It might not caught your attention, but if you had a time. Read it!
____
She's not my type, absolutely not my type! Bakit? Hindi siya maganda, weird siya, panget siya, matalino siya, hindi siya cute, wala siyang korte, mahilig sa mga nakakatakot na bagay... At higit sa lahat nilalayuan niya ako.
Pero ang hindi ko alam, dahil pala sa kanyang katangian...Unti unting nahulog ang puso ko sa kaniya. Unti unti akong nakaramdam ng saya simula nung mahalin ko siya.
--
"Bella..." tinawag ko siya. Lumingon siya pero hindi lumalapit. See! Talagang ayaw akong lapitan. Anyway... Sinenyasan ko nalang siyang lumapit.
"Ano ba yon?" inis na tanong nito. Ang sungit? Nagmamaganda lang... Ang cute niya.
"Halika dali! May sasabihin ako... Tungkol sa dugo... " sabi ko. Yun lang kasi ang tanging paraan para lumapit siya sakin.
"Dugo?! Whahhhh! Anong meron sa dugo?" lumapit itong tuwang tuwa. Ang weird niya diba? Pinalapit ko pa siya... As in malapit na malapit.
"Alam mo kasi..." nung sobrang lapit ko na sa kaniya, bigla ko siyang hinalikan. Nice one Eros! Ang galing ko talaga.
"Dumudugo kasi yung labi ko, kaya kailangan ko ng gamot..." I smiled at her. Nakatulala siya sakin. Speechless. Napuno ng saya ang puso ko ah! Nakanaks! Kinikilig ako, hindi ko tuloy maiwasang di mapangiti.
"Whhhhhaaaaaa!!!!" bigla itong sumigaw at nagtatakbo palayo sakin.
"Salamat Bella!" I shouted. Ang weird niya talaga... hindi man lang ako sinampal? Diba dapat sasampalin niya ako... Tapos saka siya sisigaw ng bastos at magwawala. Ganoon ka-oa ang babae diba? Mali ba ako? Anyway... Atleast naka-isa ako sa kaniya. Gusto ko ulit maulit...
Makauwi na nga... Kinikilig talaga ako... :D