Limang araw rin akong nanatili lang sa condo upang magpagaling at magpahinga na rin. Eto na 'yung bakasyon ko, ganda diba.Daddy was so mad noong nalaman niyang sugatan akong lumabas sa area. He scolded Hans and the team pero mas pinagalitan niya ako ng bonggang-bongga.
"You could've died, Avyanna!" Syempre, iyan talaga ang paratang agad sa atin ng mga magulang natin diba? Napanguso ako. I'm still recovering tapos ganito agad bungad ni daddy. Hmmp.
"Daddy." Paglalambing ko.
"Nakita mo naman siguro na okay lang ako, oh. Besides, I was not alone. Vander was there."
Kumunot agad ang mukha niya. "Vander, who?" He asked, more like interrogated.
"You don't know him?" Napasinghap ako. Oh my gosh! Kalaban ba siya? But he helped me!
"Who's Vander, anak?" Daddy asked once more. Gusto ko sanang magsinungaling, mag change topic ganun. Pero ang talim na ng tingin ni daddy sa akin eh!
"Vander Giordano? I thought kilala mo siya kasi Hans knows him." I answered honestly. I remembered Hans calling him 'Vander' noong hinahanap ko siya sa loob ng mansyon like parang close sila kasi nasa first name basis agad.
Napaisip si daddy. "Oh. That guy." So kilala niya nga! "I guess he's from Siena." Sagot niya.
"Really? I didn't know na active pa pala ang sister org natin, dad." He shrugged. Napaisip ng malalim. He was tapping his pen tapos may isinulat sa papel. It was Vander's name.
"You need to be extra careful next time. Marami ang galit kay Mr. Su but since he's already dead, we will have to tighten our security dahil mas malaki na ang kalalabanin natin." He stated. Tumango ako.
"By the way, dad. I remembered Mr. Su saying letters na hindi ko maintindihan. I think it's a code." Naaalala ko na sinabi ni Vander that I shouldn't forget it kasi baka nga naman importante 'yun kahit parang wala naman meaning.
"Really? Tell me, anak." His attention is now fully focused on me. Handa na rin ang kanyang ballpen at papel.
"It was AKZBJGNQM" sagot ko. He wrote it down. Wala talaga akong naintindihan but I think he actually got it right away. Napakunot ang noo niya.
"No way." He said bago siya mabilis na tumayo. He kissed me goodbye at agad na nagtipa ng numbers sa cellphone niya. Hindi pa nagri-ring ay tinanong ko pa siya.
"What is it dad?" Naiintriga ako! Ano ba kasi 'yun?
"I'll tell you later. For now, focus on your recovery. I'll call you when I need you in the office. And tell your kuya to come home, your mom is very mad at him." He said before leaving my condo. I made a mental note to call my mom later. Nami-miss ko na ang sinigang na bangus na palagi niyang niluluto para sa akin!
Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit ang hirap kong umintindi ng codes habang si daddy parang addition lang sa kanya sa bilis niyang maka decipher. Ang daya.
You may be wondering what the hell is our org and our sister org.
It's not part of any government institution but we have partnerships with them kagaya ng medics, police, army, firefighters, and many more.
Our org, Luca Marco, is an institution where we are basically fighting off enemies. We are more focused in the field than our sister org, Siena. Unlike Luca Marco, Siena is the best when it comes to sorting intelligence. Sila ang main transport of information sa galing nila sumisid ng impormasyon mababaw man o nasa kinailaliman ng dagat.
BINABASA MO ANG
DRY ME LATER (Luca Marco Series #1)
Narrativa generale"I'll dry you later when you finish coming." - In his line of work, Vander Giordano was down to two choices. Siena or Avyanna. *** R18+ READ AT YOUR OWN RISK.