Time Machine VIII

1.5K 49 9
                                    

Time Machine VIII



"Raf, dali!"



Tumatawang hinila agad ni Mimi si Raf palabas ng kotse. Hindi ko alam kung bakit ganito ka-hyper si Mimi ngayon. Medyo hapon na din kami nakarating ng Tagaytay. Naiinis na bumaba ako ng backseat. I loathed long travels. But I loathed this all the more—yung kailangan mong magtulug-tulugan dahil nasusuka kang panoorin yung dalawang tao sa harapan mo. Mimi was playing with Raf's free hand all the time he was driving. At ganon na lang yung pagpipigil kong tanggalin ang kamay ni Mimi.



Inabot na kami ng gabi sa paghahanap ng venue ng gaganaping reception. Naiinis na tinignan ko si Mimi. "Why are you being so grumpy?" Tanong ni Mimi sakin na ikinataas ng kilay ko ng pang-pitong venue na ata ang pinuntahan namin. Ang sakit na ng paa ko ang arte mo pa. "Nothing, my feet already hurt Mimi."

Gusto ko siyang irapan pero pinilit ko lang ngumiti. Kumalma ka Rorie... kalma... She's still your bestfriend slash cousin. She's still Mimi! Parang mantra iyon sa utak ko.

Inangkla ni Mimi yung braso sakin. She pouted prettily. "This is just formality, I mean the wedding. Pagnagpakasal na kami ni Raf... we talked about starting a family right away. I would have wanted a big family. Alam mo naman na pareho kami ni Raf na mag-isa. I mean, no offense to you and uncle."

Starting a family... A big family...

A family with Raf...

Napalunok ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit pero parang di ako makahinga sa sinabi ni Mimi. I know. I know of all people that Raf wanted a big family. Sinabi niya iyon sakin dati on our wedding day. I knew what Raf had gone through when he lost his family. I was there. Or... was I? No. I was never really there for Raf. At ngayon ko lang na-realize iyon. Because even if we welcomed Raf into the family we—I never made him feel like he belonged. Itinuring ko siyang outsider. Pinaramdam ko sa kanyang isa lang siyang ampon—not even as an ampon—pero isang linta na pilit sumiksik at naninipsip. O isang puppet ni Daddy. Even when we're married I made him feel like he didn't deserve my touch. My love.

Hindi ako makahinga.

"Okay ka lang ba? You look pale." Hinawakan ni Mimi bigla ang pisngi ko.





"Rorie?" Nagulantang ako at napalingon sa taong laman ng isipan ko. Kumunot ang noo nito. Lumapit siya at napakurap ako nang nasa harapan ko na siya. "Hey, are you okay?" Narinig kong sabi ni Mimi sa gilid ko. Pero hindi mapuknat ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. His face was etched with worry. Bumuka yung bibig ko para magsalita pero walang lumabas doon.





"Raf..." Bulong ko. Napahikbi ako bigla ng wala sa loob na ikinabigla nito. His eyes grew wide. "R-Rorie, ano bang nangyayari?" Tarantang napahawak siya sa magkabilang balikat ko. His touch only fuelled what I feel. At bigla akong napayakap sa bewang niya. At wala akong pakialam kahit nandoon pa si Mimi.





Raf stiffened against my embrace at first. Pero naramdaman ko ang unti-unti niyang pag-relax. "Sshhh." Humihikbi na ako. Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ko sa dibdib nito.







"R-Raf... Sorry..."



"Rorie, ano bang nangyayari?"



Umiling ako ng sunod-sunod. "I don't know!" Yun ang totoo. Dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagising na lang ako na ganito na, if this was only a dream bakit tila napakatagal bago ako magising? O... literal bang ginigising lang ako sa katotohanan na ngayon ko lang nakikita?





Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon