wolf niya pero sa mga oras na yun pinangungunahan siya ng pag-aalala at pagsisisi.
Hindi niya gusto ito!
Sa karuwagan niya kung bakit sila nagkakaganito ng lalaking itinakda sa kanya. Ang sama sa pakiramdam. Ang sakit sa damdamin!
Agad na pinarada niya ang scooter sa tapat ng inuupahan ni Elver. Pero wala siyang maramdaman presensya sa loob ng bahay. Wala siyang naririnig na kahit ano sa loob.
Baka pauwi pa lang siya?
Maghihintay siya. Bahala na kung ano ang idadahilan niya kung bakit siya naroroon.
Pero kalahating oras na ay wala pa rin ito.
Nasaan na kaya siya?
Baka may pinuntahan siya.
Nagsisimula na siyang mag-aalala. Pero saan naman kaya ito nagpunta?
Hindi kaya umuwi siya sa kanila?
Hindi ko alam. Ang alam niya wala na itong ibang tutuluyan dahil sa punishment ng magulang nito.
Puntahan natin si Zei!
Agad na sumakay siya sa scooter at pinaharurot muli iyun. Si Zei lang ang makakatulong sa kanya at ang anak nitong si Valerie sa pinagdadaanan niya.
Maling desisyon ang ginawa niya. Maling-mali.
"Akong bahala na hanapin kung saan siya nagpunta,mahal na prinsesa..agad kong ipapaalam sa inyo kapag natagpuan ko na siya," agad na sabi ni Zei ng puntahan niya ito sa black forest.
"Pasensya na sa abala,Zei," nahihiya niyang saad.
Ngumiti ang dating panginoon. Ngiti na nagpapakita na hindi iyun problema rito.
"Habang nandito kayong mga prinsesa ng Mundong-Colai sa mundo ng mga tao..responsibilidad ko kayo at tungkulin kong tumayo bilang kaibigan na handang tumulong sinuman sa inyong mga prinsesa..at tumayo ring ama niyo," matapat nitong saad.
"Salamat,Zei..nagsisisi ako na mali ang desisyon ko na tratuhin siya ng ganun.." hiyang-hiya niyang saad. Kinuwento niya rito ang nangyari.
"Ngayon alam niyo na malaki ang koneksyon niyo ng lalaking itinakda sa inyo. Kapag nasaktan siya mas masasaktan kayo.."
Tumango siya. "Salamat,Zei.."
BINABASA MO ANG
TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)
WerewolfShe,Kimberly Timotheo Justo,the princess of red wolves district. The daughter of king Jamere Justo and Queen AJ Timotheo-Justo. She love racing like his father,king Jamere. Sa pananatili niya sa Mundo ng mga tao dahil sa propesiya ay nagbibigay sa k...