Kabanata 3

141 2 0
                                    

Third Person's POV

Simula pa ng araw, nakita kaagad ni Raphael si Samantha na masayang nakikipag-usap kay Lucas. Napag-isipan niyang dumiretso na lang sa kanilang silid-aralan. Di nagtagal dumating din si Samantha.

"Kamusta tulog mo Raphael? Nanlulumo yata mukha mo. May problema ka ba?" Ani ni Samantha kay Raphael na hindi na mapintura ang mukha.

"Wala, gutom lang ito." Sabi ni Raphael

"Naku best friend, hindi ka dapat nagpapagutom. Halika sumama ka sa akin punta tayo ng canteen. Teka lang babe ha, babalik lang kami." Ani ni Samantha.

Walang nagawa si Raphael kundi nagpahila na lang ito kay Samantha. Bigla na lang siya napangiti nang mapagtanto na hawak pala ni Samantha ang kamay niya.

Ibang-iba ang nararamdaman ni Raphael ngayon habang kasama si Samantha hindi tulad ng dati. Natatakot siyang unti-unti nang nahuhulog ang damdamin niya sa magandang dilag na ito.

Pagdating sa canteen, abalang-abala si Samantha na pumili ng pagkain na ipapakain niya kay Raphael. Napapangiti na naman si Raphael dahil sa ginagawa ng pinakakamahal na best friend niya.

"O Raphael, bakit ngiti-ngiti ka diyan? Kala ko ba gutom ka?" Sabi ni Samantha sabay kurot nito sa pisngi ni Raphael.

"Gutom nga ako. Masaya lang ako kasi nandiyan ka." Sabi ni Raphael sabay ngiti kay Samantha.

"Ikaw talaga! Best friends nga diba? Masanay ka na" sabi ni Samantha.

Bigla na lang kumirot ang puso ni Raphael nang marinig ang sinabi ni Samantha. Oo nga, best friend lang sila kaya walang malisya ang mga mabubuting ginagawa ni Samantha.

Matapos kumuha ni Samantha ng pagkain ay bumalik na din silang dalawa ni Raphael sa kanilang silid-aralan.

Matamlay nanaman si Raphael nang bumalik sila sa kanilang silid-aralan. Mawawala nanaman ang inaasam na atensyon nito kay Samantha.

Maya-maya't lumapit si Samantha kay Raphael at kinausap ito.

"Oy Best Friend, pwede mo ba akong samahan mamaya pag-uwi? Kasi di yata ako masasamahan ni Lucas."

Biglang nasiglahan ang dating matamlay na Raphael, "Oo naman Sammy, gusto mo punta muna tayo ng mall?" Sabay ngiti nito sa kaibigan.

"Sige, habang wala naman tayong takdang aralin." pagsang-ayon ni Samantha.

Pumunta silang dalawa sa mall at nilibre ni Raphael si Samantha ng hapunan. Nagtagal sila sa mall at naglaro sa Time Zone.

"Ang bait bait mo talaga Raphael, nagagalak akong naging kaibigan kita. Pinasaya mo ang araw ko."

"Walang anuman Samantha. Lahat-lahat gagawin ko para sayo."

"Ang swerte ko talaga sayo Raphael."

Pagkatapos nilang mamasyal sa mall, dahan-dahan na silang naglakad pauwi.

Sa kanilang paglalakad, nagpakita ng kakaibang kakulitan itong si Samantha at pati itong si Raphael ay sumabay na rin.

Naglakad sila na tila wala sa kanilang mga sarili. Malalim na ang gabi kung kaya't madalang na ang taong kanilang nakakasalubong.

Nakaisip ng pilyong ideya itong si Raphael. "Sam ano kaya kung mag-ingay tayo, sumigaw? Ano game ka?" tanong ni Raphael sabay sigaw.

Hindi nakatanggi si Samantha dahil pinangunahan na ni Raphael ang pagsigaw.

Kapwa nagagalak ang dalawa sa ginagawa nilang pagsisigaw na tila ang iba'y nabubulabog na sa kanilang malakasang paghiyaw. Ito palang si Sam ay may natatagong kalakasan sa pagsigaw dahil halos mabingi si Raphael sa makabasag-basong tili nito.

"Sam ang lakas mo palang sumigaw. Halos mabingi 'tong best friend mo." hinaing ni Raphael sabay hawak sa kanyang tenga.

Sinuklian naman ni Samantha itong si Raphael ng isang makahulugang tawa.

Sumagi sa dalawa ang katamihikan nang biglang basagin ito ng isang makahulugang salita, "Mahal kita Sam!" biglang nasabi ni Raphael ang kanina pa'y malalim na iniisip. Biglang hindi napakali si Raphael dahil sa kanyang sinabi.

"Mahal din kita best friend! At alam kong alam mo 'yon." ani ni Samantha sabay yakap kay Raphael.

Walang ibang nagawa si Raphael kundi ang bumuntong-hininga at itago ang masakit na nararamdaman. Muntik niyang makalimutan na best friend nga lang pala ang turing sa kanya ni Samantha. Alam niya na nabulag si Samantha sa pagmamahal ni Lucas kaya imposibleng masuklian ng magandang dilag ang pagmamahal niya.

Nang bumitaw si Samantha sa pagkayakap, hinatak na niya si Raphael sabay sabing, "Tara na bilisan na natin baka hinahanap na ako nina mama."

~~~~~~~~~~

AUTHORS' NOTE

Please comment your insights and suggestions! Feel free :) and Don't forget to Vote & Share!

~ Angelica, Ashley & Binze.

Sana Maulit Muli [Ongoing Filipino Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon