Walang Balakid (Multi-Chapter): 1845

203 4 1
                                    

1845

        Sa isang abandonadong teatro sa Lungsod ng Maynila, dalawang anino ang nangungusap sa dilim. Ang isa ay sugatan at maraming dugo na ang ibinuwis, habang ang isa ay tumatangis at walang humpay na nananaghoy. Ang unang anino ay hindi malaman ang gagawin. Kung papawiin ba ang luha ng kanyang kasama o pipigilin ang patuloy na pagdanak ng kanyang dugo sa tagilirang bahagi ng kanyang katawan.

“Hin…di ko na kaya Martina. Marami…ng dugo ang nawala sa akin…”, pinilit na magsalita ng lalaki.

“Huwag kang magsalita ng ganyan. Konting oras na lamang Manuel, darating na ang tulong”, umiiyak na sambit ng babae.

“Napakarami ko pa...sanang pangarap para…sa…sa atin, ngunit nara-ramdaman kong hindi ko na matutupad iyon sa panahong ito…”, nahihirapang salita ng binata.

“Manuel…”

“Ikakasal pa sana tayo sa Simbahan ng…Quiapo hindi ba? At matapos iyon…ay-ay uuwi tayo sa Taal at doon maninirahan. Lalayo pa sana tayo sa kaguluhan ng lungsod na ito…Hindi…ko man matupad ang mga iyon mahal, balang-araw…tayo ay magtatagpong muli..Huwag mo lamang akong…kalimutan sa puso mo…”

“Oo, hindi kita maaaring limutin kailan pa man, ngunit mangako ka na lalaban ka. Isang oras na lamang para sa itinangka nilang paglusob dito.”

“Pakakatandaan mo Martina, na ikaw lamang…mula pagkabata hanggang sa…huling pagpintig ng a--king puso ay ikaw. At kung dumating ang araw na…na…mayroong isang tao na sa tingin…mo ay nararapat sa para sa iyo…huwag kang mag-atubili. Tanggapin mo siya, dahil darating…din ang ating panahon. Magkikita tayong muli,” iyan ang mga huling salita na namutawi sa mga labi ng binatang katipunero.

        Doon, sa isang abandonadong teatro sa Maynila, kung tahimik ang paligid at walang nagpuputukang kanyon, maririnig mo ang impit na iyak ng isang pusong nananaghoy…

Thoughts With Unicorn DustsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon