Time Machine II
I slowly opened my eyes.
Kitang kita ko yung sinag ng araw mula sa blinds. Tanghali na ba? Teka, blinds? Walang blinds sa kwarto sa condo namin ni Raf. Oo nga pala, tinawagn kami nila Daddy kahapon at dito pinapatulog. Umuwi yung buong pamilya ni ate Daisy galing London. Mini-reunion daw. Napalingon ako sa gilid ng kama. Sa pwesto niya. Natigilan ako. Walang kagusot-gusot iyon. As if it was never slept in. Nag-inat ako. Oh well, Raf had a penchant for too much organization. Minsan nga iniiisip kong masyado siyang OC.
Mabilis akong bumaba ng hagdan. And my eyes almost got misty. Two years lang naman akong hindi na tumira dito. Pero parang sobrang daming nagbago. Kahit na nga ba pumupunta-puntra pa rin ako simula ng…. simula ng ipilit ni Daddy yung gusto niya.
“Hindi ka iiyak Rorie.” I hissed.
“Rorie anong ginagawa mo diyan? Nagsasalita ka na namang mag-isa?”
Napalingon ako. Si Ate Daisy! Mabilis akong napatakbo. Oh how I missed her. Niyakap ko siya agad. “Hey, hey, hey!” mabilis niya akong nilayo sa kanya. “May problema ba?”
Tumawa ako. “Walaaaa.” I smiled. Geez. Naiiyak ako tae. Close kasi kami ni ate. “Namiss lang kita.” Tapos nag-asawa siya. Nag-migrate sa ibang bansa. At ako...
She looked puzzled. “Kahit kaka-skype lang natin nung isang araw?”
“Skype yun. Hindi in person.” Ingos ko. Parang hindi man lang ako namiss. Nakita ko si mamang na papalapit galing sa garden niya. I frowned. Parang may iba kay mamang.
“Hello? Para ka namang timang at—”
“Oh, anong problema?” Sabi ni mamang. She was still beautiful and aristocratic despite the years.
“Namiss daw ako ng bunso niyo mang.”
Tumawa ang ginang. “Akala mo naman hindi mga nagkikita. Kuuu. Pero wag ka, namiss ko din ang mga dalaginding ko.”
“Mang!” Sabay naming hiyaw ni Ate Daisy. She hugged us. Napinpoint ko na. She wasn’t limping anymore!
Mukang effective talaga yung ilang therapy sessions niya. Nalaglag kasi siya sa hagdan noon. It was an accident everybody thought she couldn’t survive. Pinakanapuruhan yung binti niya.
“Halika na at handa na yung breakfast.” Inakay nila ako sa dining room. And he looked up. And smiled at me. Hindi ko alam kung anong nagbago. Ang alam ko lang... si Daddy ang nagbago. He smiled at me. Really smiled at me? Oh goodness.
“Oh, what’s with the look?” Nakangising tanong niya sakin. Napapahid ako ng luha sa mata. Umiling ako. Matagal na kaming hindi naguusap ni Daddy. Not like this anyway. Palagi kaming civil. Simula nung... simula nung...
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceRorie is forced to marry Raf by dire circumstances. Because as cliché as it is, Raf can only save the sinking ship- their down to the drain company. Pero ang nakakainis lang, bakit siya pa? At bakit sa ampon pa ng pamilya nila? Raf isn't even from a...