Samantha's POV
FLASHBACK (5 years ago)
Nakasakay ako sa isang malaking truck. Tanaw ko ang magandang tanawin papunta sa bagong bahay na aming lilipatan.
Kabigla-bigla man para sa akin ang desisyon ng aking mga magulang na lilipat kami ng bahay pero wala naman din akong magagawa.
Umabot ang halos tatlong oras bago ko natanaw ang gate ng lilipatan naming village, ang La Consolacion Village.
Hindi ko man maamin sa aking mga magulang pero ako'y medyo nasasabik ng makita ang aming bagong bahay. Sabik na sabik na din akong kilalanin ang mga bago naming kapitbahay.
Nang huminto ang malaking truck sa isang modernong bahay na katamtaman lang ang laki, biglang akong napatayo at sinuri ang panlabas na anyo ng bahay.
Tumalon ako mula sa malaking truck at sinabing, "Ma, Pa, ang ganda naman po nitong bahay! Pwede ko na po bang pasukin?"
Pumayag ang aking mga magulang kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa gate ng bahay nang may nabunggo akong isang batang lalaki.
"Aray ko! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo bata!", sigaw ng batang lalaki sa akin.
"Hoy ikaw ha?! Parang hindi ka din bata! Kung makapagsalita ito. Hmp! Che! Diyan ka na nga!"
"Magkikita din tayo ulit bata! Hindi ka pa nagso-sorry!"
"Wala akong pakialam! Ayoko sa'yo!"
Nagalit ako dahil sa bata kaya padabog akong pumasok ng bahay. Napansin naman ito ng aking ama at tinanong niya ako.
"Iha, okay ka lang ba? Parang galit ka yata?"
"Naku Pa, may nabunggo kasi akong napakasungit na bata. Naiinis talaga ako sa kanya"
"Anak, magpahinga ka nalang muna sa taas. Tatawagin nalang kita pag kakain na tayo ng hapunan."
"Opo pa. Salamat."
Umakyat na ako sa aking bagong silid at naisipan ko munang tawagan si Lucas.
Matapos ang ilang segundo, sinagot na din ni Lucas ang telepono.
"Oy Sam, napatawag ka? Kamusta ang inyong bagong bahay?"
"Naku Lucas, mas maganda pa yata sa dati naming bahay! Sana naman makapunta ka rito kahit minsan."
"Siguradong pupuntahan kita diyan mahal. Mamaya. Aayain ko si Mama."
"Magandang ideya 'yan. Sige hihintayin nalang kita mamaya. Magpapahinga muna ako."
"Sige, pahinga ka ng mabuti mahal. I love you"
Binaba ko na ang telepono. Pagod na din ako dahil sa biyahe. Magpapahinga nalang ako dahil mamaya't-maya dadating na si Lucas.
"Mahal, gising na mahal.", nabigla ako sa tinig na iyon kaya napabangon ako kaagad sa aking higaan.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na nandiyan ka na pala? Kanina ka pa ba?"
"Oo, kanina pa ako dito. Napag-isipan ko kasi na titigan muna ang iyong mala-anghel na mukha."
"Ikaw talaga! Binobola mo nanaman ako eh."
"Hindi ah. Mahal kaya kita.", heto nanaman ang mga panlalambing niya.
Napag-isipan namin ni Lucas na bumaba na para kumain ng hapunan. Napag-usapan din ng aming mga magulang ang unang araw namin ni Lucas bukas sa aming bagong paaralan.
"O mga bata, unang araw niyo pala sa ikalawang taon sa sekondarya bukas. Handa na ba kayo?", tanong ng Ina ni Samantha.
Matagal ng magkakilala ang pamilya namin ni Lucas dahil bata pa magkapitbahay na kami. Halos sabay na kaming lumaki. Palagi rin kaming pinag-aaral ng aming mga magulang sa iisang paaralan.
"Opo. Unang pasukan na makakasama ko si Samantha hindi bilang kaibigan ngunit bilang kasintahan.", sabi ni Lucas sa aking ina sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.
Kinilig naman ako doon sa sinabi ni Lucas. Tama nga si Lucas, unang pasukan namin ito bilang magkasintahan kaya nasasabik na din ako para bukas.
Nang natapos na kaming kumain, hinatid ko na si Lucas sa labas.
"Pahinga ka na Lucas. Kita nalang tayo bukas."
"Opo mahal. Nasasabik na akong panaginipan ka."
Hindi ko talaga maiwasan kiligin kay Lucas. Hindi ko inaakalang ganito pala manlambing at maging sweet ang isang Lucas Santiago.
KINABUKASAN
Maaga akong nagising. Hindi ko maitago ang aking pagkasabik sa unang pasukan namin ni Lucas bilang magkasintahan at sa bagong paaralan pa! Napag-isipan kasi ng aming mga magulang na ilipat kami ni Lucas sa Malaya University.
Habang papasok sa paaralan, nakita ko na kaagad si Lucas na nakangisi ng napakalaki habang tumitingin sa akin. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa kakaibang feeling na ito.
"Hi babe, kamusta tulog mo?", bati at tanong sa akin ni Lucas.
Ito yung unang araw na tinawag niya akong "babe". Nakakabaliw talaga ang pagiging sweet at malambing ni Lucas. Di ko na yata kakayanin. Hahaha!
"Napakaganda, kasi napaginipan nanaman kita.", siyempre kailangan ko din pakiligin si Lucas. Hindi naman pwede ako lang lagi diba? Haha.
"Bumabawi ka din Sam ha? Maganda 'yan. Hahaha! Hindi, biro lang. Tara na, nasasabik na talaga akong pumasok!"
Nagmamadali kaming pumunta sa aming silid-aralan at sinalubong kami ng isang magandang guro at mga estudyanteng nasa 30 ang dami.
"Magandang umaga sa inyo, kayo ba sina Lucas Santiago at Samantha Behymer?", tanong sa amin ng guro.
"Opo ma'am. Kami po ang bago niyong mga estudyante.", sagot ko naman.
"Ah kayo nga. Sige, pumasok na kayo nang masimulan na natin ang klase."
Ilang mga titig ang aking nakuha galing sa mga babae at lalaki kong mga kaklase. Hindi ko maintindihan ang ganoong tingin, ngunit binalewala ko nalang ito.
"Mga bata, gusto kong ipakilala sa inyo ang mga bago niyong mga kaklase na sina Samantha Behymer at Lucas Santiago.", dinala kami ng guro sa harapan ng klase.
"Magandang umaga sa inyo, ako po si Lucas Santiago, 15 taong gulang, 5'9, galing po ako sa Silvestre Academy. Siya naman po ang aking nag-iisang kasintahan.", turo sa akin ni Lucas.
Hindi ko inakalang sasabihin iyon ni Lucas sa harap ng aming guro at mga kaklase. Bigla akong nahiya at kinilig nang naghiyawan ang aming mga kaklase.
"Ako naman po si Samantha Behymer, 15 taong gulang din, galing din po ako sa Silvestre Academy."
"Salamat sa inyo mga bata. Bagay nga pala kayo, sana magtagal pa kayo. Maari na kayong bumalik sa inyong upuan."
Bumalik na kami ni Lucas sa aming upuan. Nang tumingin ako sa aking isa pang katabi, nagtaka ako kasi parang nakita ko na siya dati.
"Hoy bata! Tingin-tingin mo diyan?! Di ka pa nag-sosorry!", sabi sa akin ng munti kong seatmate.
Ay! Kaya pala pamilyar 'yong mukha niya. Siya pala yung batang nabunggo ko kahapon. Bakit ko nga ba nakalimutan? Hays.
"Heh! Ang sungit sungit mo kasi!"
"Ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit?!"
"Mr. Teng at Ms. Behymer, anong kaguluhan 'yan?", saway sa amin ng aming guro.
~~~~~~~~~~
AUTHORS' NOTE
Continuation po ng Flashback ay abangan sa Kabanata 6! ;)
Please comment your insights and suggestions! Feel free :) and Don't forget to Vote & Share!
~ Angelica, Ashley & Binze.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]
Teen FictionProject in Filipino (S.Y. 2014-2015) written by: DANIELLE ANGELICA A. LAO & ASHLEY JANE B. ARTIGAS of IV - Pere Louis Chauvet. Ang kuwento pong ito ay orihinal na gawa ng mga manunulat. Ang mga tauhan at kuwento ay kathang isip lamang. ALL RIGHTS RE...