Ayos ka lang,prinsesa?!
Mariin siyang napapikit at humugot ng hininga bago siyang muli nagmulat at magtama ang mga mata nila ni Elver na masasalamin ang pagkagulantang nito.
Hindi alintana ang pagtama sa kanya ng kotse na halos mayupi ang unahan.
"A-ayos ka lang ba?"
Gulantang pa rin ito kaya bago pa man ito makareak agad na nilayo niya ang sarili rito at sinilip ang nasa loob ng sasakyan.
"Mahal na prinsesa!"nag-aalalang pagsulpot ni Valerie.
Sinamahan siya nito na puntahan si Elver sa bar at ganun na lang ang takot niyang makitang sasagasaan ito ng sasakyan.
"Ayos lang ako," aniya rito.
Sumulyap ito kay Elver na tuliro pa rin sa kawalan.
"Ako na bahala rito,mahal na prinsesa..mabuti pang iuwi mo na sya at..mag-usap kapag okay na siya," anito.
May pangamba na tumango siya sa anak ng dating panginoon. Nangangamba siya sa maaaring maging reaksyon ni Elver sa nakita nito.
Kailangan natin gawin yun dahil kung hindi paniguradong hindi na natin siya makakasama habam-buhay..
"Elver.." pukaw niya rito.
Nakaawang ang mga labi nito at gulat pa rin ang anyo nito na tumingin sa kanya. Mariin niyang naikuyom ang mga palad.
"I-iuuwi na kita," aniya sabay hila niya rito at wala naman sa sarili na nagpahila sa kanya ang binata.
Tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa bahay nito.
"M-magpahinga ka na muna," aniya sabay talikod rito pero bago pa man siya makahakbang nahawakan na siya nito sa braso niya at marahas siyang napabaling rito.
"P-paano mo nagawa yun?" maang pa rin nitong untag.
"Elver..kapag okay ka na saka ko sasabihin..sa ngayon nasa stage of shock ka pa rin,"pag-iwas niya ng tingin rito pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.
" N-no..gusto kong malaman..paano mo nagawa yun?"mariin at desperado ang mahihimigan sa boses nito.
Sinalubong na niya ang mga mata nito na ngayon ay may pagtataka ng masasalamin roon.
Sa tingin ko kailangan mo ng sabihin sa kanya,prinsesa...
"Bakit..bakit mahal na prinsesa ang tinawag sayo kanina ng babae?"anito sa mariin na sabi.
"Bakit?"
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago niya sinulyapan ang bote na nasa ibabaw pa rin ng mesa.
Nang humakbang siya patungo roon hinayaan naman siya nitong makawala sa paghawak nito sa braso niya.
Agad na inabot niya iyun at humarap rito. Nababalot na ng pagtataka ang anyo nito.
Hindi inaalis ang pagkakatitig niya rito ng buksan niya ang takip ng bote na kinalaki ng mga mata nito.
"W-what the...hell?" mulagat nitong untag. Nagpalipat-lipat ang gulat nitong mga mata sa hawak niyang bote at sa kanya.
"A-anong? I-imposible.."
"I..isa akong prinsesa.." simula niya na kinaawang na ng mga labi ng binata.
"Prinsesa sa pinagmulan kong Mundo..ang mundong-Colai," patuloy niya.
Nanatiling mulagat na nakatitig sa kanya ang binata at gayunpaman nagpatuloy siya sa pagsisiwalat rito sa tunay niyang pagkatao.
Bring it on,princess!
"Totoo ang sinabi ni Zei tungkol sa boteng ito..isang prinsesa lamang ang makakapagbukas sa boteng ito. Ang inumin ng pagtanggap.." aniya sabay titig sa mga mata ni Elver. "..iinumin ito ng lalaking itinakda sa prinsesa kung tanggap niya ang tunay nitong pagkatao," deretso niyang saad na hinding kumukurap rito.
"At..at ikaw..ang lalaking itinakda sa akin,Elver.."mahina na niyang sambit at doon na siya nagbaba ng tingin.
Oh no! Look at him,princess!
I can't...
" kung..kung ganun..anong totoo mong pagkatao maliban..maliban na isa kang prinsesa?"saad nito.
Napaangat siya ng mukha sa bigla nitong pag-imik.
Napakurap-kurap siya ng makita kung gaano ng kaseryoso ang anyo nito. Tila ba nakabawi na ito mula sa pagkagulat nito.
"Elver.."
"Are you..are you that monster?" usal nito na halos ikakapos ng hininga niya. Masakit! Masakit marinig ang salitang iyun mula sa lalaking itinakda sa kanya.
Pero inasahan na natin itong marinig mula sa kanya uLit...
Pilit niyang pinigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at buong tapang na sinalubong niya ang mga mata nito.
"Oo..ako..ako ang halimaw na nakita mo ng gabing iyun,Elver.." walang emosyon na usal niya.
Bigla namagitan ang katahimikan at bigat ng tensyon sa pagitan nila ni Elver. Wala sa kanilang dalawa ang nagsalita bagkus magkakatitig lamang sila sa isa't-isa na animo'y sa pamamagitan ng titigan nila ay maiintindihan nila ang bawat isa.
Tanggap na niya na hindi maganda ang magiging resulta ng lahat kapag isinawalat na niya ang sarili rito.
Mapait siyang napangiti sa isip niya. May napili na siya ayon na rin sa sinasaad ng propesiya.
Ang bumalik sa mundo na pinagmulan niya ng mag-isa.
"Totoo nga..totoo ang nakita ko at ang napanaginipan ko," usal nito na kinapukaw niya.
Napatitig na lamang siya rito sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)
Manusia SerigalaShe,Kimberly Timotheo Justo,the princess of red wolves district. The daughter of king Jamere Justo and Queen AJ Timotheo-Justo. She love racing like his father,king Jamere. Sa pananatili niya sa Mundo ng mga tao dahil sa propesiya ay nagbibigay sa k...