Kabanata 7

100 0 0
                                    

Samantha's POV

Ilang araw na din ang nakalipas ng huli naming pagkikita ni Lucas. Simula noong hindi na niya ako nahahatid sa bahay, hindi na siya pumasok sa paaralan.

"Oy Sam, okay ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo."

"Naku Raph, si Lucas kasi hindi pa din pumapasok."

"Hayaan mo nalang muna siya. Papasok din 'yun. Sabay tayong umuwi mamaya ha?"

"Sige, makakatanggi pa ba ako?", pabiro kong sabi kay Raphael.

"Ikaw talaga, kahit kailan ang lakas mong mang-trip."

"Hahahaha minsan lang naman eh. Pagbigyan mo na."

Raphael's POV

Hays bakit ko ba mahal 'tong babaeng nasa harapan ko? Sarap halikan eh. Hahahaha 'di biro lang.

Ayaw ko siyang makitang malungkot. Saan ko kaya siyang pwede dalhin mamaya?

"Sam, punta tayo ng canteen. Mukha ka kasing gutom. Hahahaha!"

"Ang sama neto! Di naman masyado. Libre mo ba? Go na go ako!"

"No choice na ako eh. Hahahaha!"

"Yey! Edi tayo na!"

"Huh? Tayo na? As in "tayo" na? Girlfriend na kita?!"

"Che! Puro kalokohan lang alam mo eh! Tara na nga. Hahaha"

Hilang-hila ako ni Sam. Ang ganda-ganda talaga niya kahit hindi na siya magpaganda. Bakit ba kasi hindi ako 'yung unang nakakuha sa kanya?

"Ano ba bibilhin natin, Raph?"

"Ano bang sa iyo?"

"Spaghetti nalang tsaka coke."

"Ganun nalang din sa 'kin. Miss, pabili po ng dalawang spaghetti tsaka dalawang coke."

Papunta na ako sa upuan namin. Tanaw na tanaw ko siya. Hawak niya 'yung cellphone niya.

"O, ibaba mo na 'yan. Kumain ka muna."

"Eto talaga, parang tatay lang?"

"Haha di naman."

Ang kyut niyang tingnan habang kumakain ng spaghetti. May dumi siya sa kanyang labi kaya kinuha ko 'yung panyo ko at pinunasan siya.

Nagulat yata siya sa ginawa ko.

"Sorry, may dumi kasi."

"Ah okay lang naman. Ikaw talaga, sinabi mo nalang sana na may dumi ako sa labi. Haha"

"Ah oo nga he-he."

"Halika Raph, picture tayo! Wala pa kasi tayong picture na magkasama eh."

Nabigla ako noong bigla siyang lumipat ng upuan at tumabi sa akin. Napakalapit ng mga mukha namin. Ang maganda niyang mukha, makikinang na mga mata, ang kanyang mga mapupulang labi...

"Oy, picture nga tayo!"

Hindi ko namalayang kanina pa pala akong nakatitig sa kanya.

"Oo na. Haha ang kulit.", noong nagpicture siya, hinalikan ko siya bigla. Siyempre, sa pisngi lang. Nanggigigil na kasi ako eh.

"Ba't mo ginawa 'yun?!"

"Anong "yun"?", patay malisya kong tanong. Ang sarap niyang asarin.

"Yung ginawa mo ngayon lang! Bawiin mo 'yun"

Hinalikan ko siya ulit. Hahaha!

"Ba't mo naman inulit?!"

"Sabi mo bawiin ko eh. Isa lang ang alam kong paraan. Ang halikan ka ulit."

"Tse. Ewan ko sa'yo! Ang dami mong alam"

"Oy, galit ka ba? Huwag ka nang magalit. Inaasar lang naman kita. Wala lang 'yun. Sorry na."

"Eh kesyo alam mong di kita matiis! Oo na! Bati na tayo."

"'Yan gusto ko sa'yo eh. Hahaha di biro lang.", sabay yakap ko sa kanya.

"Ayan ka na naman eh. Bigla nalang nanlalambing."

"Sam", seryoso kong sabi.

"Oh?"

"Totoo 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Hindi na 'to biro. Kung noong una akala mong sinabi kong "Mahal Kita" kasi best friend tayo. Mali ka Sam, sobra pa sa best friend ang tingin ko sa'yo."

"Raph, ano bang ibig mong sabihin?"

"Matagal na kitang mahal Sam."

"Pero Raph, alam mo namang..."

"Oo, alam kong matagal na kayo ni Lucas. Kaya kitang hintayin. Mamahalin mo rin ako balang araw."

"Raph, wala akong ipapangako sa'yo. Pero sa ngayon hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo."

"Naiintidihan kita Sam. Di kita madadaliin."

"Mauna na ako Raph, may pupuntahan pa pala ako."

"Sige Sam. Kita nalang tayo mamaya."

Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon