Chapter One

40 6 2
                                    

Pumasok ako sa loob ng room, parang naglalakad lang sa moon. Eh ano kung late, atleast naman pumasok diba? Umupo ako sa aking usual seat, malapit sa bintana. Pag tinatamad akong makinig sa mga lecture ng teachers, tumatalon ako sa labas ng bintana. Pupunta kung saan may away at pupusta. 

"Mr. late... Sagutan mo nga ang nasa pisara" sabi ni mr. Chupule este mr. Cleyton. Kamuka kasi siya ng chupule yung nasa dragon ball. 

"Mr. Handsome po sir Chupule!" sigaw ko. Ay.. Patay. Iniisip ko lang eh, bigla ba naman lumabas sa bibig ko. Biglang nagtawanan ang mga pang-asar kong classmates at barkada. Asar din kaya sila sa math teacher na yan. Paano... Magpapasagot sa board, hindi naman niya alam kung tama o mali. Ang tino niyang teacher diba!

"Anong sabi mo?! Late ka nga... Nang-gugulo ka pa! Get out! Get out!" nag-aalboroto na ang teacher ko. Sabi niya lumabas ako, edi lalabas. Kakapasok ko palang eh... Pero ayos lang mas masarap sa labas.

"Kayo nagsabi niyan ha... Pag nakita ako ng lola ko sa labas, sasabihin ko pinalabas mo ko! Bye sir!" sabi ko sabay talon sa bintana. First floor lang naman eh, hindi mahirap talunin. Makakaligtas naman ako, ang baba lang kaya. 

Nung nasa baba na ako, nakita ko si Isabella... Ang pinaka weird at pinaka pangit na ka-batch ko. Ewan ko ba, parang wala siyang pakealam kung anong tingin sa kaniya nung mga babae o kahit na sinong tao pa diyan. 

Hindi ko makita ang mata dahil natatakpan ng makapal na bangs na hanggang cheekbones, matangos naman ang ilong, manipis lang din ang labi. Siguro kaya siya naka-full bangs kasi tinatago ang mga pimples. Puro tigidig siguro ang noo.

"Late ka na Bella... Wag ka na pumasok" hinarang ko siya. Napahinto siya at dahan dahang lumayo sakin. Wow! May sakit ba ako na nakakahawa para layuan niya? Dapat nga matuwa siya kinakausap ko siya eh! Sikat kaya ako sa mga babae!

"Wala akong pakealam... Tabi" mahina nitong sagot. Ang yabang niya... Kung hindi lang siya babae baka nasuntok ko na siya eh. 

"Eh kung ayoko?" iinis ko siya para magalit siya at malate siya sa klase niya. Ang sama ko no? Nandadamay ng tao. Yun ang buhay ko eh.

"Tumabi ka na kasi... Please".

"Hug me first..." ngumiti ako, hindi ko alam kung nakikita niya. 

"Nakakainis!" sigaw nito. Bigla akong hinampas ng hawak niyang libro sa muka saka siya nagmamadaling tumakbo. Napaatras ako... Ang sakit. Weird talaga eh! Napahawak ako sa muka ko sa sobrang sakit. 

"Hoy! Dapat matuwa ka dahil nagpapayakap ako!" siya na nga 'tong swerte eh siya pa 'tong nananakit. Bwiset! 

"Pare may away sa court tara tingnan natin!" biglang may lumapit sakin at binalita ang pinaka-hihintay kong sandali ng araw ko.

Agad akong tumakbo palabas ng school... Wait! Wait! Wait! May guard! Tumakbo ako papunta sa court. Sa likod nun may maliit na garden na may mataas na bakod. Aakyatin ko nalang tutal sanay na ako. Lagi ko kayang ginagawa ito. 

Nasa may garden na ako... Ng...

"Lola?" nalintikan na. Andito ang super duper devil kong lola na laging pinakekealaman ang mga gusto kong gawin. Bakit naman naandito siya!

"Hi apo... Good day right?" sabi ng lola ko habang nangiti ito ng nakakaloko. Pag-mina-malas ka nga naman ng sobra oh! Sa dami ng makakasalubong ko yung lola ko pang mukang barney na may pagka-hawig kay mr. Bean. 

"Ano namang ginagawa mo dito lola?" tanong ko. Kung iniisip nyong wala akong galang... Pwes tama kayo! Paano ko siya igagalang kung lagi niya akong pinakekealaman. Pati nga kulay ng brief ko tinatanong e, wala na akong privacy sa matandang 'to! Bwiset!

"Pinapataasan yung bakod at nilalagyan ng matatalas na bakal para walang makatakas na estudyante. Sobrang dami kasing nag-ka-cutting. Ang ganda ng naisip ni lola diba apo?".

Grabe ang ganda ng naisip mo lola. Ngayon mo pa talaga naisip yan kung kailan tatakas ako? Hadlang ka talaga eh! Paslangin kaya kita, itusok ko sayo yang mga bakal na yan. Grabe. Nakakainis!

Tinalikuran ko ang lola kong barney saka naglakad papalayo. Saan na ako dadaan neto? Saan na ako pupunta? Hindi ko na tuloy mapapanood ang laban ng mga mahihina sa may court. Nakakainis kasi yang lola kong yan eh. Panira sa buhay!

She's Not Just a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon