Third Person's POV
"Hi babe, alam mo ang saya-saya ko ngayon." Sabi ni Lucas kay Samantha.
Si Samantha ay labing-anim na taong gulang na nag-aaral bilang isang first year college na estudyante sa isang malaking unibersidad.
Si Lucas ang pinakamamahal na kasintahan ni Samantha. Sila ay magdadalawang taon nang magkasintahan. Siya ang tipo ng lalaki na napakamalambing, magalang, marunong rumespeto at napakagwapo kaya hindi mapagkakaila na nagkagusto talaga si Samantha kay Lucas.
Niyaya ni Lucas si Samantha sa amusement park para sa kanilang pangalawang anibersaryo.
"Bakit naman babe? Kasi kasama mo ako?" Asar ni Samantha kay Lucas. Nasisiyahan si Samantha tuwing inaasar niya ito kasi kumukunot ang napakagwapong mukha nito at bigla nalang tatawa.
"Siyempre naman babe. Pero bukod pa doon ay dahil na din sa masaya parin tayo kahit na dalawang taon na tayo. Hindi ko talaga akalaing tatagal tayo ng ganito. Pero alalahanin mo parati na mahal na mahal kita babe ha? At hinding-hindi iyon magbabago." Nang matapos itong sabihin ni Lucas ay niyakap niya si Samantha.
"Mahal na mahal din kita babe. Pero alam mo babe, lalanggamin tayo nito kung hindi mo titigilan 'yang kalambingan mo. Tara sumakay tayo doon sa Roller Coaster." Pabiro na sabi ni Samantha at nagtungo ang dalawa sa roller coaster.
Pumila ang dalawa upang bumili ng tiket at pumila na rin upang sumakay sa roller coaster.
Nakaramdam ng kakaiba si Samantha. Kanina niya pa ito nararamdaman at hindi niya matiyak ang pakiramdam na ito.
"Alam mo babe, parang ayaw ko nang sumakay." Sabi ni Samantha kay Lucas sabay hatak sa braso nito.
Pero dahil sa bigat nito, hindi nahatak ni Samantha si Lucas. Sa halip ay hinatak siya ni Lucas papunta sa direksyon nito.
"Alam mo babe, aminin mo na. Natatakot ka lang kaya ayaw mo na pero huwag kang mag-alala nandito naman ako hindi kita pababayaan at gusto ko rin sumakay dito. Pakiusap, pumayag ka na." ipinakita ni Lucas ang nagpapa-among mukha nito at hindi naman ito matanggihan ni Samantha. Kaya sumakay nalang siya kasama si Lucas.
Masama na talaga ang pakiramdam ni Samantha pero mas tumindi pa ito noong nakasakay na sila.
"Alam mo babe, masama talaga ang pakiramdam ko dito. Bababa nalang tayo." Sabi ni Samantha.
"Babe wag kanang matakot, nandito lang naman ako. Hindi kita pababayaan." Ani ni Lucas.
"Pag ako natakot, patawad nalang pero masisigawan talaga kita." Pagbibiro ni Samantha upang maialis ang kanyang kaba.
"Aaaa!" Sigaw ng sigaw si Samantha.
"Aaaaaa!!! Hahaha! Whoah! Babe! Ang saya pala." Makikita sa mukha ni Samantha ang pagkaaliw.
"Oo babe, basta babe. Alalahanin mo lang na mahal na mahal kita ha? Hinding hindi ko gugustuhing masaktan ka. Mahal kita babe ha?" Ani ni Lucas kay Samantha.
"Babe naman. Ang drama mo! Maging masaya nalang tayo! Aaaaa!!! Whoa!!!!" Huminto na ang roller coaster. Tawang-tawa pa rin si Samantha dulot ng saya.
"Alam mo babe, ang saya-saya ko talaga ngayon." Nang mapansin ni Samantha na wala na siyang katabi ay biglang nataranta ito.
"Babe! Lucas! Babe!" Sigaw ni Samantha.
Walang sumagot sa tawag ni Samantha. Bigla na lang tumulo ang mga luha nito at nawalan ng malay.
~~~~~~~~~~
AUTHORS' NOTE
Please comment your insights and suggestions! Feel free :) and Don't forget to Vote & Share!
~ Angelica, Ashley & Binze.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]
Teen FictionProject in Filipino (S.Y. 2014-2015) written by: DANIELLE ANGELICA A. LAO & ASHLEY JANE B. ARTIGAS of IV - Pere Louis Chauvet. Ang kuwento pong ito ay orihinal na gawa ng mga manunulat. Ang mga tauhan at kuwento ay kathang isip lamang. ALL RIGHTS RE...