Time Machine VI

1.5K 55 6
                                    

Time Machine VI

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa paligid ko. Kung hindi man ako nababaliw. Malamang ngayon mababaliw na talaga ako. If this was just a dream, why then, why so fucking perfect for a dream? Bakit ang tagal kong magising? Pinikit ko ang mga mata at hinilot ang sintido ko ng may maramdaman akong kamay na humaplos sa noo ko. Mainit iyon at marahang umiikot sa sentido ko. I knew that touch so much. Ilang taon din kaming magkasama para hindi... para hindi... napalunok ako. I felt his other hand going to the small of my back. Siguro naramdaman niya yung panghihina ng tuhod ko. Panghihina ng tuhod? Bakit? Dahil sa kanya? No way!

I’d never felt this way before. Oh Shit Rorie. So, okay. Nararamdaman ko na yung ganito every time na hinihilot ako ni Raf. Na para ba akong nilulutang. Heaven. It felt like this in his arms. Dahil si Raf yung klase ng lalaking, you could feel security in his arms. Reliable and strong Raf.

That’s why you hated him even then!

Napadilat bigla yung mga mata ko sa naisip. And I smelled him so much. That smell. Lalaking lalaki. Aist, nababaliw na ata talaga ako! Ano ba tong naiisip ko? Mabilis akong napaatras pero di ko rin nagawa. E pano ba? His hand on my back stopped me from moving away from him. Reliable? No way. Raf was manipulative through and through. Manang mana siya kay Daddy!

I met his eyes. Bumaba yung mga kamay niya mula sa sintido ko. At tila ako nanghina. Ewan ko! Ah, basta.

“Okay ka na ba?”

Napalunok ako. He was too genuine. Too good to be true. And he married me... married me to get into our family. Iyon ang naiisip ko noon. That was why I hated him so much. That was why I fought him even though I could feel tingly every time he touched me. Pero kahit kailan walang ginawa sakin si Raf na masama. Kahit gano ako kasama sa kanya. Kahit gano ako... kahit sinabi niyang mahal niya ako noon. Noon.

Nanlalaki yung mga mata ko. Noon ang operative word. O noon nga ba? Nangyari nga bang ikinasal kami? O... Nanlalaki ang mga mata kong napatakbo sa cr sa master’s bedroom.

“Rorie!” Raf shouted after me. Pero naguguluhang tumingin ako sa paligid noon. Walang radyo! I mean yung lumang cassette player. Nanghihinang napatingin ako sa paligid. Naguguluhan na talaga ako. Ano ba ang totoo? Na nananaginip lang ako hanggang ngayon? O... panaginip lang talaga na nagpakasal kami ni Raf? Which was reality and fantasy?

“Rorie, what the—”

Napaharap ako sa kanya.

“Rorie, Raf.”

Napalingon kami sa nagsalita sa likuran ni Raf. Nakita ko si Mimi na nagtatanong ang mga mata sa amin. Then she suddenly smiled. Lumapit kay Raf. “Nice bathroom eh?” At sabay kindat kay Raf. Hindi ko alam pero nairita ko nung napatingin siya sa bathtub at ngumisi ng may malisya. E... ayokong isiping may malisya pero kasi. Ayyyyy. I gritted through my teeth. Para akong masusuka. Si Raf at Mimi... dito. Mabilis akong lumabas doon. Pero madadaanan ko si Mimi, “Excuse me.” I whispered.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon