Chapter 15

8.4K 85 5
                                    




Kinabukasan, maagang umalis ang mga lalaki papunta sa bayan para makipag-usap sa mga sundalo na naroon. Naiwan kami ni Kath sa bahay na sa tingin ko ay tulog pa dahil wala pa namang nag-iingay.


Naghanda lang ako ng almusal namin saka ako bumalik sa kwarto at naghanda naman ng susuotin kong bikini dahil gusto kong mag swimming sa malapit na beach. Wala pa namang sinasabi si Kuya tungkol sa misyon namin dahil mag memeeting pa lang naman sila kaya may oras pa kami para mag enjoy.


Hindi pa man ako makapili ng kulay ay narinig ko na ang mga yapak ni Kath na pumasok sa kwarto ko habang humihikab.


"I like the black one." Sabi niya pa habang pikit ang mata na humiga sa kama ko at mukhang matutulog pa ulit. Inayos ko ang paa niya sa ibabaw ng kama ko saka kinuha ang itim na 2-piece bikini at inilagay iyon sa bag. Naglagay na rin ako ng sunscreen at iba pang mga kakailangin para sa beach trip.


"Na ready mo na sa'yo?" Tanong ko pero umiling lang siya habang nakadapa sa unan. "Ayusin mo na. Half day na nga lang meron tayo, ang bagal-bagal mo pa." Niyugyog ko siya at sinamaan niya lang ako ng tingin bago tumayo at umalis na sa harapan ko. Bruha talaga.


Nang matapos sa paghahanda si Kath ay kumain muna kami ng breakfast bago lumabas ng bahay. We informed the men na aalis kami at maliligo sa kalapit na beach resort and we were told na wala masyadong signal doon sa pupuntahan namin so dapat bilisan lang namin.


We drove to the nearest beach at hindi na nagsayang ng oras. Lumusong kaagad kami sa dagat and enjoyed the salty waters and the sun.  Wala naman masyadong tao sa sa beach ngayon dahil weekdays. Nag rent lang din kami ng maliit na cottage para sa mga gamit namin ni Kath.


Halos magdadalawang oras pa lang kami doon nang mamataan namin ang isang pamilyar na mukha. I squinted my eyes to make sure na tama nga ang hinala namin. Si Hans!



Sinenyasan ko si Kath na umalis na kami doon. Sa hindi malamang-kadahilanan, takot na takot ako para sa kaligtasan namin. I know Hans and I were in good terms before we parted ways but deep inside, after knowing that he's part of a syndicate, parang nabago ang pananaw ko sa kanya.


It felt like he's a complete stranger to me.


Mabilis ang mga kilos namin na bumalik sa cottage at kinolekta ang mga gamit namin saka kami tumakbo papuntang sasakyan ng patalikod sa kung saan naka pwesto sina Hans.


We entered the car safe and sound habang sapo ang dibdib at habol ang hininga. Muntik na kami roon, ah! Buti nalang at tinted naman ang sasakyan kaya hindi kami kita sa labas.


Ilang minuto pa kami nagmatyag sa loob ng sasakyan. We can clearly see Hans and another guy who seem to be enjoying themselves in the ocean. Hindi mo aakalaing magjowa ang dalawa dahil magaganda naman ang hubog ng katawan.


Inikot ko ang paningin sa paligid kung may kasama pa ba silang iba at thank goodness ay wala naman. Maybe I assumed that Hans fell in love with the leader of the syndicate kaya nag expect ako ng bodyguards or some sort.


"Hottie din yung guy na kasama ni Hans, noh." Minsang usal pa ni Kath sa passenger seat. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagawa pang lumandi, eh.


"What? Mas hot pa rin ang kuya mo, don't worry." She said at nagkibit-balikat. Napa-"ew" nalang ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang panood sa dalawa.


The beach got loud suddenly dahil sa mga nagsidatingan na tao. Mukhang nay magbibirthday pa malapit sa cottage namin kanina. Nakikita pa rin naman namin sina Hans na ilang cottage lang din ang layo mula sa sasakyan.


DRY ME LATER (Luca Marco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon