Lucas' POV
"Matagal na kitang hinahanap."
"Ah... Eh... Magkakilala ba tayo miss?"
"Hindi. Pero alam kong ikaw na yung hinahanap ko."
"Paano nangyari 'yun?", may topak ba 'tong babaeng kausap ko?
"Hindi mo ba nararamdaman? Hindi mo ba nakikita? Soul mates tayo!"
"Sorry miss. Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Tsaka may girlfriend na po ako."
"Hindi siya nakalaan sa'yo. Tayo ang para sa isa't-isa."
"Pasensya na talaga miss. Pag hindi ka titigil baka mawala 'tong pagiging gentleman ko."
"Sorry na. Pwede bang makipag-friend?"
"Kung titigilan mo lang 'yang kaka-soul mate mo."
"Oo na. Ititigil ko na 'to basta maging kaibigan lang tayo. So, ano bang pangalan mo?"
"Lucas. Lucas Santiago."
"Ang gwapo naman ng pangalan mo."
"So, pwede na palang maging gwapo 'yung pangalan? Kakaiba ka rin ah. Hahaha"
"Heh. Ikaw talaga 'yung gwapo eh."
"Salamat miss ah. Haha ano bang pangalan mo?"
"Ako nga pala si Kristina Ocampo. Tina nalang.", sabay ngiti niya ng malapad.
Maganda naman pala siya. Pero medyo wander nga lang. Alam niyo 'yung wander? 'Yung medyo kulang sa untog yung utak. Hahaha
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba?"
Ay! Napalakas pala 'yung tawa ko. Hahaha
"Oo, ikaw. Hahaha"
"Ang sama neto! Akala ko mabait ka. Nagkamali yata ako."
"Oy! Oy! Agad-agad hinuhusgahan mo na ako?", bigla naman kasing nag walk-out.
Hindi niya ako nilingon.
"Tina, oy. Pasensya na. Kakaiba ka kasi. Mukhang may sayad."
"Lord! Bakit ito 'yung lalaking nahanap ko? Siguro may mas matino pa diyan Lord. Siya nalang, ayoko sa ganitong lalake Lord. Huhuhu"
"Oy! Ang bait ko kayang lalake! Miss Tina, gentleman talaga ako. Promise. Baka kasi iba na tingin mo sa'kin. Ayoko 'nun."
"Ay Lord, gentleman daw siya! Pwede na."
"Hahaha kakaiba ka talaga. Sige, para naman makabawi ako sa iyo kain muna tayo sa malapit na karenderia. Okay lang ba?"
"Gwapo nga, kuripot naman."
"May sinasabi ka ba miss?"
"Ah... Eh... Wala. Okay lang."
Kristina's POV
Ohmygollywaw! Niyaya niya akong kumain! Kahit sa karenderia lang okay lang talaga. Yes! Ito na ang pinakamagandang araw ko!
Ay! Sandali lang. Ako nga pala si Kristina Ocampo ang nag-iisang magandang diyosa sa balat ng lupa!
Hehehe joke lang!
"Tina, ang laki yata ng mga ngiti mo? Ibahagi mo naman kung anong iniisip mo."
"Ikaw."
"Ako?", nagtataka niyang tanong.
"Hindi! Ang assuming mo naman masiyado! Sabi ko iniisip kong nahulog ka sa bangin kaya sinabi kong ikaw."
Hays, ano ba namang palusot 'yun? Di bale na nga.
"Ikaw nga mas masama sa atin eh. Hahaha"
Golly gosh! Ang cute niyang tumawa. Sa wakas! Nagkakilala na talaga kami. Kay tagal ko na 'tong hinintay.
"Tina, anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano lang. 'Kaw na pumili."
"Ah sige, upo ka nalang. Ako na ang oorder."
Habang hinihintay ko si Lucas na umoorder ng pagkain namin, di ko talaga maiwasan na titigan siya. Mula ulo hanggang paa, ang gwapo niya talaga! Sana nga lang mapagtanto niya na para talaga kami sa isa't-isa.
"Ang lalim yata ng iniisip mo Tina."
"Ah wala lang. Di naman masyado, hehe."
"Sige kain na, sorry 'yan lang mabibigay ko ngayon di ko kasi nadala 'yung extra kong pera. Babawi nalang ako next time." Sabay tawa niya ng mahinhin.
Narinig niyo 'yun?! Babawi daw siya next time! So, magkikita pa kami next time! Lord, salamat talaga! Salamat!
"Ah eh, wala 'yun Lucas. Okay lang talaga."
Bigla kaming natahimik dalawa. Abala lang kaming kumakain ng aming miryenda. Nang biglang...
"Ang dumi mong kumain, hahahaha!"
"Huh? Ako ba?"
"Oo, ito oh." Sabay punas niya sa madumi kong mukha.
Hindi pala niya pinunasan! Nilagyan niya ng dumi!
"Hahahahaha! Ang dumi mo."
"Ang sama mo!!" Kumuha din ako ng kapiraso ng kinakain namin at pinahid ko rin sa kanyang mga mukha.
"Oh? Ba't mo ginawa 'yun?"
"Sinimulan mo eh! Para-paraan nalang! Bleh!"
"Aba! Sinusubukan mo talaga ako ah?! Eto sa'yo!"
Nilagyan niya ng kanin yung buhok ko!
"Oy! Tama na! Ang hirap kaya tanggalin ng kanin sa buhok. Tsaka tingnan mo oh. Pinagtitinginan na tayo."
"Hahaha! Okay lang. Kyut ka naman eh."
Gusto kong tumili ng napakalakas. Kyut daw akoooooooo!
"Kyut ka diyan! Ang dumi ko na kaya. Eh ikaw, mukha ka pa ring gwapo. Hmpf"
"Salamat sa pagiging totoo ha?"
"Ay ang hangin!"
"Hahahaha di joke lang. Halika, pupunasan ko lang 'yung linagay kong dumi sa mukha mo."
Lumapit ako sa kanya. Siyempre! Bakit pa ba ako magpapakipot? Siya na nga nagyaya eh. Hay nako! Ang gwapo niya talaga lalo na't ang lapit lapit lang ng aming mga mukha!
Natigilan kaming dalawa. Pareho kaming nakatitig lang sa isa't-isa. Mata sa mata. Kung pwede lang matunaw ang tao sa aming mga titig, matagal na kaming tunaw sa mga oras na iyon.
Sa mga sandaling iyon, ako'y parang nasa langit. Pero bigla nalang natauhan si Lucas at napasabing...
"Oh sht si Sam."
</3
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]
Teen FictionProject in Filipino (S.Y. 2014-2015) written by: DANIELLE ANGELICA A. LAO & ASHLEY JANE B. ARTIGAS of IV - Pere Louis Chauvet. Ang kuwento pong ito ay orihinal na gawa ng mga manunulat. Ang mga tauhan at kuwento ay kathang isip lamang. ALL RIGHTS RE...