Chapter 24

3.1K 142 11
                                    

Sa isang tahimik na mumurahin restaurant niya dinala si Kimberly. Kung nasa kanya lang ang ATM card niya malamang sa high class resto niya ito dinala.

"Pasensya na kung dito kita dinala,"aniya.

Sa isang tulad nitong isang successful racer malamang hindi ito kumakain sa mumurahin restaurant lang.

" Wala naman problema sakin kung saan lugar,Elver.."

Napangiti siya. "Salamat.."

Isang ngiti ang tinugon nito sa kanya.

"May...sasabihin sana ako," maya-maya saad nito ng magsimula na silang kumain ng inorder nila.

"Hmm?" sulyap niya rito.

Tinitigan niya ang seryoso nitong anyo.

"Bukod sa pagiging si Miss Red ko..may iba pa kong hindi alam ng lahat..mo," marahan nitong saad.

"Gaya ng ano?" nanantiya niyang saad.

Bigla siya kinabahan. Fuck!

Napabuntong-hininga ang dalaga bago ito muling nagsalita.

"Anak ako ng may-ari ng JJ's Racing Club.."

Mabuti na lang walang laman ang bibig niya dahil kung hindi baka naibuga niya iyun bigla na ikapapahiya lang niya.

Napaawang ang mga labi niya sa kabiglaan. Damn!

Ano pa ba ang sekreto nito maliban sa dalawang iyun?!

May mas matinding sekreto pa ba siya na malalaman niya?!

"Bukod din roon..meron pang isa," dagdag nito.

"Talaga..?"maang niyang saad.

Seryoso na tumango ito.

"Sa tamang oras..malalaman mo," anito.

Dinampot niya ang isang basong tubig na nasa gilid ng plato niya at inubos iyun.

"Ito na ang nakakahiyang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko..no,mas matindi ito kaysa dun sa iskandalo na kinasangkutan ko...ito..it's you..you are my boss and I ..damn,nakakahiya na dinala kita rito!"

"Ayos lang,Elver.." masuyo nitong saad na kinatitig niya rito. May matamis na ngiti sa mga labi nito.

"Pero..hindi ayos sakin," pag-iling niya. Hiyang-hiya talaga siya!

Natigilan siya ng hawakan nito ang nakakuyom niyang palad at napatitig sa nakangiting mukha ng dalaga.

"Ang importante sakin..ikaw ang kasama ko," saad nito.

Oh shit! My heart!

"So,relax. Hindi ako maselan," anito at muli hinarap ang pagkain.

May gumuhit na ngiti sa mga labi niya pagkaraan.

Ang importante siya ang kasama nito! Fuck! Ibig bang sabihin niyun may katugon kaya ang nararamdaman niya para rito?!

Hell! Aasa siya kung ganun! Masaktan man siya o hindi!

Pagkatapos nila kumain nagpahangin naman sila sa isang lugar na tanging silang dalawa lang ang tao habang nakaupo sila sa hood ng kotse na dala ni Kimberly na siyang nagmaneho niyun.

"May isang bagay ka na bang nakita na hindi mo mapapaniwalaan na totoo?" biglang tanong nito pagkaraan ng pagtatanungan nila sa ilang bagay ng gusto nila.

Agad na rumihistro sa alaala niya ang nakita niya ng gabing iyun. Ang kulay pulang halimaw!

"Meron.." tugon niya.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon