Game 16:Lonely Alone

18 1 0
                                    

"Saddnes alone is like finding yourself"

------

Third Person's POV

Samantalang.... nahulog sa isang madilim na lugar si Sadina habang nakaupo lang at takot na takot na nakahawak sa kaniyang mga tuhod at nakatungo.

"*sob*sob*J-Ji-Jideon.."pautal utal na sambit ni Sadina.Umiiyak na ito dahil sa takot.Tumingin sa paligid si Sadina na nanginginig ngunit wala siyang makita.

"Jideon!!!!"sigaw nito ngunit wala siyang makuhang sagot.Biglang lumiwanag at nadatnan na lang niya na sa kaniya nakatapat ang liwanag na nasa itaas.Wala pa rin siyang makita sa paligid.

"Kasalanan mo...." umalingaw ngaw ito sa buong paligid.Nanlaki ang mata ni Sadina at biglang humagulgol.

"*SOB*SOB*Wahhhhh!!Tama na pls!!!"sigaw ni Sadina habang pilit na tinatakpan ang kaniyang mga tenga ngunit kahit ano ang gawin niya naririnig pa rin niya ang mga kataga na nagmumula sa isang babae.

"Tandaan mo!Kasalanan mo to!"sigaw muli ng isang babae.Humahagulgol pa rin si Sadina habang sumisigaw.

"Tama na....pls..."pabulong na lang na banggit ni Sadina.Tumigil na ang ingay at pumalit naman dito ang maliwanag na hologram na tumapat sa harapan ni Sadina kasabay nito ang pagkamatay ng ilaw na nakatutok sa kaniya.

"Ambal!Tingnan mo oh!Ito ang para sayo!"masiglang sigaw ng isang babae habang binibigay ang isang ice cream."Alamat Ambal"bulol na sambit ng isa pang babae sabay ngiti habang kinakain ang ice cream nito.

Umiiyak na nakatingin si Sadina sa hologram na nasa harap niya ngayon at hindi makapaniwala.Nawala ito agad at napaltan ng panibago.

"Alam mo ba kambal... Nakikita mo ba yang mga stars na yan?"tanong ng isang batang babae sa batang si Sadina habang nakaturo sa kalangitan sa gitna ng gabi. "Huh? Opo ambal! Batit?"bulol pa din na sambit nito na ikinangiti ng batang babae."Aalis kasi ako Sadina..."sabi nito na ikinagulat ng batang si Sadina hindi lang dahil sa sinabi nitong aalis ito kundi dahil na din sa muling pagsabi sa pangalan nito."Sadina...pwede ba pag dumating ang araw na yun..tumingin ka lang sa mga stars na yan! Dahil yan ang magiging ako sa pag-alis ko!"sabi ng batang babae habang nakatingin sa mangiyak ngiyak na batang si Sadina."Pe-pero ambal! Batit ka aalit?!"sambit ni Sadina."Aalis nga ako Sadina..pero di naman ako mawawala e..sabi ko nga ako ang magiging bituin mo sa gabi..kaya wag ka ng malungkot! Ngiti ka na!"sabi ng batang babae sabay ngiti na ikinangiti din ni Sadina."okkkk ambal!! Di ko to matatalimutan yan!"sabi ng batang Sadina na may ngiti sa mga labi.

Nawala muli ang hologram at kasabay nito ang pagngiti na puno ng kalungkutan si Sadina. Sumunod ang isa pang hologram.

"Auntie! Wag! Aalis na nga po ako pero hayaan nyo pong makita ko pa po ulit si Sadina!"sigaw ng isang batang babae sa isang matandang babae."Hindi na maari! Umalis ka na kung ayaw mong masaktan!"sa pangyayaring ito nakaupo sa ilalim ng hagdanan ang batang si Sadina habang kitang kita ang hawak na matalim na kutsilyo ng matandang babae, sa kasamaang palad nakita si Sadina at sinigawan ito."Ikaw bata ka! Umakyat ka sa taas! Wag na wag kang bababa! Akyat!!"at umiiyak na gulat na umakyat si Sadina sa kwarto niya at kasabay nito ang pagsara niya sa pinto, pero kahit na nakasara ang pinto kinig pa din ang ingay na nanggagaling sa baba."Auntie! Bakit po ba?! Bakit po ba kayo ganiyan sa akin?! Wala naman po akong masamang ginagawa sa inyo!"sigaw sa baba."Umalis ka na kung ayaw mong umalis ka na duguan babae ka!" , "Pe-pero...auntie..aa--ackk!!" "Binalaan kita!"at doon nagtapos ang sigawan, at ang huling napakinggan ng nanginginig na batang Sadina ay ang malakas na pagsara ng pintuan. Pagkatapos noon ang takot na umiiyak na si Sadina ay bumaba at isang nakakatakot na lugar ang bumugad sa kaniya, isang duguan na lugar. Sa gabing yun umiyak lang ang batang si Sadina.

Pagkatapos noon, nawala ang hologram at isang nangingining at nakatakip na tengang Sadina lang ang makikita. Puno ng depresyon at halo-halong emosyon ang pakiramdam ni Sadina at dahil dito hinihingal siya sa di niya malaman na dahilan.

"A-a-ambal... patawad.."at pagkatapos sabihin ang mga katagang yun nagdilim na ang paningin niya na nag-iisa sa madilim na lugar...

------**

SEMBREAK!!! Yehey!! UD is up! @raquelroa and @ PowerRangerGia thanks sa paghihintay sa UD ko!! ;) so lucky to have you as my Readers! Haha! Sorry if short UD lang! :p Mahaba pa naman sembreak!

♥V/C/S/F♥

♥MeDan :*

Death Game! Are You Ready?! (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon