FALL <3

66 2 1
                                    


(babala: first time lang po ito kaya pasensya na sa takbo ng storya. TNX XD)

Chapter #1: Groupings..

Jay's P.O.V:

Ako nga pala si Caite Jay Gonzales. Second Year HighSchool, May pagka baliw at madaldal.Mahilig sa mga cartoons at mahilig mag basa ng mga libro. Sabi ng iba may talent daw ako sa pagdradrawing, ewan ko kung totoo baka ng uuto lng. Kumakanta din ako kaso sa banyo lang XD.Mga 5'3 yung tangkad ko, kayumanggi, may pagkamataray ang mukha lalo na kapag seryoso(Natatakot nga sila sa akin minsan kasi mukha daw akong papatay) pero mukhang anghel pagnakangiti echoss... Katamtaman lang ang katawan ko.

"Ay sa wakas ! Nandito narin ako !" Sabi ko pagkababa ng jeep. Baka kasi hinihintay na ako ng mga ka group mates ko. Kanina kasing umaga nag tanong ung teacher namin sa science na si Ma'am Reblyn kung sino-sino ang gustong gumawa ng powerpoint presentation. Actually, ayaw ko naman talagang gumawa nun pero dahil sa pamimilit ng kaibigan ko'ng si Elissee eh ayun! Napasabak ang lola nyo. Pero masaya naman ako nung narinig ko kung sino-sino ung mga kagrupo ko, sila Chris ang beky kong kaibigan, si Mikea ang muse namin, si Elissee na nabanggit ko nga na kaibigan ko at si Rayzen, si Rayzen kaklase ko na sya simula first year at nakakasama sa mga groupings, close ko sya konti. So eto na nga, nakarating na ako sa pinag usapan na lugar na pagkakakitaan namin. Pero guess what ? Ako pa lang ang nandirito. Tsss.. sabi ko na nga ba eh. Usapan 2:00 dadating 2:30 minsan 3 !? hay nako yan tayo eh. "Ay ! Grabe ganda ng timing !" sigaw ko ng biglang bumuhos ang ulan. Nagmadali akong sumilong sa isa sa mga kubol na naroon sa lugar na iyon. Marami ring sumilong sa iba pang kubol, pero sa kubol na sinilungan ko dalawa lang kami ng lalaking katabi ko ang nandito. "Jay ?" Ay! Si Rayzen pala ung katabi ko dito. " Uy ! Nandito ka pala ?" tanong ko sa kanya. "Di ba halata ? kanina pa nga ako nandito naghihintay." Basagin ba naman daw ako ? " Bakit ka kasi nandito ? Eh diba doon yung kitaan ? Kasalanan mo yan." Sagot ko sa kanya. "eh kasi, kanina pa kumukulimlim baka mabasa ako magkasakit pa ako." "daig mo pa babae." Biro ko sa kanya. "So ang sinasabi mo maarte ako ?" tanong niya. "Huh, ikaw nag sabi nyan hahahah!" Biro ko ulit sa kanya. "Hahah loko ka! Pero diba best friend ka ni Elissee ?" Bakit kaya niya tinatanong ? Pero sa pagkakaalam ko, magBest friend sila ni Elissee since Grade 3. Tulad din kaya siya ng ibang kaibigan ni Elissee? kasi yung ibang kaibigan niya, inaakala inaagaw ko si Elisse ewan ko ba sa mga yun, away bata. ISIP BATA. "Ha? Bakit ?" "Sa tingin mo kilala mo na talaga siya ?" "Eh ikaw ?" "Oo naman !" Confident na sagot niya sakin. "Pano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. "May alam akong sikreto niya! Gusto mong malaman?" "Sasabihin mo sakin eh sikreto nga ?" "may karapatan kang malaman to kasi best friend kadin niya eh. Alam mo bang may buhok sa leki-leki yun dati?" Sabi niya sakin habang nanglalaki yung mata niya habang nagkukwento. "Eh ano ngayon ? Tsaka parte naman ng puberty yun eh." "Siguro may buhok kadin sa kilikili nho ?" tanong niya sakin. Loko to ah. " Wow! FYI WALA kaya ! " Depensa ko sabay taas ng kamay ko, at tumawa naman si Rayzen. "Pero nung nakita ko naman siyang mag suot ng sleeveless wala naman ah?" Tanong ko. " Grade 6 pa kasi yun.." Grade 6 pa pala eh." Naputol ang usapan namin ng marinig naming tinatawag kami ng mga kagrupo namin, yung ilang segundo na pag-uusap namin ni Rayzen parang ang gaan sa pakiramdam. Eto na nga, pagbaba ng jeep naming magkakagrupo saktong huminto yung ulan. Sa amin kasi kami gagawa ng power point eh kaya yun. "Mag punas muna kayo, basang-basa kayo ng ulan." Sabi ko, wala lang, sabihin na nating may care ako sa kanila. "Opo nay." sabi ni Rayzen sakin, sabay tawa."Bless muna." Banat ko naman. Lumipas ang ilang oras ng paggawa ng powerpoint eh kailangan na nilang umuwi. Habang padaan kami sa eskenita na mayroong aso'ng nangdadamba kapag hindi niya kilala yung dumadaan. Tumakbo ng mabilis si Chris para makadaan, samantalang si Rayzen eh protektadong protektado si Elissee. Napa-isip tuloy ako bigla, meron kayang gusto si Rayzen kay Elissee ? Sino bang hindi magkakagusto dun eh maganda, sexy, famous, matalino. Diba ? Tsaka ang tagal na nilang magkaibigan, possible talagang ma-fall si Rayzen dun, eh si Elissee kaya ? Ganun kasi yung mga nababasa ko sa mga storya na nababasa ko. Bagay naman din sila eh. Kailangan ko'ng mag-imbistiga ! Hindi dahil chismosa ako, pero feel ko lng talaga mag-imbistiga. Yung mga katulad nila Detective Conan ? In short, TRIP KO LANG din.

FALL &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon