"Light is powerful than darkness but when the light goes out the real power live"
-----
Jideon's POV
"Ah!!!"napaupo ako at napahawak sa dibdib ko. Napatingin ako sa paligid at nadatnan ko ang sarili ko na nasa tapat ng isang itim na pintuan kung saan ako pumasok. Napatingin ako bigla sa tabi ko doon ko nakita ang isang babae. Inalalyan ko siya at makikita ko na umiyak talaga siya.
"Sorry Sadina..."inalalayan ko na siya at isinakay sa likuran ko kung baga piggy- back-ride. Kinuha ko ang isang baril sa bag na naiwan ko dito sa labas at pinagbabaril ang pintuan hanggang sa masira talaga ito at mabuti hindi nagising si Sadina.
"Aalis na tayo Sadina.."sabi ko sa natutulog na Sadina. Umalis na kami habang nasa likuran ko siya at dala-dala ko ang dalawang bag na mabigat.
"Hmmm...bakit...hmmm.."sabi ni Sadina sa gitna ng pagtulog niya at kasabay nito ang pagtulo ng isang luha sa mata niya, agad ko naman itong pinunasan gamit ng isa kong kamay. Nagisng siya bigla at napatingin sa akin habang ako naman ay napatungo sa di ko malaman na dahilan pero siguro dahil sa guilt na iniwan ko siya, nangako ako sa sarili ko at sa kaniya na di ko siya iiwan sa loob ng madilim na lugar na iyon! Tsk!
"Sorry..."nasabi ko na lang at wala akong nakuhang sagot sa kaniya pero patuloy pa din ako sa paglalakad.
"Sorry Sadina...iniwan kita..iniwan kita sa loob ng impyernong yun! Sorry talaga..."sabi ko at sinipa ang isang batong nadaanan ko.
"Ibaba mo ako."sabi niya na ikinagulat ko pero ibinaba ko pa rin siya habang ako naman nakayuko pa din habang siya nagpunta sa harapan ko.
"Sorry talaga.."sabi ko. Iniisip ko kung bakit ako ganito. Ngayon ko lang nakilala ang babaeng to pero bakit ako guilty bakit parang gusto kong tanggapin niya ang sorry ko. Bakit ba?! Tsk! Nakakasura talaga pag ganito ang feeling o!
"Bakit ka ba humihingi ng sorry?"sabi niya na ikinagulat ko at napatingin agad sa kaniya.
"Ah..siguro dahil sabi ko sayo hindi kita iiwan sa loob ng Nether Door?"patanong na sagot ko sa kaniya.
"Yun lang ba? Past is past Jideon! Pinapatawad na kita!"sabi niya habang iniikutan ako na parang walang nangyari.
"Pero----"sabi niya at bigla akong nakaramdam mabigat na pag damba sa likuran ko at nakita ko na lang siya.
"Bilang parusa! Piggy-back-ride hanggang sa susunod na destinasyon!"sabi niya habang nakangiti at ako naman parang nadismaya na masaya. Weird.
"Akala ko ba past is past at pinatawad mo na ako? Bakit may parusa pa?"sabi ko sa kaniya na may nakaka-asar na ngiti.
BINABASA MO ANG
Death Game! Are You Ready?! (On-Hold)
AçãoTalks about Life and Death. Dahil sa masyadong paghahangad sa mga kagustuhan, sa pagiging makasarili, manhid at dahil sa pighati at paghihiganti. May mga piling mga tao ang napasali sa isang laro. Hindi lang isang normal na laro kundi laro ni Kamata...