Lucas' POV
Hindi muna ako sumama kay Samantha. Kasi parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat 'kong gawin.
Matapos ang klase sinabi ko kaagad kay Samantha na hindi ko siya masasamahan. Pero hindi ko na sinabi sa kanya ang aking dahilan.
Habang naglalakad-lakad ako sa aming paaralan, nakita ko nalang ang aking sarili na katabi ang isang malaking puno sa likuran ng paaralan. Umupo muna ako doon at pinikit ko ang aking mga mata.
Biglang bumalik ang aming masasayang araw ni Samantha. Ang aming pagdiriwang ng aming mga anibersaryo, aming mga pamamasyal at pagkain sa labas, at paano kami nahulog sa isa't-isa.
Naaalala ko pa kung gaano kakulit si Samantha noong bata pa kami kaya nga gustong-gusto ko talaga siya dati pa. Hindi ko din makakalimutan ang pagtatapat ko sa kanya noong nasa sekondarya na kami kasi doon pa lang ako nagkaroon ng lakas na loob.
Nakakamiss din 'yong mga panliligaw ko sa kanya dati. Pakipot kasi si Samantha, ayaw pa akong sagutin! Akalain mo umabot pa ako ng anim na buwan bago niya ako sinagot. Hahaha.
Siyempre, 'yong pinakagusto ko sa lahat yung palagi siyang nasusurpresa tuwing anibersaryo namin. Tulad nang dinala ko siya sa Ocean Park sa unang anibersaryo namin. Manghang-mangha talaga si Sam sa mga isda. Ang kyut kyut niya lalo na't napakainosente niya.
Noong pangalawang anibersaryo naman namin, dinala ko siya sa amusement park. Napakasaya na namin noon. Pero di ko inaasahang mangyayari 'yon...
"Psst... Psst..." napahinto ako sa aking pagbabalik tanaw nang may paninitsit ng isang babae na tila'y tinatawag ang aking atensyon.
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at ako'y nakakita ng isang babae.
Bigla siyang lumapit sa akin at sinabing, "Gising ka pala"
Ako'y nagtataka kung ano ang kailangan niya sa akin pero hindi ko talaga siya kilala.
"Anong kailangan mo miss?"
Ngumiti sa akin ang babae at bigla niya akong niyakap.
"Matagal na kitang hinahanap."
~~~~~~~~~~
AUTHORS' NOTE
Masyadong bitin! Abangan sa susunod na mga kabanata! ;)
Please comment your insights and suggestions! Feel free :) and Don't forget to Vote & Share!
~ Angelica, Ashley & Binze.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]
Teen FictionProject in Filipino (S.Y. 2014-2015) written by: DANIELLE ANGELICA A. LAO & ASHLEY JANE B. ARTIGAS of IV - Pere Louis Chauvet. Ang kuwento pong ito ay orihinal na gawa ng mga manunulat. Ang mga tauhan at kuwento ay kathang isip lamang. ALL RIGHTS RE...