Time Machine IX
"Rorie! Rorie!"
I spluttered water out of my mouth. Naninikip yung dibdib ko sa sobrang pagsuka ng tubig. "Goddammit Rorie!" Umuubo pa rin ako ng maramdaman kong may nag-pump sa dibdib ko. Basang-basa ako. Bewildered, I looked at the surrounding around me and every thing seemed surreal. Like... I was dreaming. Again. "No..." Mahina kong bulong. Nanlalaki yung mga matang tinitigan ko ang lalaking galit ang mukha. He was angry and scared at the same time.
"R-Raf!" Napasigaw na sabi ko sabay yakap sa kanya. I threw my arms around him and hugged him tightly. Nakita ko ang bathtub. Ang bubble bath ko na wala ng bubbles. At ang tumutugtog na malamyos na musika sa paligid. Napatingin ako sa lumang cassette player doon. "Raf..." Naiiyak na bulong ko ng sunod-sunod ng yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Rorie, Rorie wait! Rorie!" Pilit tinatanggal ni Raf yung braso ko sa leeg niya pero hindi ko siya pinapakawalan. "Dammit Rorie!" He hissed. "Ilang beses ko bang sinabi sayong wag kang matutulog sa bathtub ha? Tignan mo nga sarili mo! Muntik ka ng malunod at—" Narinig ko ang malutong niyang pagmumura. At naiyak ako habang naghahalo ang tumutulong buhok ko at luha. Wala akong pakialam.
"Rorie, hindi na ako makahinga!"
Dun ko lang pinakawalan si Raf. Napakunot-noo siya sa akin. "Ano bang nangyayari sayo ha?" Umiling ito ng matagal ko siyang tinitigan. "Hey, okay ka lang? Wala ka bang nainom na tubig at sabon? Rorie, I told you stop sleeping—"
Pinutol ko ang sinasabi ni Raf at hinalikan siya ng malalim. Hindi siya nagrespond nung una, I sucked his lower lip and pulled it in my mouth. He growled and responded. Naramdaman ko ang init ng kamay niyang nakapaikot sa likod ko. Basa na din siya ngayon. And I felt shudders run down my spine. Humihingal na tumaas yung mukha niya. "Nilalamig ka na." Mahina niyang sabi. Binuksan niya yung shower.
"Basa ka na."
He rolled his eyes ceilingward. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Umiiling na sabi nito. Pinatayo niya ako sa bathtub. Hindi ko na tinago pa ang sarili ko sa mga mata niya. I saw how affected he was by my nakedness. And I was only too grateful to realize that it was all a bad dream. Na walang totoong time machine. At ito—ito ang totoo. Ako at si Raf. I bit my lower lip and reached out for him again. Nagulat siya. "Rorie..." Malambing ang boses na bulong niya sa tenga ko. He groaned. "Ang weird mo baby."
Hinalikan ko siya sa leeg. I bit the skin off the small kiss. "Rorie." He hissed at my boldness.
"Thank you for everything Raf."
Naramdaman kong nag-stiffen siya. Umiling. "It's nothing." He whispered.
"It's everyting."
Umiling ulit ito at malalim na bumuntung-hininga. At napakunot-noo ako. It was like he wasn't happy with my thanks. Hinila niya ako at tinapat sa shower stall. Hihilahin ko sana siya ng umiling siya. "Kelangan mo ng mag-shower Rorie. May naghihintay satin sa baba. Nakalimutan mo na bang pupunta tayo kina Daddy ngayon?"
Natigilan ako at tinitigan siya. "Naghihintay?"
Umiling ito. "Alam kong ayaw mo ng pumunta kina... Dad... pero..."
"Just take a shower." Sabi ni Raf. Hinubad nito ang basang polo shirt na suot at itinapon sa laundry basket sa gilid. I gawked at Raf's body. Hindi naman ako nagising lang basta at narealize na mahal ko si Raf. It wasn't like that. Or... was it? Nakita kong nilapitan niya yung lumang cassette player. "Buti gumagana pa to?"

BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceRorie is forced to marry Raf by dire circumstances. Because as cliché as it is, Raf can only save the sinking ship- their down to the drain company. Pero ang nakakainis lang, bakit siya pa? At bakit sa ampon pa ng pamilya nila? Raf isn't even from a...