Epilogue

4.6K 154 60
                                    

A/N: WOOOOH SO ETO NA GUYS! Sad to say but this will be the end :(( I would like to say thank you sa mga sumuporta ng stories ko!! For those silent readers, voters and commenters (anudaw?? HAHA) A big thanks to all of you! Special mention sa mga nagcocomment sa story na 'to, I appreciate all the comments! Natatawa ako minsan and hindi ko mareplyan kasi wala akong masabi as in. So ayon thank you ulit sa lahay and sana isupport niyo rin po ang upcoming stories and other on-going ko!!! I love you all!!! 💓

P.S: Ieedit ko rin ang mga stories ko but not now so bare with my typings po muna hehehe tinatamad pa aketch.

Epilogue:

"Dada!" Rinig na rinig sa buong kuwarto ang hiyaw ni Zachary, ang panganay sa kambal na anak nina Hera at Kross. Agad na sinalubong ni Kross ang kaniyang panganay at kinalong ito.

"Hi baby boy! Where's Momma?" Tanong niya sa isa't kalahating taon na anak.

"Momma pwitty!" Excited na qika nito at umakto pa na naglalagay ng make-up para mas maintindihan ng ama. Nagets naman niya agad ang sinabi ng anak kaya't napangiti ito at pagkatapos ay kiniss nito ang mapupulang pisngi ng bata.

"Cute, cute talaga ng baby boy namin!" Wika ni Kross at pinanggigilan ang pisngi ni Zachary.

"Mars! Balik ka na dito! Wiz ka pa tapos sa tuxedo mo! Memeye ne 'yen si baby boy at baka malate pa kayo!" Sigaw ni Saft kay Kross na nasa may pintuan pa. Habang kalong-kanling ang anak ay nilapitan niya ang mga bakla na busy sa pag-aayos. Kapwa mga nakatuxedo pero mahahalata ang pagka-angat ng kaniyang isusuot.

"Akin na muna si baby at baka magusot ang long sleeves mo. Naker ang pogi talaga ng inaanak namin!" Gigil na wika ni Gleo at kinuha ang bata.

"Tigilan niyo nga ang kakapisil sa pisngi! Nag-lalaway e." Parang nanay na bilin ni Kross sa mga bakla. Tinawanan lang nan siya ng mga ito kaya't inirapan niya sila.

"Oo na Mars, go na. Bihis ka na." Sabi ni Gleo at tinalikuran si Kross habang kalong si Zachary.

Nangingiti nalang na pumunta sa may vanity mirror si Kross at tinignan ang sarili. Inyos niya ang kaniyang buhok na bagong tabas at ang kaniyang longsleeves na medyo nagusot dahil sa pagkalong kay Zachary.

Kinuha niya mula sa kama ang kaniyang magiging suit at dahan-dahan na sinuot para hindi magusot.

"Dada pogi!" Rinig niyang sabi ni Zachary kaya napangiti siya lalo.

"Grabe Mars, 'di ko talaga Inexpect na aabot kayo ni Mareng Hera sa simbahan. Totoo nga ang sinabi nila na sa haba-haba ng prosisyon, sa simbahan 'din ang ending, charot!" Emosyonal na wika ni Drix sa kaibigan. Natawa nalang ang mga bakla at isa isa na lumabas ng hotel room.

Mauunang dumating si Kross sa simbahan, kaya't hindi nito maiwasan ang makabahan. Kapit niya sa kanang kamay ang anak na lalaki at ang kaniyang magulang sa gilid nang nagsimula na siyang maglakad sa isle. Kabadong- kabado siya lalo na't sa oras na iyon. Hindi niya kasi malaman ang gagawin, baka mamaya ay hindi siya siputin ni Hera na sana'y hindi naman mangyari, pero sa fuwimg nakikita niya ang anak na nag-eenjoy habang naglalakad sa gitna ay napapawi ang mga negatibong pag-iisip sa kaniya.

Nang marating ang pinaka unahan ng simabahan ay kasama niya ang anak niya sa pag-intay ng kaniyang bride.

Maya-maya pa ay nag-iba na ang tugtog, unti-unti na 'ring binubuksan ang malaking pintuan ng simbahan. Mula sa unahan ay kitang-kita niya si Hera.

Nakasuot si Hera ng isang magarbong gown na kulay puti. The gown suits her well, syempre, si Kross ang pumili ng gown ni Hera. Si Kross kasi ang pinapili ni Hera ng kaniyang gown. Alalang-alala pa niya ang naging tanong ng dalaga noob sa kaniya.

"'Kung natuloy ang kasal niyo ni Wen, ano ba ang gusto mo sanang design ng gown mo?"

Funny to think na Hera still considers his feelings at hindi siya pinipilit ni Hera na magbago. Titig-titig si Kross sa dalaga na kapit-kapit ang kakambal ni Zachary na si Alexandra Czarina, matchy pa ito kung titignan sa suot ng dalaga. Nakangiti at masayang naglalakad si Czarina habang kapit ng ina.

"Ambal!" Natutuwang sigaw ng batang lalaki at humagikhik pa ito. Natuwa naman ang mga bisita sa dalawa maging ang soon to be mag-asawa.

Hindi maalis ni Kross ang tingin sa dalaga, masyadong maganda sa paningin niya ang dalaga lalo na sa ngayon. Kita niya ang pagkinang ng mukha ni Hera, blooming kung blooming ang awra nito ngayon. Hindi maiwasan ni Kross na hindi umiyak dahil mapapang-asawa na niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

Ang babaeng handa siya tanggapin kahit na ano pa siya. Ang babaeng kahit kailan hindi siya tinalikuran at binalewala. Ang babaeng nandiyan kapag kailangan niya. Ang babaeng hindi siya iniwan kahit ano pa ang mangyari. At higit sa lahat, ang babaeng mahal na mahal niya.

"Ang ganda mo talaga..." Bating bungad ni Kross sa dalaga nang marating na nito ang harapan ni Kross. Ang kambal naman ay sinundo na ng magulang ni Kross kaya't naiwan silang dalawa na nakatayo sa gitna.

"Bolero..." natatawang wika ni Hera sa ilalam ng kaniyang belo na suot.

Nahawa na lamang si Kross sa ngiti ng dalaga at inalalayan ito papunta sa may harap ni Father.

°°°

"Do you, Kross Andre Bonavista, take Hera Katalan as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do." Walang alinlangang sagot ni Kross sa pari habang nakatitig kay Hera. Napangiti na lamang sI Hera dahil sa sinabi ng binata. Damang-dama niya ang pagmamahal nito. Kinuha niya ang singsing at dahan-dahan na isinuot sa daliri ni Hera.

"I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit."

"Ikaw naman babae, do you take Kross Andre Bonavista as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Pagbaling ng pari kay Hera.

"I do, father." Nakangiting wika ni Hera at kinuha ang singsing. Dahan-dahan rin niyang isinuot ito.

"I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit."

"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss your bride." Mabilisang iniangat ni Kross ang belo ni Hera at agad itong hinalikan. Kanina pa kasi gustong ikiss ito ngunit sagabal ang belo, ayaw naman niyang sirain ang seremonya dahil sa kiss. Rinig na rinig sa buong simbahan ang palakpakan ng mga bisita

"Hinay-hinay bakla! Baka makadalawa ulit!" Natawa ang mga bisita sa sigaw ni Saft na pumapalakpak.

Napangiti ang dalawa nang maghiwalay ang mga ito. Niyakap ni Kross ng mahigpit ang dalaga at iniangat ang kanilang kamay na may singsing. Mas naging malakas ang palakpakan dahil dito.

"Momma! Dada!" Sigaw ng kambal at tumakbo ang mga ito palapit sa kanilang mga magulang.

Natatawa namang sinalubong ng dalawa ang kambal at binuhat ang mga ito. Sa hindi malamang dahilan ay nagkatingin ang dalawang bagong kasal.

"I love you." Wika ng dalawa sa isa't isa.

"Picture taking na mga Mare!"

























End

Hera's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon