ISABELLA's POV
Living with the most handsome guy in the university isn't good. Sobrang nakaka-irita, kung hindi ko lang talaga kailangan ng matitirhan hinding hindi ko tatanggapin ang alok ng nanay niya.
Paano ko ba matatanggihan ang inaalok ng nanay niya, kung siya lang ang tanging tao na kung mag-offer ng trabaho yung talagang hindi mo matatanggihan. Libreng pagkain, libreng matitirahan halos lahat na nga yata libre with bonus money pa. Five thousand a month pa, saan ka pa diba?
Nasa kusina ako ngayon, tinutulungan si tita sa pagluluto. Ang laki nga ng kusina eh, mas malaki pa sa c.r. nung apartment na tinitirahan ko dati. Ang yaman talaga nila.
"Isabella, paki-gising na si Eros..." sabi ni tita. Sabi kasi niya yun nalang itawag ko sa kaniya para daw di masyadong pormal.
"S-sige po..." hindi ako makatangi. Bakit ako pa ang kailangang gumising kay Eros. Pwede naman kasing siya nalang ih tapos ako magluluto. Hays.
Huminga ako ng malalim bago umakyat sa hagdan at nagtungo sa kwarto ni Eros. Huminga muna ang ng malalim bago ako kumatok. No response. Kumatok ulit ako, wala pa din. Kaya nagpasya na akong pumasok. At tulad ng inaasahan, I found him sleeping like a God in his soft bed.
Lumapit ako sa kaniya ng bahagya, siguro mga five meters ang layo ko sa kaniya. Hindi ako masyadong makalapit, ang gwapo gwapo niya kasi. Parang nasisilaw ako, para siyang isang dyamanteng kumikislap kahit hindi natatamaan ng sikat ng araw.
"Eros bumangon ka na!" sigaw mula. Baka hindi niya kasi ako marinig. Nakailang sigaw din ako, pero tila sobrang himbing ng tulog ng prinsipe, ayaw magising. Kaya lumapit pa ako ng kaunti at ginising siya ulit pero wala padin.
Kaya ko to! Lumapit pa ako hanggang sa nasa tabi na ako ng kama niya. *Shocks* Hindi ko napansin naka-hubad siya! Bakit naman nakahubad ang mokong na 'to? Nang-aakit ba siya? Dudugo na ata ang ilong ko. Pumikit at sabay talikod pero nanatili ako sa tabi niya. Kinapa ko ang noo niya saka ko sinapok.
"Gising na!" sinapok ko ulit ang noo niya.
"Ang tigas ng abs ko no? Masarap bang hawakan?'' nagulat ako nung bigla siyang magsalita. Napatingin ako sa kaniya at bumaba ang mata ko sa kamay ko. Jusko po! Akala ko noo niya, abs niya pala ang nasapok ko. Napaatras ako ng malayo sa kaniya. Namumula na ata ang muka ko, mabuti nalang at may mahaba akong bangs! Hayyy. >//////////////< nakakahiya talaga!
"Gu-gumising ka na daw Eros... Bilisan mo!" sigaw ko sabay takbo palabas ng kwarto niya. Nakakahiya talaga! Sa dami ba naman ng mahahawakan ko yung abs pa niya! Parang gusto ko na atang umalis dito.
--
Nasa labas na kami ng bahay, sabi ni tita sumabay na daw ako kay Eros. Pero ano ako tanga? No way! Ayokong malaman ng mga malalandi niyang fans na magkasama kami sa iisang bahay. Baka kung ano pang gawin nila sakin eh. Ayoko nang madamay pa sa mga gulo sa school, sobrang gulo na kasi ng buhay ko.
"Halika na" sabi Eros. Sumakay na siya sa kaniyang motor. Umiling ako, ayoko ngang sumakay diyan sa motor. Baka ika-matay ko pa yan.
"Ayoko" maikli kong tugon sabay lakad. Kaya kong maglakad hanggang school. Hindi ko na kailangang makisakay pa sa motor niya.
"Halika na... Dalian mo" pamimilit nito.
"Napaka-kulit mo, sabi na ngang ayoko eh. And pwede ba wag mong ipagkakalat na magkasama tayo sa iisang bahay ha! Salamat" sabi ko sabay takbo papalayo sa kaniya.
"Hindi ko talaga sasabihin! Nakakahiya!" sigaw nito. Tama, nakakahiya! Ang isang pangit na gaya ko ay hindi bagay sa bahay niya. Tama! Tama siya, may point siya.
EROS' POV
"Hindi ko talaga sasabihin! Nakakahiya!" ang kapal talaga niya. Siya pa talaga ang may ganang magsabi ng ganoon? Akala naman niyang sobrang popular niya sa campus. Nakakainis eh. Madapa sana siya.
Pinaandar ko na ang motor ko at pinaharurot ng mabilis. Naabutan ko siya sa daan na nakaupo sa may tabi ng road. Anong nangyare sa kaniya? Huminto ako sa tapat niya.
"Ayos ka lang?'' tanong ko.
"Muka ba akong ayos? Ikaw kaya ang madapa, sa tingin mo ayos lang?" pagsusungit na naman niya. Nagkatotoo ang wish ko. Happy! Sa isip ko gustong gusto kong tumawa, hindi ko lang magawa. Naawa kasi ako ng bahagya hahaha.
"Maganda naman pala ang mata mo, bakit mo tinatago sa malago mong bangs?" nakita ko kasi yung isa niyang mata, biglang nahipan ng hangin ang bangs. Brown na brown ang mata, nice. Na-cu-curious tuloy ako kung anong itsura niya pag walang bangs. Maganda kaya siya?
"Wahhh!" sigaw nito sabay ayos sa nagulo niyang bangs. Bakit kaya niya tinatago ang muka niya? Marami kaya siyang utang na tinatakbuha? Siguro nag-123 sa jeep o kaya naman tumakas sa jail. Ano ba yan, sobrang exaggerated ng mga iniisip ko.
"Sumakay ka na nga kasi... Halika na..." sabi ko. Bumaba ako sa motor ko saka ko siya binuhat at pinaupo sa motor. Hindi siguro siya kumakain ng madami, napaka-gaan eh. Sumakay na din ako sa motor ko at binuhay ko na ang engine. Kinuha ko ang kaniyang magkabilang braso at inyapos iyon sa may tummy ko. Baka mahulog siya eh.
"A-anong ginagawa mo?" sus, patay malisya pa ang uod eh.
"Syempre baka mahulog ka... Wag kang assuming diyan" I said coldly. Natahimik nalang ito. Yan, good girl naman pala eh. Pinaandar ko na ang motor ko and hooray!