Alas diyes y medya na kami bumyahe papuntang Zamboanga. Hindi na ulit kami nag-usap ni Vander pagkatapos ng nangyari kanina dahilan kung bakit ang awkward ng sitwasyon namin ngayon.Hindi rin kami tinantanan ni Kuya sa mga tingin niya kaya mas lalo lang akong nahihiya! Sarap sapakin, eh. Atsaka, bakit kasama pa sila? Akala ko ba'y kami lang ni Vander dito?
"So, Vander. How are you?" Tanong bigla ni Kath kaya napatingin ako sa direksyon niya. Nag van lang kami papunta sa airport. Si kuya ang nag dadrive kaya kitang-kita ko sa rearview mirror ang mga ngisi niya. Eh, kung suntukin ko kaya siya?
Nasa passenger seat naman si Kath katabi ni kuya habang kami ay nasa likod. Kasama rin namin sina Rye, Kale, at Q. Habang yung team ay nasa Zamboanga na.
Magkatabi kami ngayon ni Rye. Sa likod lang kami mismo nila kuya, at nasa likod naman namin si Vander at Q na magkatabi rin. Si Kale naman, ayun, nasa pinaka likuran at tulog.
"I'm good." Maikling sagot lamang ni Vander. Napangisi si kuya. Bakit ba tuwang-tuwa ito ngayon?
"Kumusta naman sa Espanya, pre?" Tanong ni Q sa kanya. Hindi ko man makita ang reaksyon ni Vander pero alam kong nagkibit-balikat lang siya.
"Maayos na. We've managed the traitor inside Siena." He replied. Tumango si Rye sa tabi ko. Mukhang ako lang ang walang alam dito, ah.
All I know is that he's definitely not one of Black Horn's men. Pero bakit ganoon ang gusto niyang ipahiwatig sa akin dati? And, why is he so important sa Siena? Siya ba ang may-ari? Also, Siena's headquarters is at Spain? Bigatin, ah.
"Ano daw sabi?" It was Kuya Avier.
"He probably have sold information to our enemies more than we know. But, it has been taken care of. Maraming kalaban ang org natin, Avier. Kailangan natin mag doble ingat." Vander replied at tumango lang si kuya.
Napaismid ako. Baka sa'yo pa nga dapat kami mag-ingat, eh.
"Why are we talking about this? Mamaya na ang trabaho please." Si Kath 'yon. She looked at Kuya and smiled. Aba'y ang bruho lumambot naman.
"Fine, baby." He said saka tinapos na agad ang usapan.
Kadiri din.
Nag-aaral ng medisina si Kath. She went to med school right after the incident with Black Horn dahil lamang naabutan niya sa ambulance si Kuya na duguan.
Malala nga siguro ang labanan dahil pati si kuya ay sumabak na rin sa field. Iniwan ba naman namin ni Vander doon.
Tahimik na kami buong byahe hanggang sa pagtapak namin sa airport ng Zamboanga. We were told na susunduin kami ng team kaya naman naghintay lang kami doon.
Dumating ang team sakay ang isang armored car. Hindi ko inexpect iyon dahil akalo ko'y discreet ang mission. Bumyahe pa kami ng additional five hours para makarating sa base ng kampo at nang makarating ay inassign agad sa amin ang tutulugan namin.
Isang bungalow type na bahay kubo ang inukopa namin. Hindi naman siya gaano kalakihan pero enough naman kami doon. Yung ibang team namin ay hindi pa namin na memeet kaya di ko alam kung saan sila tumutuloy.
Magkasama kami ni Kath sa isang kwarto. Hindi ko na rin muna inisip si Vander dahil busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"So, kumusta naman?" Tanong ni Kath habang inaayos ang kama niya. Alam ko ang iniisip ng bruha at hindi ko siya pagbibigyan!
BINABASA MO ANG
DRY ME LATER (Luca Marco Series #1)
General Fiction"I'll dry you later when you finish coming." - In his line of work, Vander Giordano was down to two choices. Siena or Avyanna. *** R18+ READ AT YOUR OWN RISK.