Malapit na ang birthday ni Hera. Pero ang kanilang relasyon ng mag-asawa ay mas lalong lumalabo. Ang dating Hera ba katabi ni Kross sa pagtulog ay napalitan ng mga unan. Sa iisang bahay parin sila nakatira pero sa kuwarto ng mga bata natutulog si Hera. Ayaw niya kasi makita si Kross, nasasaktan ang puso niya.
"Anong plano mo sa birthday mo Mars?" Tanong sa kaniya ni Brayan habang kalong ang anak nitong si Brandon, wala kasi ang asawa nito, may meeting kaya siya na muna ang nag-aalaga sa anak nila. Nasa isang coffee shop sila ngayon. Alam din ni Brayan ang mga nangyayari sa buhay niya. Kahit kasi hindi na siya rito nagtatrabaho ay nanatili parin ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Wala naman, baka samahan ko lang ang mga bata sa bahay." Sabi ni Hera habang hinahalo ang kape na kaniyang iniinom.
"Ang boring naman 'non Mars!" Sabi ni Brayan habang nilalaro ang anak.
"'Kung ako sa'yo, sumama ka nalang sa amin ni Jheya. May out of town kami, kasama sina Saft." Sabi niya sa dalaga. Naging kaibigan na rin kasi nina Saft si Brayan, nagclick agad ang friendship nila dahil pare-parehas sila ng federasyon. Nag-aalinlangan si Hera 'kung sasama siya kasi baka isama nila Saft si Kross na napansin naman si Brayan.
"Don't worry, hindi kasama si Kross. Hindi raw kasi siya available that day, may date daw..." Nalungkot si Hera sa narinig. Parang nabasag ang puso niya sa sinabi ni Brayan.
"Pero huwag ka naman mag-alala Mars, kami naman ang ka-date mo." Sabi nito sa babae. Ngumiti na lamang si Hera at nagsimula nang magdaldal si Brayan patungkol sa buhay at sa ganap sa birthday ni Hera.
Hera's Birthday
Dumating ang kaarawan ni Hera, nanatiling malamig ang pakikitungo ng mag-asawa sa isa't isa. Ni-hi o helli ay walang maririnig sa kanilang dalawa. Kahit na ga'non ay umaasa parin si Hera na babatiin siya ni Kross lalo na ngayong birthday niya. Pero wala siyang narinig mula rito.
"Isasama ko nga pala ang mga bata mamaya." Tanging sabi ni Kross sa dalaga.
"Saan naman?" Malamig na tugon ni Hera habang mag-aayos ng gamit.
"Hindi mo ba kailangang malaman. At kahit humindi ka ay isasama ko sila." Sabi ni Kross sa kaniya. Nasa kuwarto siya ng mga bata, pati na rin ang mga gamit niya.
"Nagpaalam ka pa? Isasama mo rin naman pala kahit humindi ako e." Pangbabara ni Hera sa asawa. Wala namang nagawa si Kross at umalis na. Masaya naman sila sa loob ng dalawang taon e. Walang humpay ang kasiyahan, pero bakit biglang naging ganito?
Tumayo na siya at kinuha ang gamit. Lumapit siya sa mga bata at nagpaalam rito.
"Aalis na si Momma mga baby. Pakabait kayo kay Dada ha?" Bilin nito sa dalawa.
"Yes, Momma!" Sabi ni Zachary sa ina.
"Teyk kweyr Momma!" Sabi ni Czarina at humalik sa pisngi nito. Gumanti naman ito ng yakap at halik sa dalawa at lumabas na ng bahay. Hindi naman na nagpaalam si Hera sa asawa at lumabas na ng bahay.
Sakto naman na dumating na ang mga kasama niya ngayong araw. Agad siyang pumasok sa vamn at sumalubong sa kaniya ang mga kaibigan.
"Happy birthday Mars!" Bati ng mga ito sa kaniya ngumiti naman ang dalaga at nagpasalamat sa mga ito.
Matapos ang batian ay nagsimula na silang bumiyahe papuntang Batangas. Doo kasi nakapagpa-reserve si Saft ng resort na maaari nilang pagstay-an.
Maggagabi na nang makarating sila sa resort na napagreserve-an. Naka-idlip si Hera kaya pagmulat niya ay nagulat siya nang makitang mag-isa na lamang siya sa van. Kinabahan naman si Hera dahil hindi niya mahagilap ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Hera's Confession
General FictionIt is hard to confess, for I have loved you for a long time.