EROS' POV
Examination day ngayon. Alam kong papasa ako, kaya nag-ayos ako ng buhok, naligo ng isang bote ng pabango(Jovan), naglagay ng polbo para maging kaakit akit kasi mamaya may date ako este lalabas lang pala kami Bella. I-pe-perfect ko ang exam ko, gusto ko lang talaga siyang makasama.
Naglakad lang ako papunta ng school, nakasunod ako kay Bella. Ayaw niya kasi akong kasabay baka daw pagchismisan kami. Eh diba nga kasi pinagkalat ko na nakatira siya samin tapos sinabi ko pang girlfriend ko siya dun sa mga chismosang nang bu-bully sa kaniya. Kaya eto, sobra kung makalayo sakin. Aaminin ko naiinis ako pag mas pinipili niyang umiwas sakin. Kainis.
Nakapasok na sa gate si Bella nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Lumingon sa likuran ko, nakita ko si Kaye Delos Reyes ang leader ng isang gang na kaaway namin. Badtrip, bakit sa dinami dami pa ng araw ngayon pa niya binabalak na makipag-away sakin. Hindi ko nalang pinansin, dirediretso ako.
"Lalapit ka ba samin o gusto mo pang may masamang mangyare sa syota mo!" sigaw nito, dahilan iyon para mapahinto ako sa paglalakad. Wag nilang idadamay si Bella dito kundi mata lang nila ang makakaligtas sa suntok ko. Humanda sila sakin, ipatitikim ko ang impyerno sa kanila pag nagkataon.
"Anong sinabi mo?" gusto ko ipaulit sa kaniya ang sinabi niya. Ang yabang niya porket marami siyang tauhan at nagkataong nagiisa lang ako. Anyway, kaya ko naman siya eh. Napahina kaya niya.
"Ang ganda ng syota mo, pwedeng pag-tripan... Ipatikim mo naman samin pag katapos mo!" sigaw nito habang ako kumukulo na ang dugo ko sa galit. Ang bastos ng bibig ng gagong 'to ah. Dahan dahan akong naglakad papunta sa hinayupak na bastos na 'to.
Magkatapatan na kami, nagsusukatan ng tingin. Ayoko siyang patulan dahil test ngayon at pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to pero gago siya eh. Pati ba naman si Bella idadamay niya sa away namin. Aba sobra na naman ata 'yon.
"Alam mo wala akong panahon sa katangahan mo ha! At pwede ba wag mong idadamay dito si Bella, magkakamatayan tayo pag dinamay mo siya..." pinipigilan ko ang galit ko. Grabe naaasar talaga ako sa pagmumuka niya. Hindi naman gwapo, ang laki ng mata pati nguso. Feelingero.
"Bakit? Natatakot ka ba samin? Ano mahina ka na... Igagaya mo din ba siya kay Psyche?" ngumisi ito ng nakakaloko. Aba talagang hayup! Kinuha ko ang kwelyo niya saka ko siya pinaulanan ng mga suntok. Pati ba naman ang patay isasama pa. Matagal ko ng kinalimutan si Psyche, leche.
"Tulungan nyo ko! Mga bobo!" sigaw ni Kaye. Mahina pala siya eh, babasagin ko talaga ang ilong niya, sisirain ko pati ang pagmumuka niya. Naramdaman ko yung mga kamay ng tauhan niya na kumapit sa magkabila kong braso. Pero hindi ako nagpa-awat, tinulak ko sila at sinapak ng paulit ulit si Kaye. Hindi nila ako kaya!
"Ano ha! Manghihiram ka ng muka sa aso ngayon!" sinuntok ko siya sa mata, sa ilong, sa bibig, sa pisnge... Kung saan saang parte ng muka niya dumapo ang kamao ko. Puro dugo narin ang nakikita ko, tumatalsik na kasi ang dugo niya sa muka ko. Nalalagas na din ang ngipin niya, mabut nga sa kaniya!
"Patay ka ngayon!" narinig kong sigaw ng isa niyang tauhan kasunod non ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa aking likuran. Nakaramdam ako ng hilo. Ang sakit. Napailing iling ako, pero nahihilo parin ako. Nakatakas si Kaye mula sa aking kamay.