Kabanata 6

87 0 0
                                    

Pagpapatuloy... (Flashback)

Samantha's POV

"Mr. Teng at Ms. Behymer, anong kaguluhan 'yan?", saway sa amin ng aming guro.

"Wala po ma'am.", at sabay pa talaga kaming dalawa.

"O siya, huwag maingay para hindi maabala ang klase."

Tiningnan ako ng masama ni Mr. Teng. Naku! Kung hindi lang siya chinito, ang panget na siguro niyang tingnan sa hitsura niya ngayon.

Binalewala ko nalang siya at nakinig sa klase. Ayaw ko namang mapatawag kaagad sa punong guro dahil lang sa pakikipagtalo sa batang sungit na ito.

Matapos ang ilang oras na pagpapakilala sa lahat ng guro, sa wakas uwian na din. Hindi ko nga pala makakasama si Lucas sa pag-uwi kasi nasa ibang village na ako kaya nauna na siya sa akin.

Papalabas na ako ng paaralan ng medyo madilim na kaya sumakay na ako kaagad ng bus. Tumigil ang bus sa may bus stop na medyo di kalayuan sa gate ng village. Naglakad na ako papasok ng gate nang maya-maya't may naramdaman akong kakaiba, para bang may sumusunod sa akin. Bigla akong tumingin sa king likod at nakakita ng dalawang lalakeng nasa edad ko lang din pero matatangkad sila.

"Oy miss, mag-isa ka lang yata? Gusto mo bang samahan ka na namin?", sabay ngisi ng lalaki na mukhang aso.

"Pre, ba't mo pa tinanong? Papayag naman 'yan, diba miss?"

Hindi ko sila sinagot kaya tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad ng mabilis. Pero sadyang matigas talaga ang ulo ng dalawang mukhang aso na mga 'yon.

"Oy miss, sandali lang. Di pa nga tayo tapos mag-usap.", biglang higit ni unang mukhang-aso sa aking braso.

"Pwede ba kuya tigil-tigilan niyo ako! Wala akong panahon sa inyo kaya umalis na kayo sa aking harapan!"

"Aba! Aba! Palaban ka yata miss. Di mo yata alam kung anong maaari naming gawin sa iyo."

"Teka lang kuya! Bitawan niyo ako! Ayoko sa inyo! Maawa kayo please..."

Boogshh... Boogsh...

Dalawang malakas na suntok ang aking narinig kaya bigla akong napadilat upang tingnan ang taong sumuntok sa dalawang mukhang-aso.

Kagulat-gulat ang taong nasa aking harapan. Hindi ko inaasahan na siya ang sasagip sa akin.

"Bakit ka ganayan makatingin? Wala man lang bang pasalamat?"

"Sa..Salamat Mr. Teng." Oo, siya nga. Si chintong Mr. Teng.

"Tawagin mo na lang ako sa pangalang Raphael."

"Salamat talaga Raphael. Kung wala ka, di ko alam kung anong mangyayari sa akin."

"Huwag kang mag-alala mabait talaga ako sa mga babae. Kaya matagal na kitang napatawad."

"Ah ganun ba? Salamat talaga. Tsaka pasensya na sa mga inasal ko noong mga nakaraang araw."

"Okay lang. Hatid na kita sa inyo? Baka kasi magising pa 'tong mga asong 'to."

Hinatid nga ako ni Raphael sa amin. Magkapitbahay lang naman din kami. Simula noon, palagi na kaming magkasabay na umuwi at pinangako niyang ako lang ang mag-iisang prinsesa niya at siya naman ang knight-in-shining-armor ko.

Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon