Kabanata 9

134 0 0
                                    

Samantha's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas, palagi lang kaming magkasama ni Raphael. Umaga, tanghali at gabi kaming magkasama.

Minsan nga napapaisip na lang ako, miss na kaya ako ni Lucas?

Mahal pa ba niya ako?

Gusto pa ba niya akong makasama?

Nasaan ba siya ngayon?

May iba na ba siya?

Ayaw na ba niya sa akin?

Sawang-sawa na ba siya?

Miss ko na ba siya?

Gusto ko ba talaga siyang makita?

Mahal ko pa ba siya?

Mababaliw na yata ako sa kakaisip at kakatanong sa sarili ko.

Handa nga ba akong bumitaw?

Kasi sa mga nagdaang araw, ang hirap ipaliwanag ng mga nararamdaman ko.

"Sam, ayan ka nanaman. May problema ba?", huminto kami sa paglalakad at hinarap ako ni Raphael.

"Wala Raphael, okay lang talaga ako."

"Sam, please wag naman ganito. Best... Friend mo ako.", kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na kanyang nararamdaman.

"Raphael, huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Medyo magulo lang talaga ang isip ko ngayon."

"Sam, alam mo naman ayaw kong makita kang malungkot. Kung nasasaktan ka na, narito ako Sam. Handang-handa akong angkinin ka."

"Raph, napakabait mong lalaki. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa iyo na."

"Kahit ano Sam, gagawin ko para sa iyo.", hinawakan niya bigla ang aking mga kamay.

"Tara na, may surpresa ako sa sa'yo.", niyakap niya ako at kami'y naglakad.

Kristina's POV

"Ang saklap naman ng dinaranas niyo ng kasintahan mo. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari. Patawad kung naging tsismosa ako."

"Okay lang Tina. Mas mabuti nga na may napagsasabihan ako ng mga problema ko. Salamat ah."

Naku Lucas, kung alam mo lang kung gaano akong naniniwala na para talaga tayo sa isa't-isa. May koneksiyon tayo na hindi ko maintindihan. Mahal kita at 'yun lang ang alam ko. Ilang linggo na rin tayong magkasama at mas naging malalim pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa iyo. Lahat handa akong gawin para sa'yo. Martyr na kung martyr. Nagmamahal lang ako ng tunay.

"Napatahimik ka yata Tina? Parang hindi ikaw. Hahaha!"

"Eto talaga! Kahit kailan mapang-asar!"

"Hahaha. Ang seryoso kasi ng usapan natin eh. Parang hindi tayo."

"Oo, wala naman talagang "tayo"."

"Tingnan mo 'to, bangag na naman. Natulog ka ba ng maayos? Hahahaha!"

"Huhh? Ah... Eh... May nasabi ba ako?"

"Oo, gusto mo bang ulitin ko?"

"Wag na lang! Ayokong marinig 'yung sinabi kong kahihiyan."

"'Oo, wala naman talagang "tayo"'", panggagaya ni Lucas sa sinabi ko kanina.

"Oy wag na! Tigilan mo na kasi. Oo na, bangag na kung bangag. Kainis naman oh."

"Ang kyut mo talagang magtampo Tina."

Ako'y nagulat nang bigla niya akong niyakap.

Niyakap ko din siya at bigla ko nasabi ang nilalaman ng aking puso...

"Lucas, mahal na yata kita. Ay mali, matagal na pala kitang mahal. Sana kahit sinabi ko ito sa'yo, hindi magbabago ang tingin mo sa akin. Kahit na kaibigan lang ang turing mo sa akin basta wag mo lang akong iwan, wag mo akong iwasan."

"Tina, simula noong nakilala kita. Nag-iba bigla ang mundo ko. Parang gusto kong maniwala sa sinabi mo sa akin noon. Na para talaga tayo sa isa't-isa. Sa loob ng ilang linggo, natutunan kitang mahalin at ako'y iyong napasaya. Nag-iba ang lahat simula ng ika'y dumating."

Nabigla talaga ako sa mga sinabi ni Lucas. Di ko akalain ganito rin ang kanyang nararamdaman. Kung nagkasala man kami sa paningin ng iba, mahal naman namin ang isa't-isa.

"Lucas, anong ibig mong sabihin?", oo, pakipot pa ako.

"Tama ang iniisip mo Tina, mahal kita. Mahirap man ipaliwanag kung paano nangyari, basta ako'y nahulog sa'yo. 'Yun na 'yun."

"Di ko akalaing may mas co-corny pa pala sa nakilala kong Lucas."

"Sinisira mo yung mood eh.", kinurot niya 'yung ilong ko. Oo, magkayakap pa kami.

"Di kasi ako makapaniwala. Parang lahat ng pangarap ko naabot ko na talaga."

"Ano bang pangarap mo?"

"Ang makasama ka Lucas."

"Pwes, habang-buhay na tayong magsasama."

Napangiti ako sa sinabi niya. Eto na talaga, nangyari na. Sobrang saya ko.

Bigla niya akong hinalikan sa labi. Parang sinasabi niyang mahal na mahal niya ako na handa siyang angkinin ako.

Nang bumitaw kami sa aming paghahalikan, tinanong ko siya.

"So, may "tayo" na talaga, Lucas?", napangiti siya sa mga sinabi ko.

"Oo Tina, may 'tayo' na talaga.", at bigla niya akong hinalikan sa aking noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon