Lorraine's POV
Last Night
"May babae ka nanaman ba?" tanong ni mama kay papa
"Anong babae nanaman? ka trabaho ko lang iyon!"
"E ano to Richard?" dinuro duro ni mama yung kissmark sa leeg ni papa.
Bigla nalang tinulak ni papa si mama.
Tumakbo si mama papunta kay papa at hinawakan ang braso niya.
Biglang sinapak ni Papa si Mama at lahat kami natigilan magkakapatid.
"Pa-papa tam-tama naa!!" sigaw ni Ate
Umalis na ako ng bahay ang huli ko lang natandaan nakahiga si mama sa sahig. Umiiyak ako ngayon sa harap ng bintana ng taxi "tangina bakit ba ganto ang buhay ko"
*ringgg*
"He-hello?"
"Lorraine asan ka!!? hinahanap ka ng ate mo"
"Miss saang bar po?" hayoP ka manong driver!
Binabaan ko ng tawag si Jasmin. Alam niya na rin naman kung saan ako pupunta.
"Kuya sa Bar of Lights po"
Pagkarating ko pinto ng bar ang ingay. Ang cool ng Disco Lights at ang ganda ng tugtog pamaparty talaga remix e. Agad namang may mga malalanding lalaki ang bumabati sa akin
"Hi miss?" dagdag mo pa ang tingin niya mula ulo hanggang paa. Naka pajama lang ako at manipis na tela ng damit ang galing deba? matutulog kasi ako sa bar hehe.
Umupo ako sa 2 seats table at umorder ng nakakalasing na alak. Nagpakainom ako na parang walang bukas di ko na nga naalala ang mga nangyari sa bahay kanina. Tangina gaguhan pala papa? osige!
Ilang oras ng pagiinom tumayo ako at pumunta sa gitna at sumayaw YEAH PARTIES! Ilovepartiesssss!
Nasusuka ako
Agad akong gewang gewang pumunta ng Comfort Room at nakakita ako ng isang lalaki sa sobrang lakas na pagbukas ko ng pinto.
Mukha siyang unggoy ang labo niya umiikot siya sa CR tangena LASING NA NGA AKO.
pumunta ako sa katabi niyang sink bago pa ako sumuka tinignan ko ulit siya nakakatawa kasi mukha niya
"Ang panget mo!" saad ko
hilong hilo na ako umiikot talaga ng mabilis ang mundo letche!
Huling natatandaan ko nalang e lumapit siya at bigla nalang akong nahilo tas sumandal ako sa balikat niya. Pero ---
"p*tangina? sinukahan moko?" sabi ni monggoloid. Yan tanggapin mo yan unggoy !
Naalala ko nalang e nakahiga na ako sa sahig at nakita ko na sina Ate at Jasmin.
Dumilat ako
Nasa langit naba ako? jusme Lord wag naman sana magpapakabait na ako! huhuhu