Ika-Sampung Kabanata

3.9K 124 22
                                    

Ika-Sampung Kabanata:

Pagkatapos maghugas nu Hera ng pinggan ay agad niyang chineck ang kondisyon ni Kross. Pumunta siya sala kung nasaan si Kross, mula sa malayo ay nakita niya ang nakahiga na si Kross. Mukhang tulog na ito kaya nilapitan niya ito at hinipo ang noo.

Hindi na ito kasing init ng kanina, mas napanatag ang loob ni Hera. Umupo siya sa sahig at hinarapa ng maamong mukha ni Kross. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakikita niya ngayon. Kita niya sa harapan ang mala-anghel na mukha ni Kross, mukha na nga itong babae, kaunti nalang ay matutupad na ang pangarap nito na maging isang ganap na babae. Ilang sandali na lang ay iiwan rin siya ng tapng nasa harapan niya ngayon. Ilang sandali nalang ay matatali na ito, matatali na sa ibang tao, hindi sa kaniya kundi kay Wen.

Ang sakit isipin na may hindi na siya kasama sa mga pagtupad ng mga pangarap niya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya kaya pinunasan niya agad ito. Gamit ang hinlalaki ay pinadaan niya ito mula sa kilay... mata... ilong... labi, ang mapupulang labi ng binabae na isang beses na niyang natikman. Ang malambot at matamis na labi nito. Sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon siya ng urge na tikman itong muli.

"Hindi naman masama diba? Huli na rin naman ito." Pagkausap ni Hera sa kaniyang sarili. Dahil mas pinili niyang sundin ang puso, unti-unti na niyang inilapat ang labi niya sa labi ng binata.

Sa una'y magkadikit lamang ang labi sa isa't isa. Nakapikit ang dalaga, kaya't kahit papaano'y nababahala siya na baka magising si Kross. Hindi naman kasi marunong humalik ang dalaga, kaya dahan-dahan na rin niyang hiniwalay ang ulo mula sa binabae.

Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang kabigin ni Kross ang batok niya kaya't muling naglapat ang labi nila. Hindi alam ng dalaga ang kaniyang gagawin.

"Gising na ba siya? Teka pano ba 'to?" Pagkakausap niya sa kaniyang sarili pero nagulat na lamang siya nang biglang kagatin ni Kross ang pang-ibabang labi niya na kaniyang ikina-ungol.

"Hmm..." marahang sabi ni Hera at hinawakan na rin ang mga pisngi ng binabae.

Mas lumalim ang kanilang naging halikan, sinasabayan na lamang ni Hera ang bawat paghalik, ginagaya kung paano ang ginagawa ni Kross hanggang sa magsalita ito.

"Wen..." napatigil sa Hera sa kanilang ginagawa at lumayo. Nanatiling nakapikit ang binabae. That hurt her, akala niya ayun na, akala lang pala.

Tears started streaming down her face, silent sobs were made pero as much as possible she want it to be silent. Ayaw niyang magising si Kross. Agad siyang tumayo at pumunta sa kuwarto. She went to bed and cried her heart out. Hindi niya lubusan na maisip na she felt wonderful then boom, she's broke.

Hindi na niya matandaan kung hanggang kailan siya umiyak, basta she felt sleepy after crying.

•••

Kinaumagahan, masakit ang mga mata ni Hera nang imulat niya ito. She's very sure na mugto ang mga mata niya. Tinatamad siyang bumangon mula sa kama at nag-inat. She stood up and went outside her room, pipikit-pikit siyang lumabas mula sa kuwarto, hirap siyang magmulat dahil masakit ang mga mata niya.

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Kross sa dalaga nang makita niya ito. He's cooking for their breakfast, magaan na rin ang pakiramdam niya hindi katulad kagabi.

"Goodmorning din." Malumanay na bati ni Hera, halata ang lungkot sa bawat salita na kaniyang binigkas. Agad itong napansin ni Kross at nilingon ang dalaga. Nakita niya ang mugtong mata ng dalaga kaya't nag-alala ito.

"Teka anong nangyari sa'yo? Did you cry?" Agarang tanong ng binabae. Halata sa bawat salita ang pag-aalala. Pilit na ngumiti ang dalaga at umiling.

"Hindi no! Napuyat lang kagabi, an lamig kasi e." Sabi ng dalaga pero hindi napanatag si Kross sa sinabi nito.

"Sure ka ba?" Sabi ni Kross sa dalaga dahil hindi talaga siya kumbinsido.

"Oo nga! Haha parang baliw. Ano bang niluto mo? Ang bango ha?" Sabi ni Hera at nilagpasan na lamang si Kross. Pumunta siya sa hapag at tinignan ang niluto ng binabae.

"Bacon atsaka egg lang, wala ka na kasing stock, mamaya ipaggogrocery kita." Sabi ni Kross at pumunta na rin sa hapag. Tumango naman si Hera at umupo na sa upuan, nagsimula na siyang magsandok at kumain. Nang itlog na ang kaniyang kakainin ay bigla na lamang bumaliktad ang kaniyang sikmura.

Agad siyang tumakbo papunta sa lababo at doon inilabas ang kaniyang kinain kahapon.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Kross habang hinihimas ang likuran ng dalaga.

"T-Tubig..." sabi ng dalaga kaya't agad na kumuha ng baso si Kross para kay Hera.

"Eto o. Ano bang nakain mo kagabi?" Sabi ni Kross sa dalaga pero hindi naman sumagot ang dalaga. Then biglang nagtaka si Hera sa sinabi ni Kross. Wala naman siyang kinain na kakaiba or sira na pagkain.

"W-Wala naman..." nanghihinang sambit ni Hera. She is thinking of something. How she wished na sana'y hindi tama ang hinala niya. Na sana'y hindi totoo ang naiisip niya.

"Bulok ba 'yung itlog na niluto ko?" Tanong ni Kross at inamoy ang niluto niyo. Wala naman siyang naamoy na kakaiba sa itlog kaya mas lalo siyang nagtaka.

"W-Wait," biglang nanghinala si Kross sa nangyari kay Hera. May bigla siyang naisip na dahilan 'kung bakit nagsusuka ang dalaga.

"A-Are you p-pregnant?" Kabadong sambit ni Kross. If she is pregnant, what should they do? Then Hera bagan to cry.

"I-I don't know..." napahagulgol na malakas si Hera. What if she's really pregnant? She can't bare the child of her rapist. Kinakamuhian niya ang taong iyon. As much as possible she want every moment from that day to be forgotten. Ayaw na niyang may maalala sa nangyari 'nung araw na 'yon. Ayaw na niyang mag-isip patungkol sa nangyari 'non.

Inalo siya ni Kross sa likuran. Maging si Kross ay naiiyak sa kalagayan ng kaibigan. He can't stand seeimg his bestfriend cry. Ang nararamdaman ni Hera ay dumodoble sa pakiramdam ni Kross.

"Sana hindi..."

Hera's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon