"There's the Beast ,the beast with a heart that can summon a thousand more."
Jideon's POV
-The Three Rabbits have to live,but one or two may die to see.To pass is to seek the heart of the beast,the key to open the hole of the deep.-
Hanggang ngayon pilit kong ina-analyze ang riddle na nasabi ngunit walang pumasok sa isip ko.
Biglang may pumasok sa isip ko,at ngayon ko lang sasabihin to sa sarili ko.Jideon ang tanga mo!Naisip kong muli.
-To pass is to seek the heart of the beast -
Tumayo ako at tiningnan ang buong paligid pero tanging kaming tatlong tao lang ang nandito at nasa gitna ang itim na pintuan.Lumapit ako sa mga pader pero syempre yung malapit lang sa akin.Kinapa kapa ko ito,napatingin ako sa lalaking kasama namin at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka,ipinagpatuloy ko ang pagkapa sa pader.
Makalipas ang ilang mga minuto nakaupo na muli ako sa pwesto ko kanina.Wala din akong napala.Napabuntong hininga ako.Muli akong napatingin sa magkabilang panig ng lalaki at babae na kasama ko at napatingin sa mga pader na nasa likuran nila naisip ko.'paano kung nandoon ang hinahanap ko?'
Tiningnan kong mabuti ang itim na pintuan.Paano nga ba ako makakapasok sa pintuan na yan?
"Tsk!"napakinggan ko na lang ,at agad na napatingin sa babae,tumayo ito at naglakad...pero papunta kanino?o baka naman saan ?
Sadina's POV
Nakapunta nga ako sa gitna ng maze pero isang riddle naman ang bumungad sa amin?!Tss.Nakakasura pa itong dakdakerong lalaki dito!At sa di inaasahan na pangyayari nandito din si Mr. Tss...Tiningnan ko ang paligid lalo na ang itim na pintuan.
-The three rabbits have to live-tinutukoy nito kami.
-But one or two may die to see- tinutukoy naman nito ay ano?Isa o dalawa ang dapat mamatay?Yun ba yun?at para makita ang ano?Napatingin ako sa pintuan.Ibig sabihin ng 'to see' ay ang nasa loob kaya ng pintuan ?Ano ba ang nasa loob niyan?
-To pass is to seek the heart of the beast ,the key to open the hole of the deep.- ang tinutukoy nito ay about ba sa isang hayop?Tiningnan ko ang paligid,kami lang nandito walang hayop sa lugar na ito!---unless....napatingin ako sa dalawa kong kasama.Yun ba ang silbi ng mamamatay?Pero kung sakali..saan ko naman ilalagay yun ?
BINABASA MO ANG
Death Game! Are You Ready?! (On-Hold)
ActionTalks about Life and Death. Dahil sa masyadong paghahangad sa mga kagustuhan, sa pagiging makasarili, manhid at dahil sa pighati at paghihiganti. May mga piling mga tao ang napasali sa isang laro. Hindi lang isang normal na laro kundi laro ni Kamata...