Ikalawang Kabanata

4.6K 170 40
                                    

Ikalawang Kabanata:


Everyone decided to leave after 'nung dare namin ni Kross. Gusto pa 'man sana nila mag-stay to comfort me, pero I insist. Ayokong kaawaan nila ako dahil sa sarili kong katangahan, it is better to face this stupidity by myself.

I am now left alone here in my room, sitting on the top of my bed, crying with pain I am feeling now. Ang sakit talaga if those words came from the person you like, okay pa sana kung sina Gleo ang nag-sabi sa akin 'non, kasi kaunting sakit lang. Pero kapag sa kaniya mismo galing, ang laki ng impact sa akin. I really wish I did not confess my feelings towards him, sana lang ay hindi na ako umamin at hinayaan ko nalang ang naramdaman ko, kasi from the start, it's already obvious na wala akong chance, pero ako ito, nagtake ng risk, ayan iyak ang abot ko.

Now I'm starting to overthink again, memories, what ifs and the scene a while ago. It pains me.

•••

Many weeks passed, naging aloof na lalo si Kross sa akin. There are times na nagkakasabay kami sa elevator pero hindi niya ako papansinin, parang hangin na lang ako sa paningin niya e.

Papasok na ako sa lobby ng condo, binati ako ni Manong guard na naka-duty ngayon. I walked pass the lobby and went inside the elevator. Nang magsasara na ang elevator ay biglang bumukas ulit ito, tinignan ko naman ang papasok, nakita ko si Wen, nginitian niya ako at nginitian ko rin naman siya. I was kind of shock when someone cling on his arms, si Kross pala. He's wearing a dress that suits him very well. Ang ganda niya talaga, hindi aakalain na lalaki siya, mas mukha pa ata akong lalaki sa kaniya.

"Hi Hera." Bati sa akin ni Wen at pumasok na sila sa loob ng elevator. Hindi ako binati ni Kross, maging ang tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa. That broke my heart, again. Pero hindi ko na siya pinansin, nilingon ko nalang si Wen na nasa gilid niya.

"Hello, Wen." Bati ko pabalik sa kaniya.

"Kamusta ka?" Pag-tatanong nito sa akin sabay lingon sa akin. Hindi naman kami super close, pero we are friends.

"Ayos lang naman. Ikaw ba?" Pagtanong ko rito, ang maldita naman 'kung hindi ko siya kakamustahin pabalik.

"Okay lang din. Hahatid ko lang itong si Kross, galing kami sa E.K." Nagulat ako sa sinabi niya. Enchanted Kingdom? Damn, plano kong dalahin si Kross doon sa 10th year of friendship namin. Pero mukhang hindi na iyo matutuloy.

"Ay ganon? Maganda ba?" Nilingon ko siya at nakita kong mas dumikit si Kross sa kaniya at iniunan pa ang ulo nito sa balikta ni Wen. Babaeng-babae talaga siya ngayon.

"Oo, sobra! Actually, nagpropose na ako sa kaniya kanina." Sabi nito sabay pakita ng kamay ni Kross na hawak-hawak niya. "Hon..." malumanay na sabi ni Kross sabay hampas ng marahan sa braso ni Wen. Kita kong masaya si Kross sa sinabi ni Wen.

"What? Ay sorry Hon, I got excited e. Nasabi ko tuloy." Sabi niya kay Kross at kita ko ang lambing sa bawat pagbigkas niya ng salita. Ako naman ay nakatulala lang sa kanila. I was left speechless. Nilingon naman ako ni Wen at nginitian.

"Na-excite lang ako, hehe." Sabi ni Wen sabay kamot sa batok niya. Tinignan ko kung anong floor na kami bago ako muling sumagot. I can feel a lump in my throat, I feel like crying.

"H-Hindi, a-ano, okay lang! A-Ano ka ba? A-ano, masaya ako para sa i-inyo! Hehe, uhm, Congrats! S-So, kailan ang k-kasal?" O diba, ang tanga mo Hera, nasasaktan ka na nagtanong ka pa. Mas lalo kong naramdaman ang bara sa lalamunan ko dahil dama ko talagang anytime now, iiyak na ako. Two more floors, at malapit na sa unit ko.

"Hindi pa nga namin alam e. Pero when we already have plans, babalitaan ka namin." Kita ko ang saya at kislap ng mata niya. Ang saya-saya niya ngayon. Nilingon naman niya si Kross at nakita kong masaya rin ito. Mas dumagdag ang sakit na nararamdaman ko, I never saw Kross that happy when he's with me. 'Yung saya na pang-inlove. Sure thing, he's happy when he's with me pero 'yung happiness na 'yon is pang-friends lang.

Hera's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon