EROS' POV
Nasa labas ako ngayon ng bahay, nakaupo sa damuhan sa malawak naming garden, nagiisip isip. Sobrang gulo ng utak ko ngayon, yung damdamin ko napaka-gulo din. Dumating ang first love ko na ang akala ko patay na, tapos unti unti pang napapalapit ang puso ko sa isang babaeng ngayon ko lang naman nakilala. Ang sakit sa ulo... Hindi ko na alam kung anong mararamdaman o maiisip ko.
"Eros anong ginagawa mo dito?" napatingin ako kay Bella habang umuupo sa tabi ko. Napangiti lang ako, para lang itago na naguguluhan ako.
"Wala... Payakap nga!" bigla ko siyang hinila at niyakap. Masarap magkaroon ng taong masasandalan sa oras na gulong gulo kana at si Bella ang tanging tao na alam kong pwede kong masandalan.
"Huy... Ano bang problema mo?" tanong nito habang tinutulak ako palayo. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya, ayokong pakawalan siya. Parang gusto kong maiyak, parang gusto kong tumawa, parang gusto kong magwala. Grabe nababaliw na ata ako.
"Payakap lang... Ikaw lang ang tanging taong masasandalan ko ngayon..." niluwagan ko ng kaunti ang yakap ko sa kaniya, baka hindi na siya makahinga e.
ISABELLA's POV
Kahit di niya sabihin, alam ko may problema siya. Ano kaya yun? Anong gumugulo sa kaniya? Gusto kong itanong pero natatakot ako, natatakot ako na baka dahil iyon sa ibang babae. Pero hindi ako nagseselos ha! A-ano ano lang kasi... Basta.
"What will you do if someone you love from your past came back... Pero attracted ka sa iba?" he asked still hugging me. Gaano niya kaya ako ka-tagal yayakapin? Sana hanggang matapos ang paguusap namin.
"H-hindi ko alam... Pero siguro, mas pahahalagahan ko nalang yung sa attracted ako kesa sa past ko. Kasi, iniwan ka na niya tapos bigla siyang babalik kung kelan nagmamahal ka ulit ng iba..." sinabi ko lang kung anong alam ko.
"What if say--" bigla siyang napahinto sa pagsasalita at bigla ko din siyang naitulak nung marinig ko ang boses ni tita sa likuran namin. Ah ah, sobrang nakakahiya. Baka kung anong isipin ni tita sa aming dalawa. I hate chismis.
"Oh, sorry sa interruption lovers, hindi ko naman sinasadayang maabala kayo eh. Sige na ituloy nyo na yang pagyayakapan nyo" sabi ni tita sabay smile ng sobrang laki sa akin. Ano ba naman yan, napagkamalan pa tuloy kaming lovers eh hindi naman. Kahit nga gustuhin ko, hindi naman pwede. Kahit hilingin ko , hindi naman ibibigay sakin ni Lord dahil napaka-imposible ng hihilingin ko.
Si Eros Santilla magkakagusto sa isang panget at weird? Hindi no! Sikat siya at mas nababagay siya sa mga katulad niya. Kahit isa itong masakit na katotohanan... Tanggap ko na!
"Mama saan ka pupunta bakit ang dami mong dalang bag?" tanong ni Eros. Siguro iniiba ang usapan para hindi awkward. Pero teka nga, bakit nga ba ang daming dalang bag ni tita, saan naman kaya ito pupunta?
"Hay, iniiba ang usapan... Hmmm, pupunta ako ng italy. Pupuntahan ko ang tito Hector mo, may sakit daw ngayon eh..." sagot ni tita habang nagbibilang ng pera sa harap ko. Sobrang yaman talaga nila, kahit saan sila magpunta ayos lang. Mabuti pa sila nakakapunta sa ibang bansa ng walang pino-problemang mga papeles, walang pino-problemang pera at pangkain. Sana, makarating din ako sa ibang bansa kahit isang araw lang.
Ay teka masabi na kaya kay tita na gusto ko nang umalis. Kasi, hindi ko na talaga alam kung paano pipigilan ang damdamin ko para kay Eros. Baka isang araw pag-gising ko, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko at sabihin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman tapos i-reject niya ako and I don't want that to happen.
"Tita--" magsasalita palang ako nang bigla nitong iabot ang kanina'y binibilang niyang pera.
"Oh, pangkain nyo yan ng tatlong buwan. Kaya alagaan nyo ang isa't isa okay? Ikaw Eros, ingatan mo itong si Bella, dahil pag may nangyaring di maganda diyan, itatapon talaga kita sa lola mo" sabi ni tita. Inabot ko na lang yung perang binigay niya. Nakakainis, gusto ko na sang umalis eh. Sige na nga, pipilitin ko nalang pigilan ang aking nadarama para kay Eros. Hay.
"Bye!" sabi ni tita at tuluyan na itong umalis.
"Salamat ha..." inakbayan niya ako sabay patong ng kaniyang ulo sa aking balikat.
"For what?" patay malisya pa ako eh alam kung naman talaga kung para saan yon.
"For being there... And also for the warm hug... I like that" look at me in the eyes and smiled. Hahalikan na ba niya ako? Eto na ba yung eksana na napapanood ko sa mga koreanobela sa tv? Yung unti unti niyang ilalapit ang muka niya sabay lalapat yung labi niya sa labi ko at...
"Wahhhhh" sumigaw ako sabay tulak sa kaniya at nagtatakbo ako papasok sa loob ng bahay.
I can't breath, jusko nagbabara na ata ang mga ugat sa puso ko. Aatakihin na ako. Iniisip ko palang na maglalapat ang aming mga labi parang kinikilig na ako na para bang naiilang .. Ugh! Hindi ko alam ang iisipin. Pero ano nga bang gagawin ko kung sakaling halikan niya ako? Wahhhhh Oh! Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Masyado pa akong bata.
Pero sayang din... Halik na yun eh.