Hindi ito iyong love story na may hero na bully pero gwapo at mayaman na ma-iinlove sa mahirap pero cute na heroine. Wala ding kilig moments at POV ng mga bida. Hindi rin ito iyong kwentong may magic at mga lumilipad na kotse patungo sa lagusan ng mga witches at wizards.
Ang meron dito ay ang aking kwento. Kwento through self-acceptance (Part 1: Me, Myself, I’m Bi). Meron ding tungkol sa kung anu-anong topic na naisipan kong i-type (see Part 2: Random Thoughts About…). At meron din namang mga maiikling kwento, tula, kanta at iba pang akda na ang iba ay isinulat ko pa noong nasa college pa lang ako.
Ang librong ito ay pwede sa mga sawa na sa romance, adventure, horror, suspense, thriller, drama, comedy, action at iba pang common topic na nasa mga bookstore. OK din sa mga naintriga lang dahil sa summary at nag-iisip kong ito ba ay isang exotic na libro (NOTE:isang malaking HINDI).Hindi ito ginawa para manira,mang-impluwensiya, manulsol, manisi, manlait, at iba pang negative ko lamang i-share ang mga bagay na tumatakbo sa aking napakaweirdong isipan. At higit sa lahat, para sa IYO ito (na may inner weirdness katulad ko), kung nais mong hanapin, mas kilalanin at matutunang tanggapin kung sino ka ba talaga. Isang rule lang, bawal ang judgemental dahil karamihan sa atin ay hindi judge.Pwedeng mag-comment, huwag lang sanang masyadong harsh.
Disclaimer: This is mine and mine alone. All mistakes (grammatically and all that jazz) are all mine. Should there be any similarities of topics or stories that were written by other authors here in Wattpad or other websites, please don’t hate me and/or bash me as that is just a coincidence. All thoughts are results of my highly-imaginative and out-of-this world mind. Please read at your own risk.
BINABASA MO ANG
Thoughts With Unicorn Dusts
RandomDedicated to all readers who would like to rediscover themselves and read something aside from novel-like stories. It is mainly about the author's perspective about anything and everything under the sun. The author's literary works (Stories, poems)...