Chapter five

28 3 0
                                    

ISABELLLA's POV

Nasa kwarto ako ni Eros, malapit na kasi ang exam at kailangan mataas ang makuha ni Eros sa exam. Kaya eto ako, kahit ayoko siyang turuan kailangan kong gawin. Para man lang makabawi sa kabaitan ng nanay niya. Bakit ba kasi hindi pa nag mana si Eros sa mama niya, edi sana wala akong problema ngayon.

"Hoy ganda... Bakit ang ganda mo?" tanong ni Eros. Tinamo ang taong 'to, sobrang tino diba? Sabihan ba naman ako ng maganda kahit sobrang pangit ko naman talaga. Hinayupak eh!

"Sagutan mo na yan..." I said coldly. Hindi ko siya tinitingnan baka mahampas ko lang siya ng librong hawak ko. Nagbabasa ako ng horror story at nasa intense part na ako. Pinapatay na nung bidang lalaki yung girlfriend niya na nangiwan sa kaniya. Grabe puro dugo ang saya naman.

"Huy... Hindi ko alam 'to... Paano 'to?" hay. Nakakainis! Paano ba siya nakatungtong ng fourth year kung simpleng math problems lang hindi pa masagot. Inagaw ko mula sa kaniya ang ballpen at notebook.

"Simple simple hindi pa alam!" bulong ko sa sarili ko. Sinulat ko yung equation para mas madalian siya.

"Oh! Sana naman masagutan mo na" sabi ko sabay abot sa kaniya ng gamit niya, nagbasa na ulit ako. Eto na, ginigilitan na nung bidang lalaki yung manloloko niyang girlfriend, umawas ang dugo mula sa leeg ng babae. Habang--

"Ano na naman?" napatigil tuloy ako sa pagbabasa dahil kinuhit ako. 

"Tapos na..." sabi nito ang ngumiti. Hala... Bakit ang cute niya! Ah... Eh.., Ano walang meaning yun ah! Nabigla lang ako. Hindi talaga cute ang lalaking 'to. Devil siya! Tama devil.

Kinuha ko yung notebook para tingnan kung tama ang sagot niya. F*ck. Nag-drawing lang siya ng anime eh. Ano ba yan, hindi nagseseryoso.

"Ayoko na ngang turuan ka... Pagod na ako! Nakaka 100x na ako sa pagpapaliwanag sayo ng problem na 'to. Hanggang ngayon hindi mo parin makuha!" sinubsob ko nalang yung muka sa desk habang iniisip kung paano ba niya makukuha ang sagot sa pinaka madaling paraan.

"Ang bango naman ng buhok mo... Anong shampoo mo?'' napatingala ako sa kaniya. Sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa tapos hawak pa niya ang buhok ko. Wahhh! Napaurong yung bangko tapos bumagsak ako. Oh my oh my! Panick Attack! Hindi ako makahinga! Please someone help me! Ilayo nyo ako sa sobrang gwapong lalaking 'to!

"Huy... Grabe ka naman magreact... Nagkalapit lang ang muka natin eh... Siguro sobra kang humahanga sa taglay kong kagwapuhan no!" sabi nito habang pangiti ngiti pa. Oo gwapo siya pero hindi ako na-aattract sa kaniya. His not my type! 

Bigla itong umupo sa tabi ko, hindi man lang ako tinulungan. Nanatili akong nakahiga sa sahig, medyo masakit ang likuran ko dahil ito ang unang tumama. Ang gwapo kasi ih! Nakakasilaw! 

"Maganda ka... Kung aalisin mo yang bangs mo... Gupitan mo kahit hanggang noo lang" komento niya. Nilapat niya yung kamay niya sa noo ko at hinawi ang bangs ko. Pumikit ako medyo nasisilaw kasi ako sa ilaw. Sobrang liwanag tapos dumagdag pa ang kagwapuhan niya para tuloy akong tumitingin sa araw. Ang sakit sa mata.

"Lalabas na ako! Mag-aral ka ha!" inalis ko yung kamay niya sa noo ko saka ako bumangon at ready na umalis. 

"Pag ako nakaperfect sa exam ko, labas tayo..." labas? As in Date?

"Ayoko" maikli kong sagot sabay lakad palayo sa kaniya pero napahinto din ako nang maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa wrist ko. *Shocks* Electric jolts rushed though me! A-ano ba naman 'to? Bakit parang may kung anong ka-abnormalan akong nararamdamn.

"Kung iniisip mong date yun... Mali ka. Parang ano lang... Ah... Treat ko lang! Sige na!" pagpupumilit nito. Kahit kailan talaga ang kulit niya.

"Ayoko nga... Bitaw na!" pag siya ang kausap ko hindi ko maiwasang hindi magsungit. Ewan ko ba! Sa tuwing kasama ko siya o malapit ako sa kaniya parang naiirita ako. Parang yung dugo ko sa katawan umaakyat sa ulo ko. Please! I-explain nyo sakin kung bakit ko nararamdaman ito!

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka na-oo..." nagpumiglas ako ng todo pero bigo. *Cry* Cry* talo ako! Wala naman sigurong masama kung lalabas ako kasama siya diba? Siguro naman. Sigi na nga!

"Sige na... Sige na!" sabi ko. Bigla itong ngumiti na parang batang nabigyan ng chocolate. Please naman Eros wag kang ngumiti ng ganiyan baka mainlove ako sayo! At ayokong mangyare yun, parang awa mo na!

"Sige... Wala ng bawian... Good night! Sweet dreams! Dadalawin nalang kita sa panaginip mo..." sabi nito sabay bitaw sa wrist ko. Hindi ko na kaya ito! Sobra na akong mababaliw sa kagwapuhan niya. Wahhhh... Tumakbo ako sa may pinto ng kwarto at sa hindi ko inaasahan nabangga ako sa pinto. 

"Arayyy" maluha luha ako sa sobrang lakas ng impact. Ang sakit ng noo ko! Nakalimutan kong may pinto nga pala ang kwarto, Dyos ko! Ang sakit talaga! Binuksan ko na ang pinto at nagmamadaling lumabas. Dumiretso ako sa aking kwarto.

EROS' POV

Humiga ako sa kama ko, kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Parang masaya ako, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Simula nung maging close kami Bella, parang nagbago ang emosyon, nagbago ang ugali ko. Dati gusto ko lang makipagsapakan sa kanto, makisali sa mga away, pero ngayon gusto ko laging umuuwi ng maaga para makita siya. 

"Bella... Ano ba 'tong ginagawa mo sakin... Kakaiba" hindi ko maiwasang sabihin yun. Na-po-fall na ba ako sa uod na iyon? Ang bilis naman ata. Siguro, natutuwa lang ako sa kaniya, siguro wala naman ang nararamdaman ko diba? At isa pa, hindi pa ako baliw para magkagusto sa kaniya. 

Hay! Makatulog na nga lang...

She's Not Just a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon