Chapter Eight

22 3 0
                                    

ISABELLA's POV

Nasa loob ako ng kwarto ko, isang linggo nadin ang nakakalipas simula nung magkasakit si Eros, simula nung mahulog na ako ng tuluyan sa kaniya. Oo, mahal ko na si Eros, pero slight lang. Ayoko, ayoko talagang ma-inlove. Masakit, mahirap at madugo. 

Naalala ko ang sinabi nung teacher ko nung nasa gradeschool palang ako, 'Ang pag-ibig ay isang madugong labanan kung saan parehas kayong masasaktan hangga't pinaglalaban' 

"Jundae, anong gagawin ko para makaalis siya sa puso ko?" tinanong ko ang skeleton buddy ko. Simula nung bata pa ako ito na ang kasama ko. Lalaki si Jundae at siya ang natatangi kong bestfriend. Siya lang ang napagsasabihan ko ng problema ko. Tawag sakin ng nanay ko, 'baliw' tawag naman sakin ng tatay ko 'tanga'. Grabe sila diba. 

"Jundae... Iiwasan ko ba siya?" dapat ba iwasan ko siya? Nakakadalawang buwan na din ako dito sa bahay nila, may ten thousand na rin ako dahil sinuswelduhan ako ng mama ni Eros. Siguro dapat umalis na ako dito. Para hindi na magpatuloy pa ang nararamdaman kong 'to para sa kaniya. Tama, yun lang ang tanging paraan para hindi ako mahulog sa kaniya.

"Ang galing mo talaga mag-advice Jundae! Bestfriend talaga kita!" ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya. Siya lang ang nakaka-intindi sakin.

EROS' POV

Nasa labas ako ng bahay, nakatambay sa shop ni Nowin, tita namin ng kapatid ko si Apollo. Naandito ako kasi nagiisip ako ng paraan para mas mapalapit pa ako kay uod. Sa bawat araw na nagigising ako, siya agad ang unang hinahanap ko. Sa bawat araw ng buhay ko, gusto ko siya yung kasama ko. Naguguluhan na nga ako minsan sa takbo ng isip ko eh. Ewan ko ba, pero sa tingin ko... Nagugustuhan kong lagi siyang nasa tabi ko.

"Eros sino si Bella?" nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Nowin. Paano naman niya nakilala si Bella? Hindi naman ako nagkukwento sa kaniya eh.

"Ha?" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Wala eh, nagulat ako sa kaniya. Parang nababasa niya ang nasa isip ko.

"Ayan oh... Paulit ulit mong sinusulat sa papel... Ano na-tatanga? Hindi aware sa ginagawa?'' tumawa ng malakas si Nowin habang hinahampas yung counter. Napatingin ako sa hawak kong ballpen at paper, letshe! Nasusulat ko na ang pangalan ni Bella! Ano ba yan? Nahihibang na ba ako!!!!

"Ayos ah... Umiibig na ang totoy namin ah!" kantiyaw ng abnormal kong tiyahin. Bwiset! Pero, inlove na nga ba ako? O attracted lang? Hindi ako pwedeng mainlove! Uod siya, gwapo ako. So hindi pwede. Kung attracted ako, matatanggap ko pa ih. Pero yung sabihing inlove? No way! 

"Ano bang symptoms ng ano.. A-ah.. Pagiging--" ano ba yan hindi ko manlang masabi ang salitang 'yon, naiilang akong sabihin iyon sa tita ko eh. Kainis.

"Inlove? Ganito lang yan eh. Number one. Hindi mo siya magawang titigan sa mata dahil naiilang ka. Two, gusto mo siyang laging kasama. Three, hindi siya mawala sa isip mo at kung minsan napapangiti ka nalang ng walang dahilan and last Pinagpipilitan mong wala kang gusto sa kaniya kahit na obvious na obvious na gustong gusto mo siya... Sigurado ako inlove ka na no..." pang-asar si tita. Sigurado akong puro kasinungalingan ang sinasabi ni tita sakin. Hindi pa naman yan naiinlove eh. Nako, ine-echos lang ako ng matandang dalaga! Makaalis na nga dito.

"Huy, saan ka pupunta?" tanong ni tita. Hindi ko na siya pinansin, dire-diretso akong lumabas ng shop. 

Naisip ko tuloy si Bella, ano na kayang ginagawa niya ngayon? Siguro nagbabasa nanaman yun ng mga nakakatakot na stories o baka naman nagaaral yun kung paano talupan ng balat ang isang tao. Kasi nung minsan nakita ko siya nanonood ng ganoon sa computer. Grabe nakakatakot siya.

"Be-bella?" si Bella ba itong nakikita ko na naglalakad sa harapan ko? Baka naman hindi siya, pe-pero parang siya talaga eh. Nakasuot ito ng maikling dress na kulay white, tapos naka-high heels pa ito na parang 4 inches yata ang taas, pulang pula din ang labi dahil sa lipstick, nakashades din ito. Hindi nga siya si Bella, kamuka lang niya.

Papalapit sakin ang babaeng yon kaya hinintay ko nalang.

Ngumiti ito at bigla akong niyakap. Grabe! How agressive? Ganito na ba ang mga babae ngayon? Basta makita ako, nangyayakap na agad. Ganito ba ako ka-hot?

"Eros, I miss you..." mahigpit niya akong niyakap, napatulala lang ako ng may maalala akong isang tao. Hindi pwede 'to. Patay na siya...

"Si-sino ka ba?'' bulong ko sa kaniya or maybe sa sarili ko lang. 

"Ako 'to... Si Psyche...".

Woah! Na-speechless ako doon ah. Psyche eh? Bakit siya bumalik? Paano? Bumangon mula sa lupa?  Nagpapatawa yata ito. 

"You can't be her. She's dead..." tinulak ko ito palayo sakin. Ang dami na talagang manloloko sa mundo. Psyche? talaga lang ha? Anong akala niya sakin, hindi kilala si Psyche. Hindi porket maganda siya at ka-look-alike niya ang first love ko eh pwede na niyang gayahin ito. Kapal ng muka.

She's Not Just a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon