EROS' POV
Naglalakad ako sa may hallway nang mapadaan ako sa c.r. ng mga babae. Grabe nakakita ang ng panty na nakasampay sa may pinto ng cubicle. Syempre joke lang yon, nakakita lang ako ng mga babae at ang ilan ay parang mga bakla sa sobrang kapal ng make up. Haysss... Ene be yen.
"Bakit ba kasi ayaw nyo akong tigilan!" narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi naman siguro. Baka nagkakamali lang ako. Makaalis na nga.
"Hanggat di mo sinasabi ang totoo Isabella, hindi ka namin titigilan!".
Isabella. Isabella. Isabella. Si... Si uod? Bumalik ako sa c.r. ng mga babae, kahit awkward, pumasok ako sa loob. Nagulat yung mga babae, pero hindi man lang nagsigawan? So this mean... Gusto nilang naandito ako sa c.r. nila kahit makita ko silang nag-wi-wiwi?
"Girlfriend! Andyan ka lang pala... Kanina pa kita hinahanap. Magpapakasal na tayo ah..." sigaw ko sa loob ng banyo. Kinuha ko ang kamay niya at hinigit siya papalabas. Nakita ko, nagdudugo ang ilong, may sugat sa tuhod, may sira ang palda, gulo gulo pa ang buhok. Bi-nu-bully ba siya? 'Hay nako Eros tanga ka ba? Nakikita na ngang ganyan ang itsura eh, edi siguro binully nga'.
"Girlfriend? Paano nangyare yon?"
"Oh my God! I-tu-tweet ko 'to!'
"Facebook latur!"
Ang daming bulungan. Nakakainis. Dinala ko si uod sa loob ng room, wala na ding tao dun dahil uwian na. Sapilitan ko siyang pinaupo sa isang arm chair.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong nito.
"Ano ba sa tingin mo?" bulag ba siya?
Kinuha ko ang medicine kit sa loob ng bag ko, lagi naman akong may dala dahil nga napapaaway ako sa mga siraulong gangster dyan sa tapat ng school. Lagi kasi nila akong inaabangan eh. Kumuha ako n kapirasanong bulak saka ko nilagyan ng alcohol para linisin yung nadugo niyang sugat sa may tuhod.
"A-aray! Dahan dahan naman!" taray talaga. Siya na nga yung ginagamot eh, walang utang na loob na uod. Pinasiritan ko ng alcohol yung sugat niya, makaganti man lang. Minsan lang 'to napaka sungit kasi ihh.
Please naman! Dahan dahan!" sabi nito halatang pinipigil sumigaw. Sa loob loob ko, natutuwa ako dahil nasasaktan siya. Hindi naman sa natutuwa na as in grabe... Parang ano lang... Ah... Teka nga bakit ba ako nagpapaliwanag.
Nilagyan ko na ng gamot ang sugat nya kasunod ay nilagyan ko naman ng band-aid.
"Tapos na... Yung ilong mo naman... Tingala ka dali!" sabi ko. Itinaas ko ang ulo niya, sapilitan pa, ayaw kasi... Nahihiya ata sakin. May tinatago din palang hiya ang uod na ito. Anyway, mabuti naman. Hinawi ko yung bangs niya para malinis ko ng ayos ang ilong niya.
Hindi siya nagmumulat ng mata, parang tinatago niya talaga yun mata niya. Siguro iba ang kulay nung isa? Siguro vampire siya tapos bibiktimahin niya ako. Oh baka naman siya si Shadow Fiend dun sa dota 2 na nagpapanggap lang na tao... Hindi kaya?
'Ano ba naman yan Eros, bakit kasi hindi mo nalang aminin na maganda talaga siya. Kung ano ano bang kahibangan ang iniisip mo diyan'
Ang kinis ng pisngi niya, wala din siyang pimples sa muka. Ok! Fine! Maganda siya! Masaya ka na ba UTAK KO? Kainis.
"A-ako na... K-kaya ko na!" sabi nito at pilit na inaagaw sakin yung panyo. Eh makulit ako, hindi ko siya hinayaang kunin.
"Pag di ka umayos, hahalikan kita tamo!" banta ko. Takot naman pala, akala ko pa naman magmamatigas ito para halikan ko. Hindi pala, sa libro lang talaga nangyayari yun. Pero malay ko ba kung magkatotoo yun.
"Bakit ka ba nila binu-bully?" tanong ko. Syempre curious.
"Gawa mo.." sagot niya. Ganon! Paano ko naman naging kasalanan aber? Hindi ko naman sila inutusan na bugbugin ka ah.
"Bakit ako?".
"Kasi... Pinagkalat mo sa buong campus na nakatira ako sa bahay mo... Ayan binu-bully na nila ako!" nagmulat ito ng mata. Nagulat ako kaya napatingin ako sa direksyon. Buti nalang tapos ko nang punasan ang ilong niya. Grabe maganda naman siya eh.
"H-hindi ko pinagkalat... Malay mo may nakakita lang sa atin. Hindi ko na kasalanan yun!" hindi ako makatingin sa kaniya. Parang naiilang ako, gumanda kasi siya eh. Wrong move ata ang nagawa ko, sana pala hindi ko nalang hinawi ang bangs niya edi sana hindi ko na-discover na maganda naman pala siya. Kainis.
Pero yung totoo, ako talaga nagkalat nun. Ang iniisip ko kasi, gusto kong gumanti! Pero hindi ko alam na ganito pala ang mangyayare. Hindi ko naman sinasadya eh. Wag nyo akong sisihin. Promise hindi ko sinasadya!
"Wag kana magsinungaling... Narinig kaya kita. Nakikipag-usap ka sa mga kaibigan mo nung recess, tapos ayun... Pinag-chismisan na nila ako! Masama! Kakainis ka!'' bigla akong sinipa sa sikmura at nanakbo papalabas ng room.
"Hmmpt... Bwisit ka!" impit ang boses ko sa sakit. Bakit ba lagi nalang niya akong sinasaktan physically? Hindi man lang nag-thank you matapos kong gamutin ang sugat niya. Nakakapang-gigil talaga!
"Uod ka talaga! Makakaganti din ako sayo!!!" bwisit talaga siya. Pag lang talaga ako gumanti eh, asar! Gagantihan ko siya pag-uwi ko sa bahay mamaya. Humanda siya sakin!