ISABELLA's POV
Ano ba kasing nangyari sa kaniya? Bakit siya duguan kagabi... Tapos nung pagbalik ko may nakita akong luha sa gilid ng pisngi niya. Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil baka asarin lang niya ako at syempre nahihiya din ako sa kaniya. First kong mapapalapit sa isang lalaki ng sobra eh. Hindi ako sanay, hangga't kaya kong wag ma-attract sa kaniya gagawin ko. Dahil ayokong umasang magkakagusto sakin ang isang tulad niya.
Nasa kwarto parin niya ako, hindi ko siya iniwan kasi... Nung oras na aalis na ako, bigla niyang kinapitan ang kamay ko kaya hindi ko na nagawang umalis pa. Binantayan ko nalang, baka may kailanganin pa eh.
"Ang init.." bulong nito. Mainit? Bukas kaya ang aircon niya ah. Nasa maximum na nga ih.
"Gusto mo ba ng kumot pa?" tanong ko.
"Get me a shirt inside my closet, I need to change" he ordered. Hay, may sakit ba siya? Buti nalang at saturday ngayon. Pero sa totoo lang, iniintay ko siya kahapon kasi akala ko lalabas kami. Pero hindi natuloy, kasi hindi naman pala siya pumasok kahapon. Kaya tatanungin ko sana siya kung anong dahilan at hindi siya pumasok. Kaso lang, nung umuwi siya sugat niya.
Kinuha ko siya ng t-shirt sa drawer niya at agad ko iyong inabot sa kaniya. Bumangon ito ng bahagya at pilit na inaalis yung pagkakabutones ng kaniyang suot na uniform. Hindi na siya nakapagpalit pa dahil nakatulog na siya sa sahig kagabi. Inilipat ko nalang siya sa kama kahit na hirap na hirap ako. Ang bigat bigat niya kaya.
"Help me..." he mumbled. Eto na nga ba ang sinasabi ko ih! Magpapatulong siya tapos ano? Maaakit ako sa kaniyang katawan. No! No! Isipin mo nalang parang tinatanggalan mo lang siya ng balat, isipin mo siya si Jundae(skeleton buddy ko!).
Sinimulan kong tanggalin sa pagkakabutones ang polo niya, grabe na-aamoy ko ang pabango nito. Sobrang fresh, sobrang bango talaga. Tapos parang nasisilaw pa ako sa kakisigan ng lalaking ito. Siya ba ang araw? Dudugo na ata ang ilong ko!
Hinubad ko na ang polo niya nung maalis ko ng sa pagkakabutones, nagulat ako sa nakita ko. Puro pasa ang katawan at may malaking pasa sa kamy sikmura. Saan ba siya nagsuot? Nakipag-away ba siya?
"Wag mo na akong titigan... Isuot mo na sakin yung damit ko" sabi niya. Nakakahiya talaga! Pumikit nalang ako para hindi ako mapatitig sa kaniyang abs, grabe! Torture ito! Binihisan ko na siya saka ako biglang tumakbo papunta sa may pinto. Kailangan ko lang fresh air. Parang hihimatayin ako sa sobrang lapit ko sa kaniya. Jusko!
"Lumapit ka sakin, Bella" ha? Nagsalita ba siya o imagination ko lang 'yon? Nilingon ko siya baka magsalita ulit siya eh.
"Lumapit ka please.." okay! Nagsalita nga siya. Ano na naman bang kailangan niya? Lumapit ako baka may ipagagawang importante sakin.
"Ano?" tanong ko. Hindi ito sumagot, bigla nalang niyang hinila ang damit ko. Napahiga tuloy ako malapit sa kaniya. Hala! A-ano ba 'tong ginagawa niya! Papatayin niya ba talaga ako? Unti unti niyang inilapit yung noo niya sa noo ko hanggang sa magkadikit ito. Ha! Ang init ng noo nya, may sakit nga siya.
Nagmulat ito at taimtim na tumingin sa akin. Buti nalang talaga naka-bangs ako at hindi niya nakikita ang mga mata ko.
Dahan dahan niya inalis ang nakaharang na buhok sa noo ko. Ayan tuloy nakita niya ang mga mata ko. Nakakahiya, baka namumula na ako! Wahhhh... >////////////////< kakahiya talaga!
"Uod... Wag kang aalis ha. Ikaw ang gamot ko, remember that...'' pumikit na ulit ito matapos sabihin ang mga salitang iyon. GAMOT NIYA AKO? Nababaliw na ba siya?
Kung magpapatuloy ang magiging malapit niya sakin, baka isang araw magising nalang ako na minamahal ko na siya. Baka isang araw, umasa akong mamahalin din niya ako. At iyon ang kinatatakot ko. Ayokong mangyare yon. Ayoko. Baka masaktan lang ako at saka hindi kami bagay. Sobrang daming babae ang nagkakagusto sa kaniya, hindi ko sila kayang tapatan.
Ako'y isa lang nilalang na nanggaling sa kadiliman, isang nilalang na mahilig sa mga weird na bagay at mga horror stories. Hindi ako marunong magayos o magpaganda. Ang alam ko lang gawin, magpapangit at maging kamuka ng mga multo diyan sa tabi tabi.
Hindi niya ako magugustuhan...