Chapter two

36 4 1
                                    

Pauwi na ako sa bahay ng makita ko ang isang nakakatakot na nilalang na naglalakad sa kabilang parte ng road. Yung familiar full bangs na hanggang cheekbones, yung mahabang palda na hanggang tuhod na dapat hanggang hita lang. Yung mahaba niyang medyas at yung itim na itim na sapatos. Iisa lang ang kilala kong nagmamayari ng mga bagay na yan. 

"Bella!" tinawag ko siya. Hindi ito huminto para tingnan ako, dire-diretso itong naglakad at nagmamadali na para bang hinahabol ng rapist. Baliw! 

Sinundan ko siya, tumawid ako sa kabilang road at hinabol ko siya. Ngayon sabay na kaming naglalakad.

''Saan ka pupunta?" tanong ko. 

"Wag kang lumapit sa akin!" napasungit talaga. Akala mo kung sinong maganda eh. Sa totoo lang, naiinis talaga ako sa kaniya kaya gusto ko siyang inisin pero sa huli ako ang naiinis eh.

"Alam mo walang magkakagusto sayo... Sobrang sungit mo kasi!" iritable kong komento. Itulak ko siya sa gitna ng road para mabangga siya at nang mabawasan ang masusungit na tao sa mundo eh. Kaasar!

"Edi mabuti. Hindi ko naman hinihiling na magka-gusto sakin ang mga lalaki eh. Hindi ko sila type..." sabi nito nang may pagmamalaki.

"Bakit sila ba gusto ka? Sila ba type ka? Ang pangit mo kaya...'' tumawa ako ng malakas.

"Tigilan mo na nga ako! May gusto ka sakin no! Kaya ka lapit ng lapit sakin..." wow! naman... Ako? May gusto sa kaniya? Ha! Pinatatawa niya yata ako. Sa pangit niyang yan magkakagusto ako? No way! 

"Kapal mo den no! Hinding hindi ako magkakagusto sa tulad mo! Napaka-panget mo kaya!" che... Hindi siya maganda, wala siyang korte, weird siya... Sa tingin nyo magkakagusto ako sa tulad niya? Ha... 

"At mababaliw muna ako bago mangyare yon! Makaalis na nga... Mahawa pa ako ng kapangitan mo" ang  kapal niya. Nakakapag-init ng ulo. Ako magkakagusto sa isang pangit? Hindi ata... Anong tingin niya sa sarili niya si Eya na gumanda at nagustuhan ni Cross? Sa Diary ng panget lang nangyayare ang ganoon. Wala na kaya siyang pag-asa. Pangit siya! Sobrang pangit niya!

--

Nakauwi na ako sa bahay na sobrang badtrip parin dahil sa nangyare sa pagitan namin ng panget na yon. Nakakabadtrip talaga eh, ang taas ng confidence level niya! Grabe hindi ko ma-reach.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng pitcher, uhaw na uhaw ako eh.

"Anak, may bisita tayo mamaya. Tutor mo, sana naman maging good ka sa kaniya ha..." bungad agad sakin ni mama. Tumango nalang ako. Lagi nalang nakuha ng tutor eh, magaling naman ako. Nakakasampung zero nga ako sa test namin sa lahat ng subject ng sunod sunod, nakakapasa parin ako. Hindi pa ba siya satisfied nun? 

Umalis na si mama, nagtungo ito sa may gate, may nagdoor bell kasi.

"Ma, anong ulam?" tanong ko. Nagutom ako, napaaway kanina sa dota eh tapos nakipagbugbugan sa mga gang dyan sa labas. Buti nalang at wala akong galos.

"May-- Anak naandito na ang tutor mo, mamaya ka na kumain dali!" sigaw ni mama mula sa labas. Bakit ganito ang buhay ko! Laging may asungot na nadating kapag may gusto akong gawin. Gutom na gutom na ako eh saka dumating ang tutor ko 'daw' .

"Ma--" what the! Si Miss Panget na mukang uod! Bakit naandito yang babaeng yan? Oh my... Siya ba ang bago kong tutor? Packshet naman oh! Sa dami dami ng makukuha ni mama na tutor bakit ito pang babaeng uod na 'to?

"Anak ito si Isabella Hazel Cardova--" I cut her off. 

"Kilala ko siya... And I don't want her to be my tutor!" inirapan ko si mama. Ayokong maging tutor ang mayabang na yan.

"Its alright mrs. Santilla. Hindi ko rin po gustong turuan ang mayabang nyong anak" singit ni Bella. 

"Grabe? Ako pa talaga? Ikaw nga 'tong sobrang taas ng confidence level eh. Hindi kita ma-reach--Aray!" bigla ba naman akong batukan ng mama ko. Tsk. Nakakaasar talaga.

"Pasensya ka na Isabella. Wag mong pansinin 'tong anak ko. Ganyan lang talaga yan pag nakakakita ng maganda.. halika pasok ka" sabi ni mama habang inaalalayang pumasok ang uod sa bahay namin.

"Ha! Maganda? Talaga lang ha!" banat ko at sumunod na din sa loob. Bwiset! 

"So, Isabella, dala mo na ba ang lahat ng gamit mo? " tanong ni mama nung nakaupo na sila sa sofa. Bakit niya pinaupo doon ang uod na yon? Kung madumihan yon... Naku!

"Anong ibig mong sabihin ma?" bakit niya kailangang dalhin ang gamit niya? Wag niyang sabihing dito siya titira sa bahay namin. Sapak siya sakin pag nagkataon!

"Dito na siya titira... Wala kasi siyang bahay, so patitirahin ko siya dito para may kasama ka. Pag wala ako, siya ang magluluto ng pagkain mo. Kapalit nun ay ang pag-tuturo niya sayo ng mga lesson. Isn't it amazing? You and her... Here in the house alone?" parang timang ang nanay ko. Bakit satingin niya may mangyayare samin? No way! Isipin ko palang nasusuka na ako. 

"Dala ko na po yung gamit ko, nasa labas po..." sabi nito. Akala mo kung sinong mabait.

"Kunin mo Eros!" sabi ni mama. Hala! Ano ako utusan na ngayon? I crossed my arms acrossed my chest, nanatili ako sa pwesto ko. Hindi ko kukunin yon!

"Hindi mo kukunin? Eh kung ipa-cut ko ang credit cards mo?".

"Do it..." kahit ipa-cut niya yun ayos lang. I don't care!

"Eh kung ipa-tanggal ko ang internet sa bahay at samsamin ko ang lahat ng gadgets mo?" ang sama ng nanay ko.

"Eto na nga oh... kukunin ko na po!" padabog akong lumabas ng bahay para kunin ang gamit ng uod na yon. Bakit ba kasi kailangang dito pa siya tumira eh. Pwede namang wag na! Pero ayos din naman siguro? Mas magagawan ko siya ng prank jokes ko. Ayos din pala. Marami akong nakahandang kalokohan para mapa-alis ang uod na yon. Wahahaha! *Devil Laugh* Its my time to avenge! 

She's Not Just a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon