Third Person's POV
Biglang napaupo si Samantha sa kanyang higaan, malapit na pala siyang mahuli sa kanyang klase kaya't nagmamadali siyang nagbihis upang makahabol sa dyip na papunta sa kanilang paaralan.
Nang makaabot si Samantha sa kanilang paaralan, nakita niya si Lucas at binati ito. Magkahawak ang kanilang kamay habang hinatid ni Lucas si Samantha papunta sa silid-aralan nito.
Wala sa sarili si Samantha kaya hindi niya nalaman na tapos na pala ang kanilang break.
Kriiiiiinnnggggg!!!!
"Hoy Samantha! Nakatunganga ka na naman. Tapos na ang recess. Halika na at baka magsimula na si Ma'am Cruz." Ani ni Raphael.
"Oo Raphael, hahabol nalang ako." Nakatungangang sagot ni Samantha sa kaibigan.
Si Raphael ang natatanging kaibigan ni Samantha na tinuturing siyang normal. Best friend nga ika nila. Kapag kinakawawa si Samantha, si Raphael ang laging nandiyan para sa kanya.
Palaging nadadatnan ni Raphael na nakatunganga si Samantha. Alalang-alala na ito sa kanyang munting kaibigan. Gusto niyang malaman ang malalim na iniisip nito.
Durog na durog ang puso't isipan ni Samantha ngayon habang nag-iisip ng malalim.
"Babe, huwag mong sabihing iniisip mo pa yung nangyari noon? Babe, patawad na hindi ko naman iyon sinasadya." Ani ni Lucas.
"Hindi naman kita pinagbibintangan Babe. Hindi ko lang talaga malimutan yung araw na iyon." Sabi ni Samantha kay Lucas.
Bigla na lang nagbubulong-bulungan ang mga tao sa kanilang paligid. Naiisip na naman ni Samantha na masyadong naiingit lang ang mga taong iyon para pag-usapan sila. Hindi niya maiwasang problemahin ang mga pangungutya ng mga ito. Pero binabaliwala nalang niya ito kasi kasama naman niya si Lucas.
Magtatatlong taon na ang relasyon nina Samantha at Lucas. Nawalay si Samantha kay Lucas ng ilang buwan ngunit nagkita lang din silang dalawa. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan na parang walang nangyari.
"Pero okay lang yun babe, basta huwag na huwag mo na iyong uulitin ha?" Ani ni Samantha.
"Pangako babe. Tara na at baka hindi na tayo makapasok sa Filipino." Sabi ni Lucas sabay hawak kay Samantha.
Pagpasok nina Lucas at Samantha sa silid-aralan, biglang kinausap ni Raphael si Samantha.
"Napatagal ka yata Sam? Kasama mo na naman iyong kasintahan mo?" Ani ni Raphael.
"Ikaw talaga Raphael, hindi ka pa nasanay sa akin" sabi ni Samantha.
Kitang-kita sa mga mukha ni Raphael ang pilit na tawa nito. Tumabi na din si Samantha at Lucas kay Raphael.
"O, nariyan na si babaeng pantasya lang ang alam. Huwag mong kausapin 'yan kasi kahit anong kalokohan lang ang sinasabi niyan." Ani ng isang kaklase ni Sam sa isa pa nitong kaklase.
Napansin ni Lucas ang pagkainis sa mukha ni Samantha kaya inunahan na niya ito.
"Babe Sammy, hayaan mo na sila. Makinig ka na lang sa guro ha? Wala kang makukuha sa kanila. Ngiti na diyan babe." pagbabalik ni Lucas sa mga ngiti ni Samantha.
"Oo na babe. Nakakainis lang kasi. Makikinig na po ako." sabi ni Samantha sabay ngiti kay Lucas.
"Nakita mo iyon?! Umaandar na naman sakit niya. Nakakahawa kaya yan?" pagchichismis ng dalawang kaklase ni Samantha.
"Shhh! Manahimik na nga lang kayo! Wala na kayong ginawang tama. Ang dadaldal niyo. Pwede iwan niyo na si Sammy? Wala siyang ginagawang masama" pagtatanggol ni Raphael kay Samantha.
"Palibhasa'y kaugali at kautak mo yang babaeng yan! Magsama kayo." pangungutya ng kanilang kaklase.
Lumipas ang ilang oras, nakatitig lang si Raphael sa mga nakangiting mukha ni Samantha. Unti-unting gumagaan ang puso niya sa babaeng ito.
Nang matapos ang kanilang klase, lumapit si Raphael kay Samantha.
"Sammy, gusto mo sabay na tayong umuwi?" Sabi ni Raphael sabay ngiti.
"Naku Raphael, huwag na. Kasama ko naman si Lucas uuwi. May pupuntahan pa din kami. Bukas na lang. Paalam best friend!" Pagpapaalam ni Samantha kay Raphael sabay talikod nito palabas ng silid-aralan.
Naiwan si Raphael na nakatitig sa papalabas na Samantha. Nakapagdesisyon siyang umuwi nalang at makapagpahinga.
~~~~~~~~~~
AUTHORS' NOTE
Please comment your insights and suggestions! Feel free :) and Don't forget to Vote & Share!
~ Angelica, Ashley & Binze.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]
Teen FictionProject in Filipino (S.Y. 2014-2015) written by: DANIELLE ANGELICA A. LAO & ASHLEY JANE B. ARTIGAS of IV - Pere Louis Chauvet. Ang kuwento pong ito ay orihinal na gawa ng mga manunulat. Ang mga tauhan at kuwento ay kathang isip lamang. ALL RIGHTS RE...