Time Machine I
Lumingon ako sa labas ng bintana. Madilim. Parang uulan.
I sighed. Then I felt a hand wrapped around mine. Pinilit kong huwag manigas sa hawak na iyon. Hindi ko tinanggal yung kamay sa kamay ko. Pero hindi ko rin naman inilagay yung mga daliri ko sa pagitan ng daliri ng may-ari niyon. I looked at our hands. His big hand wrapped around my small ones. And I hated it.
My hand just lay limp on my lap. Pinabigat iyon ng kamay na nakapatong doon.
“Okay ka lang ba?”
Ayokong lumingon. Pero ginawa ko pa rin. Wala akong pakialam kung may worry man sa tinig niyon. I couldn’t look at him straight in the eyes. Sabi kasi nila ang mga taong nagsisinungaling sa mata mo makikita. “Yeah, I guess.” Mahina kong bulong sabay lingon ulit sa bintana ng kotse habang binabaybay ang kahabaan ng luneta. Namasa yung mga mata ko. I could still see myself walking the park with—
“Nag-aalala ako sayo niyan.” Masuyo niyang bulong.
I would have shrugged my shoulders but knowing him. Alam kong hindi siya titigil. Nilingon ko siya at matabang na sumagot, “Sabi ko na ngang okay lang ako.”
He tried to smile. “Gusto mo bang bumaba muna sa park?”
Natigilan ako at tumingin sa kanya. Yung tinging sinasabing: nasisiraan ka naba?
Madilim na. Nagbabadya ng masamang panahon tapos mag-aaya siyang maglakad sa park? Saka isa pa, wala akong balak gawing part two yung ginawa ko dati sa ulanan. Well, not with him.
“Raf let’s just go home, okay?”
Narinig kong bumuntung-hininga ito. Pipikit na sana ako ng may mahagip yung mga mata ko. My heart stopped beating. Ito pala yung feeling na parang tumigil yung buong mundo mo. “Raf stop the car!”
“What?” tanong niya pero mabilis na kong nakalabas kasi tinigil niya yung kotse nung pagkasabi ko pa lang.
“Rorie!”
Mabilis akong tumakbo. He was there. I saw him! Kasalanan ko ito. My eyes got misty. If only I could turn back time. Muntik na akong mapatili ng may tumapik sa likod ko. Isang matandang medyo madumi yung nalingunan ko. Napahawak ako sa dibdib.
Ngumisi ito. “Bilin mo na ineng itong time machine ko.”
“Sorry.” Yun lang sinabi ko at mabilis na lumayo sa kanya. Pero hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko. Natatakot na napaatras ako sa kanya. Baliw ang isang to.
Ngumiti siya sa akin. Yung malungkot. Ewan ko, yung hindi umabot sa mga mata?
“Sige na ineng, nakikita kong kailangan mo nitong time machine ko.”
Umatras ulit ako at tatanggalin na yung kamay niya sa braso ko. Pero halos bumaon na yung kuko niya roon. And I was getting scared now. Mabilis akong nangapa sa bulsa ng jeans ko. May tig-100 ako dun na mga nakatiklop. Hindi ko na binilang kung magkano. I just wanted him to let go of me.
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceRorie is forced to marry Raf by dire circumstances. Because as cliché as it is, Raf can only save the sinking ship- their down to the drain company. Pero ang nakakainis lang, bakit siya pa? At bakit sa ampon pa ng pamilya nila? Raf isn't even from a...